Search Header Logo
Pamanang Kulturang Di-Materyal: Pakikinggan,  Babasahin at Isasa

Pamanang Kulturang Di-Materyal: Pakikinggan, Babasahin at Isasa

Assessment

Presentation

Other

4th Grade

Medium

Created by

MICHELLE DE LUNA

Used 2+ times

FREE Resource

18 Slides • 20 Questions

1

Pamanang Kulturang Di-Materyal: Pakikinggan, Babasahin at Isasagawa Ko

Ni Gng. Michelle S. De Luna​

media

2

Pinakamahalagang Kasanayan Sa Pampagkatuto

1. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng

mga pamanang kulturang di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian,

pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa).

LAYUNIN:

Ang mga batang nasa ikaapat na baitang ay:

Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga

pamanang kulturang di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian,

pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa).

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2

3

media

Subukin

PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad o nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang di-materyal at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2

4

Multiple Choice

1. Laging nakikinig si Anna sa mga pangaral ng kaniyang lola tungkol sa

mga kagandahang asal ng mga Pilipino.

1

TAMA

2

MALI

5

Multiple Choice

2. Ayaw panoorin ni Minda ang mga balita sa telebisyon tungkol sa mga

pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

1

TAMA

2

MALI

6

Multiple Choice

3. Pinapatay ni Rosa ang radyo tuwing naririnig niya ang programa

tungkol pagpapahalaga sa pamilya.

1

TAMA

2

MALI

7

Multiple Choice

4. Masayang nakikinig si Ben sa kuwento ng kaniyang nanay tungkol sa

mga tradisyon at paniniwala ng kanilang lugar.

1

TAMA

2

MALI

8

Multiple Choice

5. Namangha si Henry nang mapanood niya sa telebisyon ang tungkol

sa pag-aaruga ng mag-asawa sa isang matanda kahit na hindi nila

kamag-anak.

1

TAMA

2

MALI

9

BALIKAN​

Panuto: Sumulat ng pamagat ng kuwentong nabasa o napakinggan sa

mga sumusunod na halimbawa ng mga pamanang kulturang materyal ng mga Pilipino.

​1. Kwentong Bayan -

2.​ ALamat -

3. Epiko​ -

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​

10

SURIIN

Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mga pamanang kulturang di-materyal ng mga Pilipino. Suriin ang bawat larawan pagkatapos, isulat ang inilalarawang kaugalian sa iyong sagutang papel.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2

11

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​

media

12

media

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​

13

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​

media

14

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​

media

15

PAGYAMANIN

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Suriing mabuti ang

bawat bilang. Piliin sa kahon ang mabuting kaugaliang ipinapakita nito.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​

16

Multiple Choice

1. Umuwi ng Pilipinas ang kapatid ni Aling Rosa upang magbakasyon.

Nakiusap siya na sa bahay nila tutuloy ng ilang araw. Agad na naglinis ng

bahay si Aling Rosa at inihanda ang kuwartong tutulugan ng kaniyang

kapatid. Nagpunta rin siya sa palengke upang mamili ng mga lulutuing

pagkain.

1

A. Magalang

2

B. Matulungin

3

C. May Pananalig Sa Diyos

4

D. May pagpapahalaga sa nakakatanda

5

E. Magiliw sa pagtanggap ng panauhin

17

Multiple Choice

2. Libo-libong tao ang nasawi nang nanalansa ang Bagyong Yolanda.

Maraming bahay at gusali ang gumuho. Sa kabila nito, hindi nangamba

ang mga Pilipino na sila ay pababayaan ng Diyos.

1

A. Magalang

2

B. Matulungin

3

C. May Pananalig Sa Diyos

4

D. May pagpapahalaga sa nakakatanda

5

E. Magiliw sa pagtanggap ng panauhin

18

Multiple Choice

3.Ang pagtulong sa kapuwa ay likas sa bawat isa. Hindi kinakailangang

mayaman upang makatulong sa iba. Sa mga panahon ng kalamidad at

pangangailangan, mapapansin mong bumabaha ng tulong mula sa iba’t

ibang grupo at indibidwal.

