Search Header Logo
Q3 M2: Pagpapahalaga at Pananagutan sa Kabuhayan at Pinagkukunan

Q3 M2: Pagpapahalaga at Pananagutan sa Kabuhayan at Pinagkukunan

Assessment

Presentation

Other, Moral Science, Life Skills

6th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

OSCAR NATIVIDAD

Used 9+ times

FREE Resource

22 Slides • 12 Questions

1

Pagpapahalaga at Pananagutan sa Kabuhayan at Pinagkukunang Yaman

Q3-Modyul 2

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

2

Alamin

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

3

Gabay Tanong:

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

​Paano nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa ating kabuhayan at pinagkukunang-yaman.

​e-Journal #2

4

Subukin

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

​Panuto:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

5

Multiple Choice

1. Bilang isang bata, alin sa mga ito ang maaari mong gawin habang pinapatupad ang Enhanced Community Quarantine?

1

A. Linisin ang kanal na malapit sa bahay.

2

B. Gumawa ng “craft” na mula sa bote.

3

C. Sumama sa tree planting activity.

4

D. Matulog maghapon dahil walang gagawin.

6

Multiple Choice

2. Pagkakain mo ng paborito mong kendi, napansin mong walang basurahan sa

paligid. Ano ang dapat mong gawin sa balat ng kendi?

1

A. Itago muna sa bulsa o kaya sa bag.

2

B. Humanap ng kanal at doon itapon ang balat ng kendi.

3

C. Itapon habang walang ibang nakakakita.

4

D. Patay-malisyang itatapon na lang sa gilid ng kalsada.

7

Multiple Choice

3. Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at pagkawala ng

tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?

1

A. Labis na pagpuputol ng mga puno.

2

B. Pagbuga ng maitim na usok ng sasakyan.

3

C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

4

D. Pagtatapon ng basura sa ilog.

8

Multiple Choice

4. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga paraan upang makatulong ang iyong

pamilya sa pagbawas ng paggamit ng plastic?

1

A. Pagdadala ng ecobag kapag mamimili.

2

B. Paggamit ng plastik na kutsara’t tinidor kapag kakain sa labas.

3

C. Pagdadala ng sariling “tumbler” o lalagyan ng tubig.

4

D. Paggamit ng sariling “straw” na gawa sa metal o kawayan kapag bibili ng

milktea.

9

Multiple Choice

5. Habang namamasyal ka sa isang parke, Nakita mo ang isang gripo na bukas kahit wala namang gumagamit. Ano ang dapat mong gawin?

1

A. Hahayaan ko na lang at magpatuloy sa paglalakad.

2

B. Kunwari ay wala akong nakita.

3

C. Isara ang gripo at magpatulong kung hindi ito kayang abutin

4

D. Maghihintay ng ate o kuya na magsasara ng gripo.

10

Balikan

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

​Panuto:

Isaayos ang mga titik upang mabuo ang bawat salita na naaayon sa kahulugang ipinapahayag. Isulat ito sa kasunod na mga kahon. Pagkatapos ay buoin ang islogan sa ibaba sa pamamagitan ng paglalagay ng letra sa angkop nitong bilang.

11

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

12

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

13

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

14

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

15

Open Ended

Ipaliwanag ang nabuong islogan.

16

Tuklasin

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

​Panuto:

Halina’t siyasatin natin ang awiting

“Pagmasdan ang kapaligiran” ng ASIN .

Sagutin ang mga katanungan tungkol sa awitin.

media

17

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

Pagsagot sa mga katanungan.

1. Anong pagpapahalaga at pananagutan ang dapat nating gawin sa ating kalikasan?

2. Ano-ano ang mga makukuha nating kapakinabangan sa ating kalikasan?

3. Pansin mo ba ang mga pagbabagong nangyayari sa ating kapaligiran? Ano-anong mga nakaaalarmang gawain ng tao ang nakapagpabago sa ating kapaligiran?

4. Magbigay ng mga paraan upang mapangalagaan ang kalikasan.

5. Anong pagpapahalaga at pananagutan ang maibibigay mo para sa kalikasan?

Paalala: Isulat ang mga kasagutan sa papel o notebook. Kuhanan ng litrato at i-turn in sa ating Google Classroom

18

Suriin

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

​Panuto:

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at

pagpapahalaga sa pinagkukunang- yaman.

Suriin ang mga ito.

19

Pananagutang Pampamahalaan

Ang pamahalaan bilang isa sa mga pangunahin at mahalagang kasapi ng lipunan ay may pananagutan sa ating mga likas na pinagkukunang-yaman. Ang pamahalaan ay nagtalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang Department of Natural Resources (DENR) o Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman.

