Search Header Logo
Ang ating kaugalian, Paniniwala, Tradisyon

Ang ating kaugalian, Paniniwala, Tradisyon

Assessment

Presentation

Social Studies

3rd Grade

Hard

Created by

Lisbel Peña

Used 3+ times

FREE Resource

50 Slides • 10 Questions

1

media

2

media

3

media

4

media

5

media

6

media

7

media

8

media

9

Layunin:

Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaugalian, paniniwala at tradisyon sa sariling lalawigan sa karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon at sa ibang lalawigan at rehiyon.

By Lisbel Dela Peña

10

Multiple Choice

Pagdiriwang ng Pasko, Bagong Taon, Semana Santa taon-taon.

1
2

11

Multiple Choice

Pagbibigay ng abuloy o tulong sa namatayan, nasunugan, o dumaranas ng anumang kalamidad.

1
2

12

Multiple Select

Pag-akyat ng ligaw sa bahay ng babae.

1
2

13

Multiple Select

Pangangaroling tuwing Pasko.

1
2

14

Multiple Select

Paghahagis ng bigas at bulaklak sa mga ikinasal.

1
2

15

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala, Tradisyon

By Lisbel Dela Peña

16

Open Ended

Magbigay ng mga halimbawa ng mga kaugalian na isinasagawa ng inyong pamilya.

17

Mga Kaugalian

By Lisbel Dela Peña

18

Magalang na Pananalita

Iba't iba ang paraan ng pagpapakita ng paggalang. Isa na rito ang pagbati ng "Magandang umaga/hapon po!" Ang mga Tagalog at iba pang pangkat na mula sa Luzon ay gumagamit ng magagalang na salita gaya ng "po" at "opo". May mga pantawag din sa mga nakakatanda. Tito, Kuya, o Manong ang pantawag sa nakatatandang lalaki. Tita, Ate, o Manang ang pantawag sa nakatatandang babae, kamag-anak man natin sila o hindi.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

19

Malugod na Pagtanggap

Kapag may bisita tayo, karaniwang binibigyan sila ng meryenda o ano mang pagkain. Magpapadala pa tayo ng mga regalo o pabaon bago sila umalis. Kung malayo ang ating pinanggalingan, nagbibigay tayo ng pasalubong na pagkain o anumang bagay.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

20

Mabuting Pagtutulungan

Ang kaugaliang ito ay namana natin sa ating mga ninuno. Isa sa kaugaliang ito ay ang pagtutulungan natin. Dagyaw ang tawag nila dito, bayanihan naman ang tawag dito ng ilang pangkat ng Tagalog.​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

21

Pakikiramay

Nakikiramay tayo sa kaibigan o kamag-anak na namatayan​. Sa araw ng paglalamay, tayo ay nagdadala ng bulaklak at nagbibigay ng pera.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

Kung may mga nasalanta ng sunog, pagbaha, lindol, o ano mang krisis, nakikiramay din tayo.

media

22

Pagsasalusalo

Isa sa kauga​lian natin ang pagkakaroon ng salusalo sa pagdaraos ng mga mahahalagang araw sa ating buhay tulad ng binyag, kaarawan, pagtatapos sa pag-aaral, kasal, at pagbabalik-bayan.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

23

Mga Pagdiriwang

By Lisbel Dela Peña

24

Todos Los Santos o Araw ng mga Patay

Ito ay idinaraos tuwing una at ikalawang araw ng Nobyembre. Pumupunta ang ating pamilya sa libingan para dumalaw sa ating mga namatay na kamag-anak.

Nagsisindi tayo ng kandila sa kanilang puntod at nag-aalay ng mga bulaklak.​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

25

Bagong Taon

Hatinggabi ng Disyembre 31 hanggang Enero 1 kung ipagdiwang natin ang Bagong Taon. Maingay, masaya, at sama-sama ang buong pamilya sa okasyong ito. Sinasalubong natin ang pagdating ng Bagong Taon bago maghating gabi ng Disyembre 31.

Dito ipinakikita ang isang paraan ng pagbuklod ng pamilya at komunidad.​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

26

Mga Pagdiriwang sa iba't ibang Lalawigan

By Lisbel Dela Peña

27

Open Ended

Ibigay ang mga pagdiriwang na mayroon ang inyong lalawigan.

28

Sa Lalawigan ng Aklan

By Lisbel Dela Peña

29

Ati-Atihan Festival

Ginaganap ang pagdiriwang ng Ati-Atihan sa Lungsod ng Kalibo. Ito ay para ipagdiwang ang kapistahan ni Santo Nino.

