

KPWKP_Q2_Mod4_Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pama
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 2+ times
FREE Resource
34 Slides • 29 Questions
1
Modyul 4 Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan
by Edgar Monte
2
Kasanayang Pampagkatuto:
• Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang anyo at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS-IIb-89
3
Layunin:
1. Naipaliliwanag nang pasalita ang anyo ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon
2. Naipaliliwanag nang pasalita ang paraan ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon
3. Nagagamit ang angkop na wikang dapat gamitin sa kalakalan, edukasyon at pamahalaan
4
Subukin
A. Panuto: Ipaliwanag ang anyo at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon kaugnay ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
5
Multiple Choice
Anong pamamaraan ng paggamit ng wika ang ginagawang panghikayat ng mga kandidato upang sila ay iboto sa tuwing sasapit ang eleksiyon
“Bumoto nang tama at iyong karapat-dapat!”
“Huwag kayong maniniwala sa mga oposisyon!”
“Kapag ako ang ibinoto ninyo, magkakapera kayo!”
“Kapag ako ang ibinoto ninyo, tutulungan kong umunlad ang ating bansa!”
6
Multiple Choice
Bakit Ingles ang wikang ginagamit sa mga website?
Amerikano ang gumawa nito kaya Ingles ang ginamit na wika.
Ingles ang itinuturing na universal language.
Nasanay na lamang ang mga tao na Ingles ang nakikita sa websit
Walang panumbas na salita sa Filipino ang ilang salitang Ingles
7
Multiple Choice
Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”
Walang katumbas na linya sa Ingles
Wikang Tagalog upang madali itong tandaan at gawin.
Pinoy ang mga mag-aaral kaya dapat wikang Filipino ang gamitin
Gumamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat sa mga mag-aaral at magulang.
8
Multiple Choice
Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.
Big SALE!
Bagsak-presyo!
Pwede utang!
Buy 1 Take 2!
9
Multiple Choice
Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo
paggamit ng Pilipino
pag-aaral gamit ang Filipinoo
bilingguwal na pamamaraan at wikang Ingles
paggamit ng diyalekto sa ugnayan
10
Aralin 4
Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan
11
Balikan
Panuto: Suriin ang mga pamagat at dayalogo sa pelikula at sagutin ang mga tanong kaugnay nito tungkol sa lingguwistiko at kultural na ugnayan nito sa sitwasyong pangwika
12
Multiple Choice
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat…and you chose to break my heart.” (Popoy - One More Chance) Anong wika ang ginamit sa pahayag?
Barayti ng Filipino
Code Switching
Ingles
Tagalog
13
Multiple Choice
Gusto ko magkakasama tayo bago ako makipagkita kay San Pedro. Tutal pitong linggo na lang naman.” (Tatay – Seven Sundays) Alin sa mga kultura ng Pilipino ang mahihiwatigan sa pahayag?
Close Family Ties
Extended Family
Pamamanhikan
Piyesta
14
Multiple Choice
Anong nais ipahiwatig ni Tonyo sa pelikulang Kita Kita nang sabihin niya kay Lea na “Alam mo click tayo.”?
Bagay sila
Magkaibigan na sila
Pumindot na sila
Magkapatid sila.
15
Multiple Choice
Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage?
Bagaheng di nakailangan
Dating kasintahan
Lumang maleta
Sobrang bagahe
16
Multiple Choice
“Alam ko kasi ang mga mama, hirap na hirap sila kapag malayo sila sa kanilang anak.” (Odrey – Miss Granny). Anong kultura ng Pilipino ang masasalamin sa pahayag?
Paghihigpit ng magulang
Pagpapahalaga sa anak
Pagpapahalaga sa magulang
Pagtitiis ng hirap
17
Tuklasin
Maraming Pilipino ang naiimpluwensyahan at gumagamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang antas sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas. Subalit hindi maitatatwa na Ingles pa rin ang ginagamit sa sistema ng edukasyon at print media, kaya itinuturing pa ring makapangyarihan ang wikang Ingles sa ating lipunan at dominanteng wika sa edukasyon.
18
​
Sa kasalukuyan, wikang Filipino ang ginagamit sa pamamahala, lehislatura at mga korte sa Pilipinas, ngunit Ingles pa rin ang namamayaning wika na ginagamit ng mga mambabatas at ng mga pulitiko. Gayondin sa mga intelektuwal na usapin, komersyo o negosyo ay Ingles din ang ginagamit habang Filipino naman sa lokal na komunikasyon at mga palabas sa telebisyon.
