Search Header Logo
Paggalang sa Kapwa

Paggalang sa Kapwa

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Easy

Created by

Luz Catada

Used 11+ times

FREE Resource

24 Slides • 10 Questions

1

Paggalang sa Kapwa

by Luz Catada

media
media

2

media

​ALAMIN....

​“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga Propeta.

Mateo 7:12

​ayon sa Banal na Bibliya.

​Ito ay tinatawag na Gintong Kautusan na tinuro ni Hesus sa Kaniyang mga alagad at

mga taong nakikinig sa Kaniya noong Siya ay namuhay bilang isang Guro o Rabbi.

​Samakatuwid, kapag magalang ka sa iyong kapwa, igagalang ka rin nila. Ang paggalang

ay iginagawad sa lahat ng tao, matanda man o mas bata pa sa iyo. Ang pagiging

magalang ay tanda ng isang responsableng tao.

3

​SUBUKIN

​Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

4

Multiple Choice

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paggalang maliban sa isa.

Alin ito?

1

Nanay, maari ba akong makipaglaro kay Jon-jon sa bakuran?

2

Mamang drayber, pakibaba po ninyo ako sa kanto malapit sa paaralan.

3

Maraming salamat po Lolo sa binigay mong regalo sa aking kaarawan.

4

Ipagluto mo ako ng ulam yaya, gutom na ako.

5

Multiple Choice

Nagluluto si Nanay ng tanghalian. Nakalimutan niyang bumili ng asin. Inutusan ka

na bumili ng asin sa tindahan sa kanto malapit sa bahay ninyo. Ano ang iyong

nararapat gawin o sabihin?

1

Si Kuya na lang utusan ninyo Nanay.

2

Ayoko, maraming may COVID-19 sa baranagay natin.

3

Padabog kang lalakad papuntang tindahan upang bumili.

4

‘Nay, maari po bang si Ate na lang, kasi may lagnat po ako.

6

Multiple Choice

Ang inyong grupo ang nakatakdang maglilinis ng silid-aralan. Kasama ninyo sa

grupo si Janica at nakita mong nakikipagtawanan sa pasilyo sa iba ninyong kaklase.

Paano mo siya sasabihan?

1

Janica, tumulong ka naman sa amin maglinis.

2

Ang iba diyan patawa-tawa lang akala mo prinsesa.

3

Mawalang-galang lang po, maari bang tumulong ka muna dito sa paglilinis

Janica?

4

Hoy, Janica hindi ka senyorita maglinis ka na.

7

Multiple Choice

Ang taong magalang ay pinagpapala. Alin ang hindi nagpapahiwatig ng paggalang

sa kapwa?

1

Tsupi, lumayas ka sa harap ko hampaslupa!

2

Ale, magkano po ba ang kilo ng manggang hilaw?

3

Mamang pulis, maari po bang malaman kung saan ang daan patungong

munisipyo?

4

Manang, pakilaba po ng uniporme ko sa PE, gagamitin ko po sa makalawa.

8

Multiple Choice

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasabi tungkol sa magandang ugaling

Pilipino. Alin ang hindi kasali?

1

Tatay, maaari po ba kaming maligo ni Ana sa batis?

2

Alis, huwag kayong haharang-harang sa dadaanan ko!

3

Magandang umaga po, Ginoong Dela Vega. Tuloy po kayo.

4

Maraming Salamat sa inyong pagdalo sa aming programa, Gng. Roces.

9

​Ang bawat taong nilikha ng Diyos ay may Karapatan. Kaakibat nitong Karapatan ay mga responsibilidad na nakaatang upang hindi maabuso ang mga Karapatan ng

bawat isa. Ayon sa Banal na Kasulatan sa Aklat ng Exodo Kapitulo 20 Bersiluko 12, Ebanghelyo ni Mateo 15:4 at Aklat ni San Pablo sa taga-Efeso 6:3, “ Igalang mo ang

iyong Ama at Ina”.

media
media

10

Ayon sa Mateo 22:39, “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”. Samakatuwid, masasabi natin kung mahal mo ang iyong sarili, igagalang mo ito. Ang paggalang mo sa iyong kapwa ay tulad ng paggalang mo sa iyong sarili.

media
media

11

May kasabihan, “Kung ano ang itinanim, siyang aanihin”. Maibibigay mo lamang ang isang bagay kung mayroon ka nito. Ang iyong mga magulang ay iyong kapwa gayundin ang iba pang kasapi sa inyong tahanan.

media
media

12

Igagawad natin ang paggalang hindi lang sa mga magulang kundi sa lahat ng tao sa ating paligid. Ang pagbibigay-galang sa ating kapwa ay simbolo ng ating paggalang sa Panginoong Diyos na siyang lumikha sa atin. Ang paggalang ay nagsisimula sa sarili at ibahagi natin sa mga taong nasa paligid natin.

media
media

13

Ang responsableng tao ay may katalinuhan sa paggamit ng kaniyang mga abilidad, may mabuting pakikisama at may paggalang sa kapwa, kung kaya igagalang din siya, at bibigyan ng kalayaan at mga karapatan.

media
media

14

Kung may paggalang sa ating kapwa, maiiwasan ang kaguluhan at hindi pagkakasundo bagkus mabubuhay tayo sa ating pamayanan nang may galak, katiwasayan, kapayapaan, at pag-unlad.

media
media

15

​BALIKAN

​Ikaw ba ay batang magalang? Markahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag tsek sa kolumn.