1

A. Magalang

2

B. Matulungin

3

C. May Pananalig Sa Diyos

4

D. May pagpapahalaga sa nakakatanda

5

E. Magiliw sa pagtanggap ng panauhin

19

Multiple Choice

4. Nagmamadaling umuwi si Lito galing sa trabaho. Pagod na pagod siya

at gusto na niyang magpahinga. Habang nasa loob ng bus, siya ay nakatulog nang biglang tumigil ang kaniyang sinasakyan at siya’y nagising. Nakita niyang sumakay ang isang matandang babae, pero wala na siyang mauupuan. Tumayo si Lito sa kaniyang upuan at ibinigay na lamang ito sa matanda. Tumayo na lamang siya habang tumatakbo ang bus.

1

A. Magalang

2

B. Matulungin

3

C. May Pananalig Sa Diyos

4

D. May pagpapahalaga sa nakakatanda

5

E. Magiliw sa pagtanggap ng panauhin

20

Multiple Choice

5. Tuwing sumasagot si Gina sa mga mas nakakatanda sa kaniya, lagi

niyang gamit ang “po’ at “opo”.

1

A. Magalang

2

B. Matulungin

3

C. May Pananalig Sa Diyos

4

D. May pagpapahalaga sa nakakatanda

5

E. Magiliw sa pagtanggap ng panauhin

21

ISAISIP

Ang kultura ay kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng mga kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa. Maaaring ang mga pananaw na ito ay pamana ng mga naunang henerasyon na naisalin hanggang sa kasalukuyang panahon.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​

22

ISAISIP

Ang kultura ay kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng mga kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa. Maaaring ang mga pananaw na ito ay pamana ng mga naunang henerasyon na naisalin hanggang sa kasalukuyang panahon.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​

23

ISAISIP

Ang di-materyal na kultura ay mga bagay na hindi nahahawakan ngunit maaring maramdaman o iyong maobserbahan sa iyong paligid. Kabilang dito ang mga pamanang kultura ng mga Pilipino, ang magagandang kaugalian tulad ng pagpapahalaga sa nakakatanda, paggalang, pagtulong sa kapuwa, magiliw sa pagtanggap ng bisita, mapagmahal sa pamilya, mapagpakumbaba

at Maka-Diyos.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​

24

ISAISIP

Ang mga pamanang kulturang di-materyal ay kailangang makita sa ating mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsasagawa upang sa gayon maibahagi at maipamana natin sa susunod na henerasyon. Sa iyong pagtanda, tanungin ka man ng mga nakababata, masasagot mo ang anumang may kinalaman sa

kulturang Pilipino.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​

25

media

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​​

SUMMATIVE ASSESSMENT

26

media

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​​​

SUMMATIVE ASSESSMENT

27

media

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​​

SUMMATIVE ASSESSMENT

28

TAYAHIN

A. Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng

nararapat gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang iyong sagot

sa sagutang papel.

Edukasyon sa Pagpapakatao 4 _Kuwarter 3 Linggo 2​​​​

29

Multiple Choice

1. Napansin mo na walang paggalang at hindi rin gumagamit ng po at

opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay.

Ano ang iyong gagawin?

1

A. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.

2

B. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto.

3

C. Hahayaan ko na lamang sa kaniyang ginagawa.

4

D. Sasabihin ko sa kaniya na kinalulugdan ang batang magalang

kaya dapat na igalang siya at sumagot nang may po at opo sa

mga nakatatanda.

30

Multiple Choice

2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang

iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa

kaniya?

1

A. Tuturuan ko siyang magbasketbol.

2

B. Iimbitahan ko siya at tuturang maglaro ng sungka at mga iba pang

laro ng lahi

3

C. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer

games.

4

D. Magkukunwari akong hindi narinig ang sinabi ng Tatay dahil

mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan ko siya.

31

Multiple Choice

3.Matagal mo nang hindi nakikita ang iyong lolo at lola kaya

napagdesisyunan ng inyong mga magulang na dalawin sila.

Pagdating ninyo sa kanilang bahay, ano ang una mong gagawin?

