Search Header Logo
KPWKP_Q2_Mod3_Sitwasyong-Pangwika-sa-Pelikula-at-Dula_v2

KPWKP_Q2_Mod3_Sitwasyong-Pangwika-sa-Pelikula-at-Dula_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 4+ times

FREE Resource

26 Slides • 45 Questions

1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 3 Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Dula

2

​Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood (F11PD-IIb-88)​

3

​Layunin:

1. nasusuri ang mga dayalogong ginagamit sa mga pelikula;

2. nasusuri ang kulturang nakapaloob sa mga pelikula; at

3. nabibigyang-halaga ang mga pelikulang Pilipino.​

4

​Subukin

A. Panuto: Suriin ang mga pamagat at dayalogo sa pelikula at sagutin at sagutin ang mga tanong na kaugnay nito tungkol sa lingguwistiko at kultura.

5

Multiple Choice

“You don’t have to, wag mo akong mahalin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil mahal mo ako, because that is what I deserved…” (Mia – Barcelona – A Love Untold). Anong wika ang ginamit sa pahayag?

1

Barayti ng Filipino

2

Code Switching

3

Ingles

4

Tagalog

6

Multiple Choice

Bayan o sarili? Mamili ka!” Alin sa mga kultura ng Pilipino ang ipinahihiwatig sa pahayag mula sa pelikulang Heneral Luna?

1

Makatao

2

Maka-Diyos

3

Makabansa

4

Makakalikasan

7

Multiple Choice

Ano ang nais ipahiwatig ng karakter ni Jenny sa pelikulang Milan nang sabihin niya kay Lino na “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?”

1

Nais niyang malaman kung tapat ang pag-ibig ni Lino sa kanya.

2

Gusto niyang alamin kung may kailangan pa si Lino para matulungan niya.

3

Nagdududa siya kung ginagamit lang ba siya ni Lino bilang kasintahan.

4

Nalilito siya kung mahal ba siya ni Lino o kailangan lang siya nito dahil natutulungan niya ito.

8

Multiple Choice

Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula nina Enrique Gil at Liza Soberano na My Ex and Whys?

1

Mga tanong na hindi nasagot sa pagitan ng dating magkasintahan.

2

Mga tanong na walang solusyon dahil sa hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan.

3

Mga tanong na gustong malaman ng dating magkasintahan ang sagot.

4

Mga tanong na hindi na nais pang malaman ng magkasintahan ang sagot.

9

Multiple Choice

“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos…” Anong kultura ng mga Pilipino ang masasalamin sa pahayag?

1

Bayanihan

2

Pakikipagkapwa-tao

3

Pananampalataya

4

Senakulo

10

Multiple Choice

Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkakaiba-iba ng kultura sa Pilipinas

MALIBAN sa;

1

katangiang heograpikal nito

2

impluwensiya ng mga dayuhan

3

pagkakaiba-iba ng wika

4

pagkakatulad-tulad ng paniniwala

11

Multiple Choice

“Kung ihahambing ang kabataan sa ibang pangkat ng lipunan, higit silang mapanuri sa mga palabas at pelikulang pinapanood.” Ito ay pinatunayan sa sulating:

1

aklat na Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino

2

aklat na Stupid Is Forever

3

dyornal na Meditation of Filipino Youth Culture

4

pahayagang Philippine Inquirer

12

Multiple Choice

Bakit patuloy na tinatangkilik ang mga pelikulang Pilipino?

1

dahil sa mga artistang gumaganap

2

dahil sa mga linya ng mga tauhan o hugot lines na natatak sa isipan.

3

dahil sa mga lugar na pinaggaganapan

4

dahil sa napag-uusapan sa bawat lugar

13

Multiple Choice

Paano ipinakita ng mga tauhan ang aspektong linggwistiko o gamit ng wika sa lipunang ginagalawan sa loob ng kulungan sa dulang Pilipino na “Sinag sa Karimlan”.

1

impormal na tinatangkilik ng masa

2

mga dayuhang wika ang ginamit

3

matatalinhaga ang wikang ginagamit

4

paggamit ng diyalekto sa pakikipag-ugnayan sa kapwa

14

Multiple Choice

Paano ginamit ang wika sa dulang napanood, Ang Walang Sugat ? https://www.youtube.com/watch?v=mrPJNdjccDs

1

Impormal ang gamit ng wika.

