
KAPUWA KO, IGAGALANG KO!
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Easy
MICHELLE DE LUNA
Used 3+ times
FREE Resource
14 Slides • 20 Questions
1
KAPUWA KO, IGAGALANG KO!
Gng. Michelle Salvador- De Luna
KUWARTER 2
LINGGO 6
2
PAUNANG PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang WASTO kung ang mga pahayag o sitwasyon ay wasto at DI-WASTO kung ang mga pahayag o sitwasyon ay hindi wasto
3
Multiple Choice
1. Linakasan ni Martha ang volume ng kaniyang radyo habang
natutulog ang kaniyang Lola.
WASTO
DI-WASTO
4
Multiple Choice
2. Dahan- dahan na naglalakad si Eva sa salas dahil nag- aaral ang
kaniyang bunsong kapatid.
WASTO
DI-WASTO
5
Multiple Choice
3. Inaalalayan mo ang iyong Lolo tuwing siya ay iinom ng tubig..
WASTO
DI-WASTO
6
Multiple Choice
4. Ginising ni Delia ang kaniyang kaibigan kahit alam niyang
natutulog at nagpapahinga.
WASTO
DI-WASTO
7
Multiple Choice
5. Nakikipag-usap ka sa iyong katabi, habang nagsasalita ang iyong
guro.
WASTO
DI-WASTO
8
Multiple Choice
6. Hinihintay mong matapos magsalita ang iyong kausap bago ka
magsalita.
WASTO
DI-WASTO
9
Multiple Choice
7. Gustong manood ni Rose ng telebisyon pero nakita niyang
natutulog ang kaniyang Tatay kaya hindi niya ito itinuloy.
WASTO
DI-WASTO
10
Multiple Choice
8. Tahimik na nagbabasa ng aklat si Toni habang nasa silid-aklatan.
WASTO
DI-WASTO
11
Multiple Choice
9. Inaalagaan ni Melba ang kaniyang bunsong kapatid na may sakit
tuwing wala ang kanilang Nanay.
WASTO
DI-WASTO
12
Multiple Choice
10. Habang nagkukuwentuhan ang iyong mga kaibigan, bigla ka na
lang nagsalita at nagkuwento.
WASTO
DI-WASTO
13
TUKLASIN
Basahin ang kuwento sa ibaba, pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
14
SALAMAT SA PAGGALANG
Si Tiya Juling ay isang guro sa Mababang Paaralan ng Mamboc. Sa pag-uwi niya sa hapon, bitbit niya ang maraming aklat na babasahin. Inaabot siya ng hatinggabi sa paghahanda ng mga kagamitang panturo na gagamitin niya kinabukasan.
15
Tuwing Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na maglaba ng kaniyang mga damit sa umaga. Pagdating naman ng hapon, natutulog siya at nagpapahinga.
16
Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si Tiya Juling. Nasa loob lamang siya ng kaniyang silid at nakahiga sa kaniyang kama. Nang araw na iyon, bisita namin sa bahay ang aking mga pinsan. Masaya ang lahat. May ilan pa na tumatawa nang malakas at patakbo-takbo hanggang sa loob ng silid ni Tiya Juling.
17
Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maaari ba ninyong hinaan ang inyong boses dahil nagpapahinga si Tiya Juling sa kaniyang silid? Iwasan din muna ninyong pumunta sa kaniyang silid upang hindi siya maabala,” ang sabi ko sa kanila. “Sige Raul,” ang pagsang-ayong sagot ng aking mga pinsan. Itinuloy namin ang masayang kuwentuhan subalit naging maingat kami na maistorbo si Tiya Juling.
18
Pagdating ng hapon, lumabas na ng kaniyang silid si Tiya Juling.
“Nandito pala kayong magpipinsan. Mabuti na lang at nakapagpahinga ako nang mabuti. Nawala na ang sakit ng aking ulo. Maya-maya ay maaari ko nang simulan ang aking paglalaba,” ang sabi ni Tiya Juling.
Ngumiti ako sa aking narinig. Mabuti na lang at hindi naming
nagambala si Tiya Juling sa kaniyang pagpapahinga kanina.