16

media

17

media

18

media
media

19

media

20

​Alin sa mga iyan ang masasabing magandang katangian mo? Bakit mo ito napil? Ipaliwanag ito.

21

​Suriin

Panuto: Panoorin ang na bidyong nagpapakita ng paggalang sa kapwa. Isulat ang inyong natutuhan

sa bidyong napanood. Sumulat ng limang pangungusap sa bidyong inyong napanood. Isulat sa hiwalay na papel.

22

​Pagyamanin

​Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Isulat kung tama o mali. Ipaliwanag kung bakit naging tama o at kung mali, isulat kung anong gagawin mo upang maging tama. Gawin ito sa isang hiwalay na papel.

23

​1. Niyaya ni Nena si Ana na maglaro ng bahay-bahayan dahil wala itong laruan. Pagkatapos maglaro, palihim na kinuha ni Ana ang Barbie na manika ni Nena dahil nakita niyang maraming manika si Nena.

Tama/Mali:

_________________________________________________

Paliwanag: _________________________________________________

24

2. Si Lola Consing ay 85 taong gulang na. Paulit-ulit nitong ikinukuwento ang mga karanasan niya sa buhay noong kabataan pa niya. Nayayamot si Arnel. sinigawan niya ang kaniyang Lola.

Tama/Mali:

_________________________________________________

Paliwanag: _________________________________________________

25

3. Galing si Justin sa ensayo sa takbuhan. Pagod na pagod siya at uhaw na uhaw. Hinablot niya bigla ang bote ng malamig na tubig na iyong iinumin.

Tama/Mali:

_________________________________________________

Paliwanag: _________________________________________________

26

4. Naglalakad sa kalye si Tony nang makasalubong niya ang kaniyang dating guro sa Ikaapat na Baitang. Magiliw niya itong binati ng magandang umaga.

Tama/Mali:

_________________________________________________

Paliwanag: _________________________________________________

27

5. Naglalabaa ang inyong katulong. Gutom na gutom ka sa paglalaro ng bola sa inyong bakuran. “Ate, maaari mo ba akong ipagluto ng pansit kanton? Salamat po,” wika mo sa kaniya.

Tama/Mali:

_________________________________________________

Paliwanag: _________________________________________________

28

​Isaisip

media

29

​Tayahin

​Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa hiwalay na papel o kuwadermo

30

Multiple Choice

Nagpatawag ng pagpupulong ang pangulo ng Samahan ng mga Magulang sa

Paaralan. Paano mo ipapakita ang paggalang sa kapwa?

1

Nanay, punta ka sa Biyernes may pagpupulong.

2

Nanay, maaari ka bang lumiban muna sa trabaho? May mahalagang

pagpupulong ang mga magulang sa paaralan sa Biyernes.

3

Mrs. De Leon, hindi pupunta Nanay ko sa pulong.

4

Nakakapagod lang yan! Bakit papupuntahin pa ang Nanay?

31

Multiple Choice

Bilang pinuno ng samahan, paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong

kasapi?

1

Pakitaas ng inyong kamay kung may nais sabihin.

2

Maupo ka Carlo, ang ingay-ingay mo.

3

Ang ayaw sumama, umalis na sa kasamahan.

4

Ikaw na kaya dito ang magsalita sa harap.

32

Multiple Choice

Bilang isang magalang na anak, paano mo maipapahayag ang paggalang sa

kapwa?

1

Nanay, Tatay, maraming salamat po sa inyong pagsubaybay sa akin.

2

Nais ko po sanang maging isang enhinyero balang araw, sana po ay

suportahan ninyo ako sa aking ambisyon.

3

Bunso, maari mo ba akong tulungan magligpit sa ating silid-tulugan

4

Lahat ng nabanggit

33

Multiple Choice

Bilang panganay na anak, pinagbilinan ka ng iyong mga magulang na bantayan

ang dalawa mong nakababatang kapatid dahil sila ay gagabihin sa pag-uwi.

Alin ang dapat mong sabihin?

1

Bunso, magwalis ka ng kuwarto.

2

Gina, maghugas ka ng pinagkainan natin.

3

Halina kayo mga kapatid, pagtulungan natin ang mga gawaing bahay.

4

Opps, ako ang panganay kaya ako ang masusunod ngayon.

34

Multiple Choice

Magkakaroon ng Outreach Program ang Save Mother Earth Movement na iyong

sinasalihan. Paano mo maipapahayag ang iyong paggalang?

1

Maari bang makapagmungkahi ng mga proyekto?

2

Nais ko sanang magkaroon tayo ng Income Generating Project para may

magagamit tayo na pondo.

3

Gusto ko sanang ipaalam sa inyo na hindi ako makakasama dahil uuwi

kami sa Lola ko sa probinsiya sa araw ng outreach pero tutulong ako sa

pagkalap ng pondo.

4

Lahat ng nabanggit

Paggalang sa Kapwa

by Luz Catada

media
media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 34

SLIDE