Search Header Logo
MTB WEEK 4 Q2

MTB WEEK 4 Q2

Assessment

Presentation

Other

3rd Grade

Medium

Created by

MARIBEL DOLLANO

Used 15+ times

FREE Resource

11 Slides • 15 Questions

1

MOTHER TONGUE

​IKALAWANG MARKAHAN

​IKAAPAT NA LINGGO

​ Pagbibigay ng Reaksiyon, Opinyon at Saloobin

2

Ang pagbibigay ng reaksiyon ay isang madamdamin at pangkaisipang pagpapahayag ayon sa isang isyu o usapin. Ito ay naaayon sa iyong personal na isipan, damdamin at karanasan.

Halimbawa ng reaksiyon:

1. Sa aking palagay, mas makabubuti sa kaniya kung sa probinsiya na lámang siya mag-aaral.

2. Nalulungkot ako sa nangyayari sa ating bansa dulot ng pandemya. Maraming nawalan ng trabaho at walang pasok sa paaralan.

3

Ang paggamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagbibigay ng reaksiyon o opinyon ay paraan upang malinang at mapalawak ang kaisipan ukol sa paksang pinag-uusapan.

Ilan sa mga halimbawa ng reaksiyon ay ang sumusunod:

a. Sa aking sariling opinyon, dapat nating ipagmalaki ang likhang Pinoy at ang talento natin bílang Pilipino;

b. Kung ako ang tatanungin, hindi rin ako magpapasuhol sa dayuhan at ipagmamalaki ko ang lahi ko, lahing Pilipino;

c. Masaya sa pakiramdam habang binabása ko ang kuwento. Nakatataba ito ng puso bílang Pilipino.

4

Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang angkop na reaksiyon.

5

Multiple Choice

1. Kinausap ng guro si Beth dahil hindi ito nakapagpása ng kaniyang proyekto. Ibinigay niya ito tatlong araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang araw ng pagpapása.

1

A. Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Beth.

2

B. Dapat hinayaan na lamang ng guro si Beth dahil nakapagpása pa rin naman.

3

C. Hindi ako sang-ayon dahil napahiya si Beth sa klase.

6

Multiple Choice

2. Oras ng rises, pinasingit sa pila ni Miko ang kaniyang matalik na kaibigang si Sid na hulíng dumating.

1

A. Maganda ang ipinakitang pagkakaibigan ng dalawa.

2

B. Sa aking palagay, dapat pumila si Sid nang maayos.

3

C. Sang-ayon ako sa ipinakita nina Miko at Sid.

7

Multiple Choice

3. Si Neth ay mahusay umawit. Lumalahok siya sa iba’t ibang paligsahang pampaaralan at pambarangay.

1

A. Nagpapakita si Neth ng kayabangan.

2

B. Nakatutuwa na ipinakikita niya ang kaniyang talento.

3

C. Hindi siya lumalahok sa barangay dahil wala itong grado.

8

Multiple Choice

4. Ipinagbabawal sa klase ni Bb. Narciso ang paglalaro ng cellphone sa oras ng klase.

1

A. Di ako sang-ayon dahil ito’y mahalagang gamit.

2

B. Sa opinyon ko, nakatutulong ang cellphone sa pag-aaral.

3

C. Sa aking palagay, magiging sagabal ito sa pakikinig.

9

Multiple Choice

5. Gustong-gusto na ni Karl na maglaro sa labas. Ipinagbabawal pa ito sa kasalukuyan kaya nanatili na lang siya sa loob ng bahay.

1

A. Sumasang-ayon ako dahil iyon ang makabubuti.

2

B. Dapat ay lumabas na siya kahit saglit lamang.

3

C. Sa opinyon ko ay maaari nang lumabas.

10

Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang impormasyon sa pag-iwas sa COVID-19. Piliin ang letra ng angkop na reaksiyon.

11

Multiple Choice

1. Ang pagsusuot ng face mask ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

1

A. Sang-ayon ako para sa kaligtasan ng lahat.

2

B. Hindi ako sang-ayon dahil nakasasagabal ito sa paghinga.

12

Multiple Choice

2. Umiwas sa mga táong may lagnat, ubo at sipon.

1

A. Sang-ayon ako dahil maaaring makahawa sila.

2

B. Di ako sang-ayon dahil nakakaawa ang kalagayan nila.

13

Multiple Choice

3. Ang taong nakisalamuha sa pasyenteng positibo sa virus ay kailangang humingi ng agarang atensiyong medikal.

1

A. Sang-ayon ako upang masuri kung nahawahan.

2

B. Di ako sang-ayon dahil magastos magpatingin sa doktor.

14

Multiple Choice

4. Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig

1

A. Sang-ayon ako upang matanggal ang virus na kumapit sa aking kamay.

2

B. Di ako sang-ayon sa umaagos na tubig dahil maaksaya.

15

Multiple Choice

5. Hindi maaaring lumabas ang mga 65 taóng gulang o senior citizen, person with disability (PWD), buntis at mga táong mayroong panganib sa kalusugan.