19
​
Binigyang-diin ni Boudieu (1991) sa kanyang Language and Symbolic Power na ang pagkakaroon ng lehitimong wika sa isang lipunan ang nagpapatatag sa ekonomiya at pulitika ng isang bansa kung gagamitin ito bilang wika sa pagunlad ng sistema ng edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa.
20
SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON
Taong 2003 nang lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ipatupad ang Executive Order 210 na may pangkalahatang layunin na palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon sa Pilipinas.
21
​
Sa kabilang banda, sa bagong kurikulum na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno C. Aquino III, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man – Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). Sa kurikulum na ito pinanatili ang wikang Filipino at Ingles na gamitin at ituro pa rin sa mga paaralan maging sa mas mataas na antas.
22
​
Binigyang-diin ni dating Kalihim Armin Luistro na ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral. Makapagpapatibay din sa kanilang kamalayang sosyo-kultural
23
​
Dahil sa bagong kurikulum, binago rin ang asignaturang itinatadhana ng CHED. Mula sa dating 60 units na kurso sa General Education Curriculum (GEC), ginawa itong 36 units na lamang at inalis na rin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.
24
​
Ang pagsunod sa mga pamantayan na inilalabas ng DepEd, CHED at ng KWF ay makatutulong sa mag mag-aaral upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto ng Ingles upang mas maunawaan nila ang mga aralin na pinag-aaralan.
25
SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAA
Isa sa malaking kontribusyon ni dating Pangulong Corazon C. Aquino sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988. Nakatulong ito upang maging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan.
26
​
Maging si dating Pangulong Benigno C. Aquino III ay itinaguyod din ang pagpapahalaga sa ating sariling wika sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang Filipino sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Ayon sa kanya, mas makabubuti na maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang kanyang sinasabi.
27
​
Sa kasalukuyan, wikang Filipino na rin ang ginagamit sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan subalit may mga pagkakataon na gumagamit ng code switching ang mga nanunungkulan sa gobyerno lalo na kapag teknikal ang mga salita o sadyang walang mahanap na katumbas nito sa Filipino.
28
SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN
Masasabing malaki ang epekto ng pangangalakal sa wika ng isang bansa sapagkat sa pakikipagtalastasan nagaganap ang pakikipagkalakalan. Isa sa epekto ng kalakalan sa wikang Filipino ay ang paggamit sa tatak ng isang pangunahing produkto bilang generic name nito na nagdudulot ng kalituhan sa mga mamimili at nagtitinda.
29
​
Dahil sa pagbabagong nagaganap sa mundo, nagbabago rin ang paraan ng pakikipagnegosasyon ng tao. Umusbong sa bansa ang call center na nagbigay ng bagong trabaho para sa mga Pilipino. Ingles ang wikang ginagamit ng mga call center agent bagamat nakabase sa Pilipinas sapagkat dayuhan ang mga kliyente na kanilang binibigyan ng serbisyo.
30
​
Sa mga tanggapan ng malalaking kumpanya na tinatawag na multinational companies wikang Ingles din ang higit na ginagamit. Maging ang mga inilalabas na memo, kontratang pinapipirmahan at mga liham-pangangalakal ay nakasulat sa wikang Ingles. Ang mga press release na inilalathala sa social media, maging sa print advertisement tulad sa broadsheet at magazine ay ito rin ang ginagamit sapagkat mas malawak na uri ng konsyumer ang kanilang target at hindi lamang nakatuon sa mga Pilipino.
31
​
Subalit sa kabilang banda, mapapansin na pinanatili ang paggamit ng wikang Filipino at iba pang barayti nito sa mga merkado sa bansa at maging sa mga pabrika at pagawaan. Filipino rin ang ginagamit na wika sa mga patalastas ng produkto upang mahikayat ang mamamayan na tangkilikin ito. Naniniwala ang mga prodyuser na kapag sikat na artista o endorser ang kanilang kinuha ay mahihikayat ang mga mga mamimili na tangkilikin at bumili ng kanilang produkto.
32
KARAGDAGANG KAALAMAN
ANYO NG WIKA
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo) ang wika.
33
KATEGORYA NG PAGGAMIT NG WIKA
Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di- pormal.