1

A. Yayakapin ko sila at magmamano.

2

B. Hindi ko na lamang sila papansinin.

3

C. Sasabihin kong gutom ako at hihingi ako ng pagkain.

4

D. Tatakbo ako sa loob ng bahay at manonod ng telebisyon.

32

Multiple Choice

4. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng pandemyang Covid-19,

hindi natinag ang mga Pilipino. Nagkaroon ng pagdadamayan at pagtutulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at pagdarasal para sa mga kababayan. Isa itong patunay na likas sa mga Pilipino ang pagiging:

1

A. magalang

2

B. matulungin

3

C. masipag

4

D. masunurin

33

Multiple Choice

5. Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong

leksyon sa Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga

pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha dahil

naunawaan mong mabuti ang itinuturo ng inyong guro. Ano ang gagawin

mo?

1

A. Maaawa ako sa kaniya.

2

B. Hayaan na lamang siya kung ano ang gusto niya.

3

C. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro kahit

paminsan-minsan.

4

D. Iaalok ko sa kaniya ang aking tulong na ipaliwanag sa kaniya ang

mga paksa na nahihirapan niyang unawain.

34

Multiple Choice

6. Laging bilin ng inyong mga magulang na sa tuwing kakain, kailangan

sabay-sabay sa hapag-kainan kung nasa bahay din lang naman. Isang

gabi, nasa harap ka ng computer at naglalaro ng paborito mong online

games. Tinawag ka ng iyong nanay na kakain na. Ano ang iyong

gagawin?

1

A. Magkukunwaring walang narinig.

2

B. Ipagpapatuloy ko ang paglalaro dahil ayaw kong itigil ito.

3

C. Ititigil ang ginagawa at makikisabay ako sa pagkain kasama ng

aking pamilya.

4

D. Huwag akong iimik at ipagpatuloy ang aking paglalaro dahil

nakakaaliw ang online game.

35

Multiple Choice

7. Mayroon kayong hindi pinagkaunawaan ng iyong nakatatandang

kapatid. Humantong ito na sinisigawan ka na niya. Nais mo sanang

sumagot at ipaliwanag ang iyong punto ngunit naisip mong mas

mabuting hintaying hindi mainit ang kaniyang ulo saka magpaliwanag.

Anong katangian mayroon ka?

1

A. matulungin

2

B. mapagmahal

3

C. masunuring

4

D. mapagkumbaba

36

Multiple Choice

8. Nakita ni Reden ang isang matanda na tatawid sa kalsada. Napansin

niyang maraming sasakyan. Agad niyang pinuntahan ang matanda at

inalalayan sa pagtawid. Anong katangian mayroon si Reden?

1

A. masayahin

2

B. masipag

3

C. mapagbigay

4

D. maalalahanin

37

Multiple Choice

9. Nasa hapagkainan kayong buong pamilya. Habang kayo ay

kumakain, nais mong matikman ang ulam na nasa harapan ng iyong

ate ngunit malayo sa iyo. Ano ang gagawin mo?

1

A. Tumayo at pilit na abutin ang ulam.

2

B. Ituturo ang ulam nang hindi umiimik.

3

C. Pakikiusapan ko si ate na iabot ang ulam.

4

D. Sisigawan ko si ate na ibigay sa akin ang ulam na malapit sa

kaniya.

38

Multiple Choice

10. May sakit ang iyong Tiya Belen. Halos hindi siya makabangon sa

kaniyang higaan dahil nanghihina ang buo niyang katawan. Wala

siyang anak na mag-aaruga sa kaniya sapagkat hindi siya pinalad

magkaroon nito. Ano ang gagawin mo?

1

A. Panunuorin ko na lamang siya sa kaniyang sitwasyon.

2

B. Aalagaan, aalalayan at paiinumin ng kaniyang mga gamot.

3

C. Hindi ko siya papansinin dahil alam ko namang kaya pa rin

niyang tumayo.

4

D. Sasabihin ko sa kaniya na si nanay na ang mag-aalaga dahil

tinatamad ako.

Pamanang Kulturang Di-Materyal: Pakikinggan, Babasahin at Isasagawa Ko

Ni Gng. Michelle S. De Luna​

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 38

SLIDE