Ang pagsayaw nila ayon sa tugtog ng drum, at kanilang pagpupunyagi sa Patrong Santo Nino.​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

30

Kalibo Food Festival sa Kalye

Tuwing Hunyo 18-23 ipinagdiriwang sa Kalibo, Aklan ang kapistahan ni San Juan Bautista. Nagkakaroon dito ng mga puwesto ng iba't ibang uri ng pagkain na mula rito at sa iba pang lalawigan. Mayroon ding banda at sayawan.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

31

Iwag It Kalibonhon

Ito ay isang selebrasyon para sa magkakasama-sama ang bawat pamilya at magkakaibigan upang maglagay ng mga magagandang ilaw at dekorasyon sa Aklan tuwing Disyembre.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

32

Sa Lalawigan ng Capiz

By Lisbel Dela Peña

33

Pangahaw Festival

Ipinagdiriwang ito tuwing Enero 19 hanggang 20 sa Jamindan, Capiz. Ito ay bilang pasasalamat sa masaganang pag-aani ng mga taga rito.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media
media

34

Tagbuan Festival

Ayon sa mga kuwento, nag-simula ito noong taong 1521 bago pa sakupin ng mga Espanyol ang ating bansa. Dinadala ng mga Aeta ang kanilang ani at makikipagkita sa mga mangingisda. Sila ay nag-papalitan ng mga produkto. Ang Tagbu ay salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay pagtatagpo.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

35

Agdahanay Festival

Ito ay ginaganap tuwing ikalawang linggo ng Hunyo. Ito ay bilang parangal kay San Antonio de Padua ang santong patron ng mga Cuarteronhon.

Ang pagdiriwang na ito ay nagtatapos tuwing ika-13 ng buwan. Ang kahulugan ng Agdahanay ay pagtatanggap at pag-anyaya.​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

36

Buyloganay Festival

Tuwing Setyembre 10, lalong nagkakaisa ang mga taga-Ivisan dahil sa pagdiriwang na ito. Ito ay bilang parangal sa kanilang santong patron na si San Nicolas de Tolentino.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

37

Sa Lalawigan ng Antique

By Lisbel Dela Peña

38

Binirayan Festival

Idinaraos ang pagdiriwang sa San Jose, Antique. Tumutukoy ang salitang "Binirayan" sa mahirap na paglalakbay ng sampung datu na mula sa Borneo papunta sa Isla ng Panay. Ang pagdiriwang ay nagsisimula sa pagsasadula ng kasaysayan nito.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

39

Sa Lalawigan ng Guimaras

By Lisbel Dela Peña

40

Kinaradto Festival

Ipinagdiriwang ang Kinaradto Festival sa bayan ng Buenavista sa Lalawigan ng Guimaras. Ito ay idinaraos tuwing ikatlong linggo ng Enero. Kapistahan ito ng patrong Santo Nino.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

41

Manggahan Festival

Tuwing Ikawalo ng Abril ito ipinagdiriwang. matatamis, masasarap, at ipinagmamalaki ang mangga ng mga taga-Guimaras. Tampok din da pagdiriwang ang iba't ibang produkto tulad ng pinatuyong mangga at ketsup na gawa sa mangga.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

42

Sa Lalawigan ng Iloilo

By Lisbel Dela Peña

43

Dinagyang Festival

Tuwing ikatlong linggo ng Enero, idinaraos ang Dinagyang Festival sa Lungsod ng Iloilo. Ang petsa ay ang pagkatapos ng Ati-Atihan sa Aklan at Sinulog sa Cebu. Pinararangalan sa pagdiriwang na ito ang kapistahan ng Santo Nino at ang pagdating ng mga Malay sa Panay.

Ang malaking bahagi ng pagdiriwang ay ang pagsasayaw ng mga "tribu," na kunwari ay mga Ati.​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

44

Dinagyang Festival

Tampok sa pagdiriwang ang pagparada ng imahen ng Santo Nino sa ilog. Ang mga deboto ay nagdadala ng iba't ibang imahen ng Santo Nino sakay ng bangka naglalakbay mula sa dulo ng ilog hanggang sa pier. Nagpuprusisyon sila pabalik sa simbahan.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

45

Salakayan Festival

Ang Salakayan Festival ay ipinagdiriwang sa Miag-ao tuwing Pebrero. Mayroon ding parada sa katubigan at parada ng mga higanteng maskot.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