19
MGA TANONG:
1. Anong sitwasyon sa kuwento ang nagpapakita ng pagmamalasakit?
2. Maganda ba ang ginawa ni Raul. Pangatuwiranan.
3. Bakit kinakailangan nating igalang ang mga taong may sakit o nagpapahinga?
20
Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay isang hakbang sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang kanilang kapuwa, tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang-pantao. Isang karapatan ng tao ang pagpapahinga (Right to Rest) ayon sa Listahan ng Human Rights (UNESCO- Article 24).
ISAISIP
21
Ang paggalang at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung anong nais mong gawin sa iyo ay siya ring gawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ay hindi lamang naipapakita sa salita kundi pati sa kilos at gawa.
22
Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangan siya ng tahimik na paligid. Kaya ang iyong mga kilos ay kinakailangang maayos at marahan.
23
Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ng ating kapuwa. Igalang natin ang kanilang oras ng pagpapahinga at oras ng pag-aaral. Igalang din natin ang taong nagsasalita. Huwag makisabay sa pagsasalita. Ang pakikinig sa nagsasalita bago sumagot ay nagpapakita ng paggalang.
24
TAYAHIN
​
25
Multiple Choice
1. Naglalaro ng bola si Ben sa loob ng kuwarto habang sumasagot ng
mga modyul ang kaniyang Ate Rina.
TAMA
MALI
26
Multiple Choice
2. Tahimik na nakikinig si Hannah habang nagtuturo ang kanilang guro.
TAMA
MALI
27
Multiple Choice
3. Dahan-dahan akong naglakad sa sala dahil natutulog ang aking Lola.
TAMA
MALI
28
Multiple Choice
4. Pinapaalalahanan ni Sed nang may kahinaan ng boses ang
kaniyang Nanay na huwag kalimutang uminom ng kaniyang mga
gamot.
TAMA
MALI
29
Multiple Choice
5. Nakita ni Rona na walang unan ang kaniyang ate habang natutulog,
kaya iniangat niya nang dahan-dahan ang ulo ng kaniyang ate at
nilagyan ng unan.
TAMA
MALI
30
Multiple Choice
6. Pinapakinggan muna ni Leslin ang guro bago sumagot sa kaniyang
tanong.
TAMA
MALI
31
Multiple Choice
7. Dumaan na lang bigla si Rina sa pagitan nina Jose at Val habang
nag- uusap.
TAMA
MALI
32
Multiple Choice
8. Tinulungan ng kaniyang Ate si Gina sa kaniyang mga takdang- aralin
at nagpasalamat naman si Gina sa kaniya.
TAMA
MALI
33
Multiple Choice
TAMA
MALI
34
Multiple Choice
10. Binabato ng mga bata ang kanilang bubong kahit alam nilang may
nagpapahinga sa loob ng bahay.
TAMA
MALI
KAPUWA KO, IGAGALANG KO!
Gng. Michelle Salvador- De Luna
KUWARTER 2
LINGGO 6
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 34
SLIDE
Similar Resources on Wayground
26 questions
Filipino 4 Quiz 1.1
Presentation
•
4th Grade
25 questions
Filipino 4 Q2 W4
Presentation
•
4th Grade
25 questions
4QA Review SFC4
Presentation
•
4th Grade
32 questions
EPP 4-Quarter 2-WEEk 6
Presentation
•
4th Grade
27 questions
Q1W7 ESP
Presentation
•
5th Grade
26 questions
2ND SUMMATIVE TEST AGHAM
Presentation
•
3rd Grade
27 questions
Q3 AP4 W1
Presentation
•
4th Grade
29 questions
Filipino Q4W2-Pormal na Depinasyon/ Teksto/Uri ng Pangungu
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
GPA Lesson
Presentation
•
9th - 12th Grade
7 questions
Albert Einstein
Quiz
•
3rd Grade
31 questions
Bridge A Review
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Blue Sue and Red Ruth
Quiz
•
3rd Grade
8 questions
(Day12 HW) Inverse Trig Ratios
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Summer Geometry QUIZ (Week3)
Quiz
•
9th Grade
16 questions
Theme Practice
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Taxes
Quiz
•
9th - 12th Grade