2

Makahulugan at masining ang gamit ng wika.

3

Nakabatay sa sariling diyalekto

4

Pinaghalo ang Ingles at Filipino

15

Multiple Choice

Ang mga seryeng tulad ng Be Careful with my Heart, Till I Met You, at Sahaya ay mga programa sa telebisyon na tinatawag na;

1

dula

2

magazine show

3

news and public affairs

4

telenobela

16

Multiple Choice

Ang mga sumusunod ay mensahe sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, MALIBAN sa;

1

Ang mga nawawasak na pamilya at gumuguhong pangarap

2

Ang kumita nang malaki upang maging masagana ang buhay.

3

Ang pagbabago ng pananaw ng mga kabataan tungkol sa kanilang pinapahalagahan sa buhay.

4

Ang paglalahad ng mga di kanais-nais na bunga ng paglayo sa pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa.

17

Multiple Choice

Ano ang mga naitulong sa wikang Filipino ng mga teleserye tulad ng Ang Probinsiyano, Kara Mia, at Kadenang Ginto.

1

Natuto ang mga dayuhan sa paggamit ng wika.

2

Napaunlad at gumamit ng rehiyonal na wika ang mga Filipino

3

Napaunlad at napagyaman ng mga Pilipino ang ating wikang Filipino.

4

Maraming Pilipino ang tumangkilik sa wikang dayuhan.

18

Multiple Choice

Ano ang ipinapahiwatig ng mga pahayag na ito ng inang si Josie sa pelikulang Anak? “Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang hinihithit mo ang sigarilyo, habang nilulustay mo ang mga perang padala ko, sana’y inisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para makapagpadala ako ng malaking pera dito. Sana habang nakahiga ka sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilang taon kong tiniis ang matulog mag-isa habang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko. Sana maisip mo kahit konti kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi mo kaanu-ano, samantalang kayo… kayong mga anak ko ay hindi ko man lang kayo maalagaan,”

1

pagpapakasakit ng magulang para sa magandang buhay ng pamilya

2

pagkapariwara ng buhay ng mga anak dahil sa bisyo

3

pagiging maluho sa buhay ng mga anak

4

pagkahirati sa buhay at sa layaw

19

Multiple Choice

Ang ang tema at mensahe ng pamagat ng dulang Pilipino na Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar?

1

Pagmamahalan sa loob ng pamilya

2

Pagtanggap at pagpapatawad sa miyembro ng pamilya

3

Pagkakaroon ng unawaan sa kakulangan ng isa’t isa

4

Lahat nang nabanggit

20

​Aralin 3

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Dula

Ang araling ito ay lubos na makatutulong sa pag-unawa sa kalagayan ng ating wika pagdating sa paggamit sa mga mga pelikula at dulang Pilipino na tinatangkilik ng mga mamamayang Pilipino. Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay isagawa mo ang mga susunod na gawain nakatala dito.​

21

​Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.​

Panuto: Kilalanin kung anong uri ng social media ang inilalarawan sa bawat bilang.

22

Multiple Choice

Ito ay uri ng social media na tumatalakay sa isang paksa na nagmistulang diary. Kinapapalooban ito ng mga karanasang inilalathala sa paraang elektoniko.

1

Blog

2

Facebook

3

Pinterest

4

Twitter

23

Multiple Choice

Ang social media na ito ay mayroon lamang 240 na bilang ng letra na maaaring gamitin sa paglalathala na karaniwang muling paglalathala na laman ay balita.

1

Skype

2

Twitter

3

Tumblr

4

YouTube

24

Multiple Choice

Pinakapopular na social media sa mga kabataan na bawat kilos ay mababasa mo rito at malayang nakagagamit ng wikang nais nila.

1

Facebook

2

Internet

3

Viber

4

Yahoo

25

Multiple Choice

Ito ay isang platform sa internet na karaniwan sa salitang Ingles at nagkakaintindihan ang lahat.