1

A. Nauunawaan ko at sumasang-ayon ako dahil madaling kumapit ang virus sa kanila.

2

B. Tama ngunit dapat pinahihintulutan din lumabas o mamasyal paminsan-minsan.

16

Si Rea na Laging may Reaksiyon

J. Lopo

“Ayaw ko niyan. Hindi ako susunod sa iyo,” ang sagot ni Rea sa nakatatanda niyang kapatid na si Sionny.

“Rea,” ang malumanay na wika ng kapatid. “Bakit naman ayaw mong sumunod? Ito ang mga modyul na ipinadala ng iyong guro. Kailangan mong pag-aralan ang mga ito.”

“Ang gusto ko ang masusunod. Maglalaro na lamang ako sa labas ng bahay. Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko,” angal ni Rea.

“Tutulungan naman kita. Madali lang to, sige na,” pakiusap ng kaniyang Ate Sionny.

17

Nang marinig iyon ng Tatay Axe nila ay sumali na ito sa usapan. “Rea, sabi ni Ginoong Axe, at Sionny, lapit kayong dalawa sa akin. May sasabihin ako sa inyong dalawa.”

“Opo, itay, sagot ni Sionny.”

“Kung hindi ako nagkakamali, narinig kong sinabi mo Rea na ‘yong gusto mo ang dapat sundin. Tama ba ako?”

media

18

Tahimik si Rea at hindi nagsasalita. Tumango lamang ang bata.

“Sa palagay mo ba ay tama ang iyong sinabi, Rea,” tanong ng ama. “Wastong reaksiyon ba ang ginamit mo sa pakikipag-usap sa iyong Ate Sionny?”

“Patawad po, itay. Sorry din po Ate Sionny. Mali po ang aking naging paraan maging ang aking sinabi.

“Kung ikaw ang tatanungin, paano mo ba dapat ipinahayag ang iyong reaksiyon,” tanong ni Mang Axe.

“Dapat po ay gumamit ako ng po at opo sa pakikipag-usap. Hindi rin dapat po pasigaw ang pagsasabi ko. Inunawa ko rin po sana na para sa aking kabutihan ang gusto ni ate,” paliwanag ni Rea.

19

“Sumasang-ayon ako sa iyo, Rea. Tama at mabuti iyang naisip mo. Sana ay magamit mo ito sa susunod na pakikipag-usap.

“Opo, ate at itay, makakaasa po kayo.” “Mabuti naman kung ganoon,” masayang sambit ng ama.

“Andiyan pala kayong tatlo. Halina kayo at sabay-sabay na tayong kumain. Nagluto ako ng masusustansiyang gulay,” wika ni Aling Phine. “Mabuti ito para sa kalusugan,” dagdag pa nito.

media

20

“Sumasang-ayon po ako, inay. Nabasa ko po sa mga aralin na magiging malusog daw po tayo kapag kumain ng gulay. Makaiiwas din po tayo sa COVID-19 dahil lalakas ang ating resitensiya,” masiglang sabi ni Rea.

Masaya silang kumain ng tanghalian. Masaya rin sa bagong aral na natutuhan.

media

21

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Lagyan ng slash (/) kung Tama ang pahayag na kinuha sa kuwento. Lagyan naman ng MALAKING ekis (X) kung Mali at hindi ito dapat gamitin. ​

22

Fill in the Blank

1. “Kung hindi ako nagkakamali, narinig kong sinabi mo Rea….”

23

Fill in the Blank

2. “Ayaw ko niyan. Hindi ako susunod sa iyo.”

24

Fill in the Blank

3. “Sa palagay mo ba ay tama ang iyong sinabi….”

25

Fill in the Blank

4. “Kung ikaw ang tatanungin, paano mo ba dapat sinabi ang iyong reaksiyon.”

26

Fill in the Blank

5. “Sumasang-ayon po ako, inay.”

MOTHER TONGUE

​IKALAWANG MARKAHAN

​IKAAPAT NA LINGGO

​ Pagbibigay ng Reaksiyon, Opinyon at Saloobin

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 26

SLIDE