Search Header Logo
Layon ay Pakikipagkaibigan sa Pakikilahok sa mga Patimpalak

Layon ay Pakikipagkaibigan sa Pakikilahok sa mga Patimpalak

Assessment

Presentation

Other

5th Grade

Easy

Created by

KEZIA JOY SUAZO

Used 3+ times

FREE Resource

16 Slides • 13 Questions

1

Layon ay Pakikipagkaibigan sa Pakikilahok sa mga Patimpalak

Gng. Kezia Joy B. Suazo

2

Alalahanin kung paano mo nakilala at paano nagsimula ang inyong pagkakaibigan ng matalik mong kaibigan.

media

3

Draw

Ano ang isang bagay na nagpapaalala sa'yo sa iyong matalik na kaibigan. Iguhit ito sa baba.

4

Open Ended

Ibahagi kung bakit iyon ang napili mong iguhit bilang nagpapaalala sa iyo patungkol sa iyong kaibigan.

5

Ngayon naman ay babasahin natin ang isang kwento na may pamagat na

"Ang Matalik na Kaibigan".

​​

6

Ang Matalik na Magkaibigan

Nasaksihan ni Haring Saul kung paano tinalo ni David ang mga sundalo ng Pilistina. Alam ni Haring Saul na mahal ni David ang Diyos. Alam din niya na si David ay matapang.

7

Ang Matalik na Magkaibigan

Si Haring Saul ay may anak na nagngangalang Jonathan. Mahal din ni Jonathan ang Diyos. Gustung-gusto ni Prinsipe Jonathan si David nang buong puso. Mahal niya ito katulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Nangako si Jonathan kay David na siya ang kanyang magiging matalik na kaibigan.

8

Ang Matalik na Magkaibigan

Maraming magagandang kagamitan si Jonathan. Ibinigay niya ang ilan sa mga ito kay David. Ibinigay niya kay David ang kanyang pinakamatalas na espada. Ibinigay din niya kay David ang kanyang pana. Kasama sa mga ibinigay niya ang kanyang mamahaling jacket. Ito raw ang magpapaalam sa mga tao na si David ay kaibigan ni Jonathan.

9

Ang Matalik na Magkaibigan

Maraming salamat sa pagbibigay mo sa akin ng iyong mga mamahaling kagamitan,” sambit ni David. “Salamat sa pagiging matalik kong kaibigan.” Si David ay naging isang kagalang-galang na heneral ng Israel. Marami siyang napanalong giyera. Umawit pa nga ang mga Israelita para kay David. “Libo-libo ang napatay ni Haring Saul, ngunit laksa-laksa naman ang kay David.” Ito ay ikinagalit ni Haring Saul. Lubhang sumama ang kanyang loob tungkol dito kaya nama’y sinubukan niyang saktan si David. Tinulungan naman ni Jonathan ang kanyang matalik na kaibigan na si David na makatakas mula sa hari.

10

Halina't sagutin ang mga sumusunod na tanong...

11

Multiple Choice

Sino-Sino ang matalik na magkaibigan?

1

David at Paul

2

David at Saul

3

David at Jonathn

4

Saul at Jonathan

12

Open Ended

Ayon sa kuwento, ano-ano ang katangian ng isang kaibigan?

13

Poll

Naranasan mo na rin bang tulungan ang iyong matalik na kaibigan sa isang mahirap na sitwasyon?

Opo

Hindi pa po

14

Open Ended

Paano mo ipinapakita ang iyong pagpapahalaga sa iyong matalik na kaibigan?

15

Alam mo ba na hindi lahat ng nagiging magkaibigan ay nananatili sa habang

panahon? Minsan may mga magkakaibigang nagkakagalit dahil sa prinsipyo o

pagbabago ng kanilang ugali.

media

16

Ang isa sa mga nagiging dahilan ng paghihiwalay ng mga magkakaibigan ay ang kawalan ng paggalang sa isa’t-isa kapag ang sari-sariling prinsipyo at katwiran ay hindi kayang tanggapin ng bawat isa.

media

17

Ang pagkakaibigan ay nagtatagal kung may pag-uukol ng paggalang sa

pamamagitan ng mabuting asal at pananalita.

media

18

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipitan, sila ay

parang kapatid na tumutulong. Ibig sabihin walang pinipiling oras at lugar ang

pagiging isang kaibigan. Ang isang kaibigan ay handang tumulong sa lahat ng oras

at parang isang pamilya ang turingan ng bawat isa.

media

19

At ang tunay na kaibigan ay hindi naghahangad ng kapalit sa kahit anong tulong na

naibigay, hindi nagkakalat ng kahinaan ng kanyang kaibigan, nag-iisip ng ikabubuti

ng pagkakaibigan, nag-aaral nang mabuti, magalang sa mga magulang, kapatid at

kapamilya ng kaibigan, hindi naglululong sa masamang bisyo at maraming pang iba.

media

20

Pagyamanin

Suriin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pag-uugali.

21

Multiple Choice

Iniiwasan mong maging kaibigan ang isang bagong kakilala na

pangit ang pangalan.

1
2

22

Multiple Choice

Binabasa mo ang mga text messages o binubuksan mo ang FB Messenger ng kaibigan mo upang basahin ang mga chat niya sa ibang tao.

1
2

23

Multiple Choice

Binibigyan mo ng pasalubong ang iyong kaibigan kapag galing ka

sa malayong lugar.

1
2

24

Multiple Choice

Nasasaktan ka kapag pinipintasan ng iba ang iyong matalik na

kaibigan.

1
2

25

Multiple Choice

Pinakikinggan mo at iginagalang ang opinyon ng iyong kaibigan

ukol sa mga paraan kung paano susundin ang batas ng paglalaro ng

kahit anong isport.

1
2

26

Multiple Choice

Pinakikinggan mo at iginagalang ang opinyon ng iyong kaibigan

ukol sa mga paraan kung paano susundin ang batas ng paglalaro ng

kahit anong isport.

1
2

27

Pag-aralan ang talata...

media

28

Open Ended

Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng

kagipita’y kapatid na tumutulong.

Ano sa tingin mo ang nais iparating ng talata?

29

... sa pagkakaibigan dapat ang bawat isa ay marunong umunawa, magpatawad, magbigay, at lalo't higit sa lahat may busilak na pagmamahal...

Some text here about the topic of discussion.

Laging tandaan...

media

Layon ay Pakikipagkaibigan sa Pakikilahok sa mga Patimpalak

Gng. Kezia Joy B. Suazo

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 29

SLIDE