1

Pahayagan

2

Radyo

3

Social Media

4

Telebisiyon

26

Multiple Choice

Malaki ang naitutulong nito para sa mga taong nawalay sa pamilya dahil sa pagtatrabaho lalo na sa mga mag-aaral na kailangan nang agarang kasagutan sa kanilang mga asignatura.

1

Internet

2

Microsoft

3

Netflix

4

YouTube

27

​Tuklasin

Sa bahaging ito naman ay ating tatalakayin ang kalagayan ng wika sa mga pelikula at dulang Pilipino upang ganap mong maunawaan ang araling ito.​

28

​Pelikula

Ang pelikula na kilala rin bilang sine at pinilakang-tabing ay isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.

Ang panonood ng pelikula ang pinakamura at abot-kayang uri ng libangan ng lahat ng uri ng tao sa lipunan. Iba-iba ang uri ng pelikulang tinatangkilik ng mga manonoood. Naaayon ito sa kaniyang ibig panoorin at nagugustuhan. Nariyan ang aksiyon, animation, dokumentaryo, drama, pantasya, historical, katatakutan, komedya, musical, sci-fi (science fiction), at iba pa. Anuman ang pelikulang tinatangkilik, tiyakin lamang na kapupulutan ng aral na magiging gabay naman ng mga manonoood sa nangyayari sa araw-araw na buhay niya.​

29

Dulang Pilipino​

Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ang layunin ng dula ay makapagbigay aliw. Sinasabi ring ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood.

Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.​

30

​Sinasabi ring isang genre na panitikan na nasa anyong tuluyan ang dula na dapat na itanghal sa entablado, may mga tauhang gumaganap na nag-uusap sa pamamagitan ng mga diyalogo. Masasabing may anyong pampanitikang inihanda para sa dulang ang mga artista ay kumakatawan sa mga tauhan, ginagawa ang nararapat na pagkilos ayon sa hinihingi ng mga pangyayari at sinasabi ang nakasulat na usapan. Ang mgan halimbawa ng dulang Pilipino: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar; Sa Pula sa Puti ni Soc Rodrigo, Sarimanok ni Patrick C. Fernandez, Karaniwang Tao ni Joey Ayala, Anghel ni Noel De Leon, at iba pa.

31

​Ang Dula Sa Kasalukuyang Panahon

​Sa kasalukuyang panahon, mas umunlad, maraming nabago, at marami na tayong iba’t ibang dula gaya ng panradyo, pangtelebisyon, at pampelikula, sa panahong ito, ang mga dula ay itinatanghal sa mas malalaking entablado at aktuwal na napapanood ng mga tao.

​Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit isa lang ang layunin ng mga mandudula: ang magbigay aliw sa mga mamamayang Pilipino, at higit sa lahat, ang bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay ng Pilipino. (https:/www.slideshare.net)

32

​Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes A Man and A Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, You’re Still the One, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika.​

33

Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radio, diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nang mas malaki. Subalit, hindi rin mapasusubalian ang katotohanang dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa.​

34

​Bagama’t laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi gaanong estrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas na Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at lumikha ng ugong o ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012). Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga taong tumatangkilik sa mga ito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.

35

​Suriin

​A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga dayalogo sa pelikula at dulang Pilipino.

36

Open Ended

Ginamit lang naman ako ng tadhana para pagtagpuin kayo. Im’Just a piece of your puzzle”

(Gara)

37

Open Ended

“ I deserve an explanation! I need an acceptable reason”

(Marco)

38

Open Ended

“ Mas pipiliin ko ang isang bukas na nandoon ka kaysa sa isang bukas na wala ka”

(Gab)

39

Open Ended

Bakit kaya Ingles ang karaniwang ginagamit na pamagat sa mga pelikulang Pilipino? Ipaliwanag

40

Open Ended

B. Panuto: Pumili ng pamagat ng dulang Pilipino na napag-aralan, o napanood na. Ipaliwanag kung bakit naibigan mo ito.

Pamagat ng Naibigang Dulang Napanood ____________________

Paliwanag:__________

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman at kaisahan ng ideya 3

Gamit ng Balarila 2

Kabuuan 5

41

​Pagyamanin

Dahil nabigyang-katwiran mo na ang paggamit ng wikang Ingles na pamagat sa pelikulang gawa ng mga Pinoy, subukin naman natin ang iyong kakayahan sa pagsusuri sa mga salitang ginagamit ng mga tauhan sa pelikula/dula gayundin ang kulturang nais nitong ipakita sa manonood.