ESP 6 - Q3 M2

20

Mga Proyektong Pinapatupad ng Pamahalaan

Upang lalong mapaigting ang kampanya ng pamahalaan para mapangalagaan ang pinagkukunang-yaman, ang mga proyektong tulad ng Oplan Sagip Gubat, Sloping Agricultural Land Technology (SALT), at Clean and Green Project ay mainam na pamamaraan upang maibalik sa dati ang mga nasirang bahagi ng ating kalikasan. Kaya dapat ay suportahan natin ang anomang proyektong isinusulong ng pamahalaan para din sa kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.

ESP 6 - Q3 M2

21

Pananagutan ng Paaralan

Bigyan ng mataas na uri ng edukasyon at kaalaman ang mag-aaral sa lahat ng antas ukol sa mga tamang paraan ng pangangasiwa ng bansa at yaman nito. Tungkulin ng bawat kawani ng sektor ng edukasyon lalo’t higit ng mga guro na isama sa kurikulum at pagtuturo ang pagpapahalaga sa mga yaman ng bansa.

Manguna sa pakikilahok sa mga proyektong inilunsad ng pamahalaan tulad ng proyektong Eco Saver ng Deped NCR, Kabataan Kontra Basura at Ilog ko, Irog ko.

ESP 6 - Q3 M2

22

Pananagutan ng Simbahan

Manghimok sa kanilang mga kasapi na magkaroon ng mataas na pagpapahalaga sa mga likas na yaman na siya nating pinagkukunang-yaman. Ipakita ang paniniwala sa pamamagitan ng mga kilos, prinsipyo at mabuting gawa lalo na sa lahat ng bagay na may buhay gayundin ang pagtatama sa maling gawa ng kasapi.

ESP 6 - Q3 M2

23

Pananagutan ng Pribadong Samahan

Ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman na pinalawak sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga pribadong samahan o ahensiya. Pananagutan din nila na maglunsad ng programang pantelebisyon o panradyo na maaaring magturo ng iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa ating mga pinagkukunang- yaman.

ESP 6 - Q3 M2

24

Pananagutan ng Pamilya

Pananagutan ng bawat pamilya na simulan sa kanilang sariling tahanan ang mga wastong paraan ng pangangalaga sa ting mga yaman. Tungkulin ng mga magulang na hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa kalikasan.

ESP 6 - Q3 M2

25

Pananagutan ng mga Mamamayan

Hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na makiisa sa pagpapaunlad at pagliligtas ng kalikasan. Isabuhay ang anomang natutuhan o nalalaman ukol sa pangangasiwa ng kalikasan at mga pinagkukunang-yaman. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa mga gawaing pangkalikasan at magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama para sa ikabubuti ng ating mundong ginagalawan.

ESP 6 - Q3 M2

26

Pagyamanin

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

​Gawain A.

Panuto:

Basahin ang talata. Sa ganitong pagkakataon, kaninong bangka ka sasama?

27

Tayo ang pinagkukunang-yaman ng ating bansa. Ako si Kabundukan, ikaw si Dagat at siya si Kapatagan. Nakasakay tayo sa barkong naglalayag sa Dagat Kanluran ng Pilipinas. Kasama natin sina Pamahalaan, Paaralan, Simbahan, Pribadong Samahan, Pamilya at Mamamayan. Maya-maya may biglang malakas na putok tayong narinig. Unti-unting lumulubog ang ating barko. Sa ganitong pagkakataon, kaninong lifeboat ka sasama?

ESP 6 - Q3 M2

media

28

Open Ended

1. Bakit ang bangkang iyan ang iyong napiling samahan?

29

Open Ended

2. Sa iyong palagay, anong kasapi ng lipunan ang may pinakamalaking pananagutan sa pangangasiwa at pangangalaga ng bansa? Bakit?

30

Isaisip

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

31

LAGING TANDAAN:

ESP 6 - Q3 M2

  • ​Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon at responsibilidad.

  • Ang pananagutan ay ang mga dapat gawin ng isang sektor o tao para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang bayan.

  • Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi,

  • kabilang dito ang pamahalaan, paaralan, simbahan, pribadong samahan, pamilya at mamamayan.

  • Napakahalaga ang mga bahaging ginagampanan ng bawat kasapi ng lipunan upang maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga likas na yaman ng bansa.

32

Isagawa

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

​Panuto: Gamit ang mga simbolo, iguhit sa patlang kung sino ang gaganap sa sumusunod.

media

Paalala: Isulat ang mga kasagutan sa papel o notebook. Kuhanan ng litrato at i-turn in sa ating Google Classroom

33

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media
media

34

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media
media
media

Pagpapahalaga at Pananagutan sa Kabuhayan at Pinagkukunang Yaman

Q3-Modyul 2

By Oscar Natividad, LPT, MAEd

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 34

SLIDE