Search Header Logo
PAGTATALAKAY

PAGTATALAKAY

Assessment

Presentation

Other

10th Grade

Medium

Created by

Cherlyn Gayomale

Used 37+ times

FREE Resource

7 Slides • 2 Questions

1

MASINING NA PAGKUKUWENTO

2

​LAYUNIN:

​A. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento

​B. Naisusulat ang sariling maikling kuwento tungkol sa nangyayari sa kasalukuyang may kaugnayan sa mga kaganapan sa binasang kuwento

3

Ang masining na pagkukuwento ay pagbibigay ng interpretasyon sa isang maikling kuwento o salaysay sa pamamagitan ng madamdaming pagbabasa at madamdaming pagkilos.

​Ano ang Masining na Pagkukuwento?

media

4

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagkukuwento​:

​1.  Hangga’t maaari, piliin ang paksang napapanahon dahil magiging kawili-wili

​2.  Gumamit ng nga salitang nauunawaan ng mga tagapakinig. 

​3.  Iangkop ang paksa sa kinagigiliwan ng mga tagapakinig.

4.  Gawing malinaw at tiyak ang aral na nais iparating ng kuwento sa mga tagapakinig.

​5. Bigyang buhay ang kilos, gawi at pananalita ng mga tauhang inilahad sa pagkukuwento

​6. Gumamit ng mga kagamitang pantanghalan at lumikha ng iba’t ibang tunog,

tulad ng isang tunog ng nasusunog na bundok, ulan, putok ng baril, at iba pa.

media

5

​ELEMENTO NG MASINING NA PAGKUKUWENTO

​* Lakas ng tinig o boses

* Pagpapalit ng estilo ng tinig ayon sa iba't ibang tauhan

* Pagbabasa ayon sa iba't ibang damdamin

* Ekspresyon ng mukha

* Naaayon na aksiyon o kilos ng katawan

* Kasuotan

media

6

​ESTILO SA PAGSULAT NG KUWENTO:

​-Pagbabalik-tanaw

​-Pagsasalaysay

​-Paglalarawan

​-Paglalahad

​-Paghahambing

media

7

MAGSANAY TAYO!

​Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

media

8

Multiple Choice

Si Jimel ay inatasang kumatawan sa kanilang baitang para sa gaganaping patimpalak sa masining na pagkukuwento ngunit nangangamba siya na baka hindi niya kayanin sapagkat nahihiya at halatang kinakabahan siya kung siya ay nagbabasa sa madla. Sa iyong palagay ano ang kulang kay Jimel?

1

Malakas na boses

2

Tindig at kilos

3

Tiwala sa sarili

4

Lahat ng nabanggit

9

Multiple Choice

Nilikha ni Roy ang kanyang kuwento sa pagsasaad ng mga kapana-panabik na mga panyayari na siyang pupukaw sa interes at atensyon ng mambabasa. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraan na ginamit ni Roy?

1

Paglalarawan

2

Pagsasalaysay

3

Paglalahad

4

Paghahambing

MASINING NA PAGKUKUWENTO

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 9

SLIDE