Manood ng naipalabas ng pelikulang Pilipino, naibigang dulang naitanghal, o drama sa telebisyon. Sundin ang panuto sa ibaba.​

42

Panuto: Pagkatapos mong panoorin ang pelikula o dula o drama suriin mo ang wikang ginamit sa dayalogo ng mga tauhan at ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin dito. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa bawat bilang.​

43

media

44

Open Ended

Sang-ayon ka ba na gamitin ang wikang Ingles at Filipino sa isang pelikula o dulang pangtanghalan o pantelebisyon? Pangatwiranan.

45

Open Ended

Ano-anong kulturang Pilipino ang nakita mo sa iyong pinanood na pelikula o dulang Pilipino?

46

Open Ended

Makatotohanan ba ang mga eksenang nagpapakita ng kulturang Pilipino sa pelikula o sa dulang napanood? Patunayan.

47

​Isaisip

Naglalaman ang modyul ng mga katanungang pupunan upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ngayon ay subukin mong magsuri ng naibigang pelikula at dulang Pilipino na napanood. Malaya kang pumili ng iyong nais panoorin.

Handa ka na ba? Tara, Game!​

48

media

49

Open Ended

Question image

Panuto: Pagkatapos mong panoorin ang iyong mga napiling pelikula, punan mo ng sagot ang Venn Diagram batay sa iyong naging obserbasyon sa aspetong linggwistiko (wikang ginamit) at kultural na aspetong nakapaloob dito.

50

media

51

media

52

Tayahin​

“Kapag may simula ay mayroon ding wakas! Tiyakin natin ang iyong pagkatuto.”

A. Panuto: Suriin ang mga pamagat at dayalogo sa pelikula at sagutin ang mga tanong kaugnay nito tungkol sa lingguwistiko at kultura.​

53

Multiple Choice

“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat…and you chose to break my heart.” (Popoy - One More Chance) Anong wika ang ginamit sa pahayag?

1

Barayti ng Filipino

2

Code Switching

3

Ingles

4

Tagalog

54

Multiple Choice

Paano ginamit ang wika sa dulang napanood, Ang Walang Sugat ? https://www.youtube.com/watch?v=mrPJNdjccDs

1

Impormal ang gamit ng wika.

2

Makahulugan at masining ang gamit ng wika.

3

Nakabatay sa sariling diyalekto

4

Pinaghalo ang Ingles at Filipino

55

Multiple Choice

Ang ang tema at mensahe ng pamagat ng dulang Pilipino na Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar?

1

Pagmamahalan sa loob ng pamilya

2

Pagtanggap at pagpapatawad sa miyembro ng pamilya.

3

Pagkakaroon ng unawaan sa kakulangan ng isa’t isa.

4

Lahat nang nabanggit

56

Multiple Choice

Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage?

1

Bagaheng ‘di nakailangan

2

Dating kasintahan

3

Lumang maleta

4

Sobrang bagahe

57

Multiple Choice

“Alam ko kasi ang mga mama, hirap na hirap sila kapag malayo sila sa kanilang anak.” (Odrey – Miss Granny). Anong kultura ng Pilipino ang masasalamin sa pahayag?

1

Paghihigpit ng magulang

2

Pagpapahalaga sa anak

3

Pagpapahalaga sa magulang

4

Pagtitiis ng hirap

58

Multiple Choice

Ang mga seryeng tulad ng Be Careful with my Heart, Till I Met You, at Sahaya ay mga programa sa telebisyon na tinatawag na;

1

dula

2

nobela

3

noontime show

4

telenobela

59

Multiple Choice

Ang mga sumusunod ay mensahe sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, MALIBAN sa;

1

Ang mga nawawasak na pamilya at gumuguhong pangarap.

2

Ang kumita nang malaki upang maging masagana ang buhay.