46

Sa Lalawigan ng Negros Occidental

By Lisbel Dela Peña

47

Pintaflores Festival

Idinaraos ang Pintaflores Festival sa Lungsod ng San Carlos, Negros Occidental tuwing ika-5 ng Nobyembre.​

Ang salitang "pinta" ay nagmula sa mga ninuno na naging tradisyon na ang pag​pipinta sa kanilang mga sarili upang ipaalam ang antas sa pakikipaglaban. Ang "flores" ay salitang Espanyol para sa mga bulaklak.​

Pinararangalan ng mga tao dito si San Carlos Borromeo, Ang patron ng lungsod.​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

48

Panaad Festival

Tuwing ikalawang linggo ng Abril ipinagdiriwang ang Pista ng Panaad sa lungsod ng Bacolod.

Ang Panaad ay isang salitang Hiligaynon. Ito ay katumbas ng salitang "pangako" o "panata". ​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

49

MassKara Festival

Ipinagdiriwang ang MassKara Festival sa Lungsod ng Bacolod tuwing Oktubre.

Nagkakaroon ng mga kompetisyon sa pagsasayaw sa kalsada. Ang mga kalahok nito ay karaniwang nakasuot ng makukulay na maskara at magarbong kasuotan. May patimpalak para sa pagpili ng MassKara Queen. ​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

50

Mga pagdiriwang na Pangrelihiyon

By Lisbel Dela Peña

51

Ang Ramadan

Taon-taon, ipinagdiririwang nang mga muslim naninirahan sa Kanlurang Visayas ang Ramadan. Iba't iba ang petsa nito. Tumatagal ito ng 30 araw. Sa mga araw na ito, nagdarasal at umiiwas sa pagkain at kasiyahan ang mga Muslim mula ikaanim ng umaga hanggang ikaanim ng gabi.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

52

Eid'l Fitr

Isinasagawa ito bilang pagtatapos ng Ramadan. Nag-aalay sila ng dasal sa umaga sa kanilang mosque o sa isang malawak na lugar na tinatawag na Eid gah (Eid field). Ipinagdiriwang ito ng dalawa o tatlong araw.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

53

Santa Sena at Araw ng Pasasalamat

Mga pagdiriwang ito ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC). Ang Santa Sena ay ang pagkain ng tinapay at ang pag-inom ng katas ng ubas sa okasyong ito. Isang kusang-loob na pagkakaloob ng kaukulang butaw ng kinita ang Araw ng Pasasalamat ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

54

Pasko

Tuwing ika-25 ng Disyembre, ipinagdiriwang ng mga Katoliko, Protestante, at iba pang mga Kristiyano ang Pasko. Ito ang araw ng pagsilang ni Hesus, ang Diyos-Anak ng mga Kristiyano. Ang mga Katoliko ay nagkakaroon ng simbang gabi mula ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre. Misa ito tuwing madaling araw sa loob ng siyam na araw bago dumating ang araw ng Pasko.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

55

Mahal na Araw

Ang Mahal na Araw ay idinaraos tuwing Marso o Abril. Ginugunita ito ng mga Protestante, Katoliko, at iba pang Kristiyano. Sa mga araw na ito inaalaala ang mga paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Poong Hesus. Kadalasan, mula Huwebes hanggang Biyernes kapag Mahal na Araw, nagkakaroon ng senakulo. Ito ang tawag sa pagsasadula kung paano naghirap at namatay si Hesus.

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

56

Ilan sa mga halimbawa ng mga paniniwala o pamahiin:

  • Ang nagdadalan-t​aon na kumain ng kambal na saging ay magkakaroon ng kambal na anak.

  • Ang pagtalon sa pagsapit ng Bagong Taon ay magpapa​bilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao.

57

Open Ended

Magbigay ng mga paniniwala na isinasagawa at sinasabuhay ng inyong pamilya.

58

Open Ended

Nakabubuti bang pahalagahan ang mga tradisyon ng sariling komunidad? Bakit?

59

Open Ended

Dapat bang makiisa ang lahat ng mga tao sa mga tradisyon sa kanilang komunidad? Bakit?

60

Gabay sa mga gagawin (2/10/2022)

  • Pag-aralan ang Aralin 5 na makikita sa Google Site.

  • Gawin ang Pagsasanay #3 na makikita sa Google Classroom. (Deadline: February 17, 2022)​

Ang Ating Kaugalian, Paniniwala , at Tradisyon

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 60

SLIDE