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapagaral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
2. Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
34
Impormal o di pormal
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:
35
1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang
​
36
2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
​
37
3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. Halimbawa: Mayroon-meron ayaw ko-ayoko nasaan-nasa’
​
38
Suriin
Panuto: Ipaliwanag mo sa isang kaibigan o kakilala ang kahulugan o layunin ng sumusunod na pahayag at kung saan ito karaniwang makikita o ginagamit. Sikaping i-record sa iyong mobile phone ang inyong usapan upang mapakinggang muli.
1. “No return, no exchange”
2. “Do you have any question, class?”
3. “Vote wisely!”
39
Open Ended
Panuto: Hanapin sa talahanayan ang iyong puntos sa gawaing ito batay sa naging pagpapaliwanag.
40
Pagyamanin
41
Open Ended
Panuto: Sa pamamagitan ng mga nakikita at napapanood sa mga kaganapan sa ating pamahalaan, sa edukasyon at sa mga patalastas sa telebisyon, ipaliwanag mo kung paano nakatutulong ang paggamit ng tamang anyo at paraan ng paggamit ng wika upang mahikayat ang mga tao na:
1. iboto ang isang pulitiko
2. tangkilikin ang isang produkto
3. makiisa sa gawaing pampaaralan
Isulat ang iyong puntos sa gawaing ito.
42
Isaisip
Panuto: Subukin mong gumawa ng isang spoken poetry na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon.
Ang hamon ko sa iyo ay bigkasin mo ang iyong nagawang spoken poetry at i-post ang video nito sa Monte Class Group Chat ng inyong seksyon upang marinig ng mas nakararami ang iyong nais ipaliwanag tungkol sa paraan ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon.
43
Isagawa
44
Open Ended
Panuto: Gumawa ng isang jingle, rap, o talumpati (pumili lamang ng isa ayon sa kakayahan) na maaaring makatulong upang mapalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Iparinig ito sa mga kaibigan, pabigyan ito ng puntos ayon sa sumusunod na pamantayan. (Iangkop ang iyong puntos ayon sa bilang ng mga taong nakarinig ng iyong ginawang jingle, rap o talumpati).
Paksa
_____________________________
45
Pamantayan sa Pagmamark
​
46
Tayahin
Panuto: Ipaliwanag ang anyo at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon kaugnay ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
47
Multiple Choice
Bakit higit na gamitin ang wikang Ingles sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center?
Dayuhan ang binibigyan ng serbisyo ng mga call center agent.
Ingles ang isa sa opisyal na wika sa bansa.
Ingles ang usong salita sa ganitong uri ng trabaho.
Tutol ang mga may-ari ng kumpanya na gamitin ang wikang Filipino.
48
Multiple Choice
Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”?
Walang katumbas na linya sa Ingles
Wikang Tagalog upang madali itong tandaan at gawin
Pinoy ang mga mag-aaral kaya dapat wikang Filipino ang gamitin.
Gumamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat sa mga mag-aaral at magulang.
49
Multiple Choice
Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.
Big SALE!
Bagsak-presyo!
Pwede utang!
Buy 1 Take 2!
50
Multiple Choice
Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo?
paggamit ng Pilipino
pag-aaral gamit ang Filipino
bilingguwal na pamamaraan at wikang Ingles
paggamit ng diyalekto sa ugnayan
51
Multiple Choice
Ito ang layunin kaya nilagdaan at ipinatupad ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order 210 noong 2003.
Hindi naging matagumpay ang bilingguwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Layunin nitong makatutulong upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles.
Layunin nitong maipalaganap ang paggamit ng mga opisyal na wika ng bansa.
Layunin nitong palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas.
52
Multiple Choice
Ano pamamaraang sa wikang ginamit ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mahahalagang panayam at talumpati tulad ng State of the Nation Address (SONA)?
Pormal na wikang Filipino, dahil may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng wikang ito si dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Pormal at wikang Filipino, dahil nais niyang maunawaan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang inihahatid na mensahe.
Iba’t ibang diyalekto, dahil nais niyang patunayan na mahusay siya sa pagsasalita nito.
Ingles, dahil wala siyang kakayahang magsalita ng wikang Filipino.
53
Multiple Choice
Ito ang layunin ng paggamit ng wikang Filipino sa mga komersyal o patalastas pantelebisyon o panradyo.
Maaaring maipalabas sa iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon ang patalastas.
Makapagbibigay ito ng pagkakataon upang pasikatin ang mga endorser ng produkto
Makatutulong ito upang maakit ang mamimili na tangkilikin ang produkto.