3

Ang pagbabago ng pananaw ng mga kabataan tungkol sa kanilang pinapahalagahan sa buhay.

4

Ang paglalahad ng mga di kanais-nais na bunga ng paglayo sa pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa.

60

Multiple Choice

Ano ang mga naitulong sa wikang Filipino ng mga teleserye tulad ng Ang Probinsiyano, Kara Mia, at Kadenang Ginto.

1

Maraming Pilipino ang nakaunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

2

Maraming dayuhan ang natutong magsalita ng ating wika.

3

Maraming Plipino ang gumamit ng rehiyonal na wika.

4

Maraming Pilipino ang nahirati sa wikang dayuhan.

61

Multiple Choice

Ano ang ipinapahiwatig ng mga pahayag na ito ng inang si Josie sa pelikulang Anak? Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang hinihithit mo ang sigarilyo, habang nilulustay mo ang mga perang padala ko, sana’y inisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para makapagpadala ako ng malaking pera dito, sana habang nakahiga ka sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilang taon kong tiniis ang matulog mag-isa habang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko, sana maisip mo kahit konti kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi mo kaanu-ano, samantalang kayo… kayong mga anak ko ay hindi ko man lang kayo maalagaan,

1

Pagpapakasakit ng magulang para sa magandang buhay ng pamilya.

2

Ang pagkapariwara ng buhay ng mg anak dahil sa bisyo.

3

Ang pagiging maluho sa buhay ng mga anak.

4

Pagkahirati sa buhay at sa layaw.

62

Multiple Choice

Ang ang tema at mensahe ng pamagat ng pelikulang Four Sisters and A Wedding?

1

Pagmamahalan sa loob ng pamilya

2

Pagtanggap sa kakayahan at kahinaan ng miyembro ng pamilya.

3

Pagkakaroon ng unawaan sa kakulangan ng isa’t isa.

4

Lahat nang nabanggit

63

Multiple Choice

Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkakaiba-iba ng kultura sa Pilipinas MALIBAN sa;

1

impluwensiya ng mga dayuhan

2

katangiang heograpikal nito

3

pagkakaiba-iba ng wika

4

pagkakatulad-tulad ng paniniwala

64

Multiple Choice

“Kung ihahambing ang kabataan sa ibang pangkat ng lipunan, higit silang mapanuri sa mga palabas at pelikulang pinapanood.” Ito ay pinatunayan sa sulating:

1

aklat na Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino

2

aklat na Stupid Is Forever

3

dyornal na Meditation of Filipino Youth Culture

4

pahayagang Philippine Inquirer

65

Multiple Choice

Bakit patuloy na tinatangkilik ang mga pelikulang Pilipino?

1

dahil sa mga artistang gumaganap.

2

dahil sa mga lugar na pinaggaganapan.

3

dahil sa napag-uusapan sa bawat lugar.

4

dahil sa mga linya ng mga tauhan o hugot lines na natatak sa isipan.

66

Multiple Choice

Ano ang karaniwang anyo at tono ng wikang nagagamit sa dula, programa sa radio, at pelikula?

1

impormal na tinatangkilik ng masa

2

matatalinhaga ang wikang nagagamit

3

mga dayuhang wika ang nagagamit na tinatangkilik ng masa

4

pormal na tinatangkilik ng masa

67

Multiple Choice

Ang kahulugan ng pamagat ng dulang Pilipino sa “Sinag sa Karimlan”.

1

sikat ng araw sa umaga

2

liwanag at pag-asa sa kabila ng kadiliman

3

kadiliman at mga pagsubok

4

paghahanda sa pagsubok

68

Karagdagang Gawain​

​Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Binabati kita! Natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil diyan, gusto kitang maging handa sa susunod na pagsubok na iyong haharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang madalas na marinig na salita sa iba’t ibang lugar batay sa iba’t ibang sitwasyon.

69

media

70

Open Ended

Panuto: Manood ng pelikula sa telebisyon o makinig ng dulang Pilipino. Sumulat ng sanaysay na nagpapatunay na ang lingguwistiko at kultural na ugnayan ay nasasalamin sa mga pelikula at dulang Pilipino.

71

media

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 3 Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Dula

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 71

SLIDE