
Q3W4-FILIPINO6
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Medium
ROSEMINDA BUEN
Used 5+ times
FREE Resource
22 Slides • 10 Questions
1
By ROSEMINDA BUEN
2
1. Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat (F6PT-IIIj-15)
2. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan (F6PB-IIIj-19)
3
PAUNANG PAGSUBOK:
BAIT __________
GANDA __________
GUBAT __________
GULO __________
DAGAT __________
4
Isulat ang K kung katotohanan at O kung opinyon ang mga pahayag.
1. Para sa akin, wala ng bulaklak na babango pa sa Sampaguita.
2. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
3. Si Tatay ang pinakamasipag sa lahat ng ama.
4. May mga programa sa telebisyon na para sa mga bata.
5. Kung ako ang tatanungin, mas mabuting alagaan ang aso kaysa sa pusa.
5
BALIK-TANAW:
MAGBIGAY NG HALIMBAWA NG PANGATNIG AT PANG-ANGKOP. GAMITIN ITO SA SARILING PANGUNGUSAP.
6
A. PAGBUBUO NG MGA SALITA GAMIT ANG MGA PANLAPI AT SALITANG UGAT.
ROBIN GARCIA-BAYANI NG NUEVA ECIJA
PAGPAPAKILALA NG ARALIN
7
Si Robin ay isinilang sa Barangay Bagong Sikat, Nueva Ecija. Mahirap lamang sila kaya siya ay napatigil sa kaniyang pag-aaral sa gulang na labindalawang taon. Mahusay at matalino siya, subalit walang kakayahang tustusan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pag-aaral. Kaya naghanapbuhay siya bilang kargador para matulungan ang kanyang pamilya.
Makaraan ang pitong taon, noong 1989, naisipan niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Dahil siya’y magaling na mag-aaral, na-promote siya mula sa unang taon ng high school patungong ikaapat na taon.
Noong ika-16 ng Hulyo, 1990 nagkaroon ng isang malakas na lindol. Halos lahat ng tao ay nagimbal at nasindak dahil sa lakas ng pagyanig ng lupa.
Dalawampung taong gulang noon si Robin nang mangyari ang lindol na kumitil ng daan-daang buhay at sumira ng milyon-milyong ari-arian sa bansa.
8
Dahil sa lakas ng lindol, gumuho ang paaralang kaniyang pinapasukan. Papunta na siya sa labas ng paaralan ngunit napansin niyang marami pang mag-aaral ang nakulong sa gumuhong gusali, kaya’t naisipan niyang bumalik. Kaniyang nailigtas ang limang mag-aaral na noo’y nanghihina na rin. Muli siyang nakarinig ng mga tinig na humihingi ng saklolo kaya’t minabuti niyang bumalik sa loob ng gumuhong gusali. Sa kasamaang palad, nadaganan siya ng malalaking tipak ng pader.
Si Robin ay buhay pa nang ilabas sa gumuhong paaralan ngunit hindi rin nagtagal at binawian siya ng buhay dahil sa natamo niyang pinsala sa loob ng kaniyang katawan. Isa sana siya sa mga nakaligtas kung inisip lamang niya ang kaniyang sarili subalit ipinamalas niya ang kaniyang katapangan at kabayanihan sa pamamagitan ng pagtulong sa kaniyang mga kasamahan sa paaralan.
9
PANSININ ANG MGA SALITANG GINAMIT SA KUWENTO.
-MATALINO
-KUMITIL
-GUMUHO
-NADAGANAN
-KABAYANIHAN
-KATAPANGAN
-KASAMAHAN
-BINAWIAN
10
Salitang-ugat – ito ay tumutukoy sa simpleng salita na walang panlapi. Tinatawag din itong payak na anyo ng salita.
Halimbawa : punta, luto, dasal, bilin, iwas
Panlapi – ito ay kataga o mga katagang ikinakabit sa unahan, gitna, o hulihan ng mga salitang ugat upang makabuo ng panibagong salita.