Makatutulong ito upang maintindihan ang palitan ng diyalogo ng mga artistang nag-eendorso ng produkto
54
Multiple Choice
Bakit ginawang opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 ang Mother Tongue o unang wika sa K to 12 Kurikulum?
Higit na bihasa ang mga mag-aaral na gamitin ang kinagisnang wika.
Higit na madaling mauunawaan ng mga mag-aaaral ang aralin.
Makatutulong ito upang mapaunlad ang wika, kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyokultural.
Wala pang kakayahan ang mga mag-aaral sa ganitong baitang upang gamitin ang wikang Ingles maging ang Filipino
55
Multiple Choice
Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo ay nananatiling ____.
Diyalekto
Filipino
Ingles
Tagalog
56
Multiple Choice
Ang alituntunin ng polisiyang “Mother Tongue Based Multi-Lingual Education.
Dayuhang wika ang pananatilihing wika sa paaralan
Ingles ang isa sa opisyal na wika sa paaralan.
Filipino at mga ibang diyalekto ang gagamitin sa paaralan.
Ingles at Filipino ang pinanatiling gamiting panturo hanggang sa mataas na antas
57
Multiple Choice
Ang wikang nananaig sa merkado, sa mga pabrika, at sa mga pagawaan.
Diyalektal
Filipino
Filipino at Ingles
Ingles
58
Multiple Choice
Sa mga naiisip na sari-saring panghikayat ang mga kandidato tuwing sasapit ang eleksyon (tulad ng JINGLE), anong wika ang kadalasang nakapaloob dito?
pormal
di- pormal
balbal na salita
diyalektal
59
Multiple Choice
Bakit Ingles ang wikang ginagamit sa mga website?
Amerikano ang gumawa nito kaya Ingles ang ginamit na wika.
Ingles ang itinuturing na universal language
Nasanay na lamang ang mga tao na Ingles ang nakikita sa website.
Walang panumbas na salita sa Filipino ang ilang salitang Ingles.
60
Multiple Choice
Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo, pamilihan, direct selling, at production line ay nananatiling ____.
Pormal
Di- Porma
Balbal
Pampanitikan
61
Multiple Choice
Anong pamamaraan ng paggamit ng wika ang ginagawang panghikayat ng mga kandidato upang sila ay iboto sa tuwing sasapit ang eleksiyon?
“Bumoto nang tama at iyong karapat-dapat!”
“Huwag kayong maniniwala sa mga oposisyon!”
“Kapag ako ang ibinoto ninyo, magkakapera kayo!”
“Kapag ako ang ibinoto ninyo, tutulungan kong umunlad ang ating bansa!”
62
Karagdagang Gawain
63
Open Ended
Panuto: Sumulat ng Spoken Word Poetry kung paano nagagamit ang angkop na wika sa iba’t ibang larangan batay sa pahayag na nakasulat ng itim na tipo. Bumuo ng sariling pamagat nito at ipaliwanag.
“Batay sa iyong karanasan, patunayan na malawak na ang paggamit ng Wikang Filipino sa pamahalaan, edukasyon at kalakalan”
__________________________________
Paksa
Modyul 4 Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan
by Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 63
SLIDE
Similar Resources on Wayground
51 questions
UPANIṢAD SUMBER FILSAFAT HINDU
Presentation
•
11th Grade
55 questions
G10_5.2: Classifying Chemical Reactions
Presentation
•
10th Grade
56 questions
Naming Ionic Compounds with Polyatomic Ions
Presentation
•
10th Grade
54 questions
Confédération et gouvernement contemporain
Presentation
•
10th - 12th Grade
58 questions
La conjugaison du passé simple
Presentation
•
KG
55 questions
Perfekt - Einführung. Czas przeszły Perfekt - wprowadzenie.
Presentation
•
10th Grade
60 questions
Naming, balancing, and pH review 12/14
Presentation
•
10th - 11th Grade
57 questions
AVALIAÇÃO TRIMESTRAL ESTUDO ORIENTADO 1º ANO
Presentation
•
10th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 4
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
HSMS - Standard Response Protocol
Quiz
•
6th - 8th Grade
16 questions
1.1-1.2 Quiz Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
12 questions
Exponent Expressions
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Adding and Subtracting Integers
Quiz
•
6th - 7th Grade
11 questions
Northeast States
Quiz
•
3rd - 4th Grade
10 questions
Characterization
Quiz
•
3rd - 7th Grade
10 questions
Common Denominators
Quiz
•
5th Grade