Search Header Logo
[K2] Paunang Pagsubok W3

[K2] Paunang Pagsubok W3

Assessment

Presentation

Other

8th Grade

Easy

Created by

Vivian Estayan

Used 3+ times

FREE Resource

3 Slides • 5 Questions

1

[K2] Paunang Pagsubok W3

by Vivian Estayan

2

​Basahin at unawain ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

​Si Liwanag ay nalilito kung pakakasalan ang mahal na si Kaulayaw o ang

pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang amain na si Maimbot. Ayaw ni Maimbot na magpakasal si Liwanag kay Kaulayaw dahil nais niyang makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag hanggang siya ay sumakabilang buhay.

Binigyan niya si Liwanag ng tanikalang ginto at pinangakuan ng marami pang kasaganahan sa buhay. Sandaling nasilaw si Liwanag sa ganda ng tanikalang handog ni Maimbot at nakalimutan niya si Kaulayaw.

3

​Inatasan ni Maimbot si Nagtapon, ahas na kapatid ni Kaulayaw na pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Si Dalita ang ina ni Kaulayaw at ni Nagtapon. Lubos siyang nangungulila sa anak niyang naglayas, si Nagtapon.

​Nangangamba si Dalita na baka iwanan rin siya ni Kaulayaw kapag ito ay

nagpakasal kay Liwanag. Subalit nanaig ang kagustuhan ni Liwanag na sumama at magpakasal kay Kaulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan ang pagpupumilit ni Maimbot. Sa huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid.

​-- https://www.slideshare.net/nimphagonzaga/mafpaghihimagsikprint

4

Multiple Choice

Bakit ayaw pumayag ni Maimbot na maikasal si Liwanag kay Kaulayaw?

1

dahil hindi pa ito lubusang handa sa panibagong responsibilidad

2

nais pa niyang makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag

3

mortal na kaaway niya ito

4

mahirap lang si Kaulayaw

5

Multiple Choice

Binigyan niya si Liwanag ng tanikalang ginto at pinangakuan ng marami pang

kasaganahan sa buhay. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang may

salungguhit?c

1

kagandahan

2

kasikatan

3

kayamanan

4

kahirapan

6

Multiple Choice

Inatasan ni Maimbot si Nagtapon, ahas na kapatid ni Kaulayaw na pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit?

1

traydor

2

mabait

3

matulungin

4

matapang

7

Multiple Choice

Nais ni Maimbot na pagsilbihan siya ni Ligaya hanggang siya ay sumakabilangbuhay. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

1

mamatay

2

umalis

3

bumili

4

magkasakit

8

Multiple Choice

Sa iyong palagay, ano ang mas makabubuting gawin sa kalagayan ng kaniyang anak?

1

ipakilala ang anak sa ibang lalaki

2

itakwil ang anak habang buhay

3

suportahan ang desisyon ang kaniyang anak kung nais nitong magpakasal

sa lalaking mahal niya.

4

dalhin sa malayong lugar si Liwanag para hindi na niya makita si Kaulayaw

[K2] Paunang Pagsubok W3

by Vivian Estayan

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 8

SLIDE