11
Iba’t-ibang Uri ng Panlapi
1. Unlapi – ito ang tawag sa pantig na idinaragdag sa unahan ng salitang-ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-.
2. Gitlapi - ito ang tawag sa pantig na idinaragdag sa gitna ng salitang-ugat tulad ng um-, at in-.
3. Hulapi - ito ang tawag sa pantig na idinaragdag naman sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng an-, at han-.
12
​
PANLAPI | URI NG PANLAPI | SALITANG UGAT | NABUONG SALITA |
|---|---|---|---|
UM | GITLAPI | PUNTA | PUMUNTA |
MAG | UNLAPI | DASAL | MAGDASAL |
AN | HULAPI | HUGAS | HUGASAN |
NAG | UNLAPI | TANIM | NAGTANIM |
IN | GITLAPI | BAWI | BAWIINBINAWI |
13
1. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan
(F6PB-IIIj-19)
14
Katotohanan – ito ay nagpapahayag kung ano ang tunay na pangyayaring naganap. Hindi ito sinasamahan ng paglalarawan o sariling palagay kaugnay sa mangyayari. Isa rin itong pahayag/pangyayari na ibinatay sa mga nakatala at napatunayan. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala bilang pananda gaya ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na at mababasa na.
Halimbawa:
1.Pinatutunayan ng sensiya, na ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw.
2.Batay sa nabasa ko, si Dr. Jose P. Rizal ang ating pambansang bayani.
15
Opinyon - ito ay pala-palagay, kuru-kuro o sariling haka-haka tungkol sa pangyayari. Ito ay isang palagay lamang ng isa o ilang tao at walang maipakikitang katibayan. Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang opinyon katulad ng: sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa aking palagay, sa ganang akin, at sa nakikita ko.
16
Halimbawa :
1. Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain.
2. Kung ako ang tatanungin, mas magandang mamasyal sa Baguio kaysa sa Tagaytay
17
PILIIN ANG TAMANG SAGOT:
OPINYON O KATOTOHANAN
18
Multiple Choice
1. Iniligtas ni Robin ang mga mag-aaral na nakulong sa gumuhong gusali.
OPINYON
KATOTOHANAN
19
Multiple Choice
2. Ang mga kapos-palad ay may kakayahang tustusan ang kanilang pag-aaral.
OPINYON
KATOTOHANAN
20
Multiple Choice
3. Si Robin ay naghanapbuhay bilang kargador para matulungan ang lahat ng mahihirap.
OPINYON
KATOTOHANAN
21
Multiple Choice
4. Binawian ng buhay si Robin dahil sa natamo niyang malaking pinsala sa loob ng kaniyang katawan.
OPINYON
KATOTOHANAN
22
Multiple Choice
5. Nagkaroon ng isang malakas na lindol noong ika-16 ng Hulyo, 1990.
OPINYON
KATOTOHANAN
23
Basahin mo ang bawat pangungusap. Bumuo ka ng bagong salita batay sa salitang-ugat na nasa panaklong upang mabago ang diwa ng pangungusap.
24
Fill in the Blanks
( gabi ) 1. Matulog ka na at huwag ka nang maghintay dahil baka ako Type answer...
25
Fill in the Blanks
( kulay ) 2. Agad matatanaw ang na kasuotan ng mananayaw.
Type answer...
26
Fill in the Blanks
( kalat ) 3. Mabilis na ang sunog sa Barangay Dos.
Type answer...
27
Fill in the Blanks
( tanim ) 4. Puwede ring ng mga gulay sa paso at lata.
Type answer...
28
Fill in the Blanks
( ligaya ) 5. Labis ang ng binate nang makapasa sa board examination.
Type answer...
29
TANDAAN:
Ang salitang-ugat ay ang punong salita na walang kahit anong dagdag natitik, kataga o pantig.
Ang panlapi naman ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
30
-Ang panlapi ay may iba’t-ibang uri ito ay ang unlapi, gitlapi at hulapi.
-Kapag pinagsama natin ang panlapi at salitang-ugat ay makakabuo tayo ng bagong salita.
- Ang katotohanan ay tumutukoy sa mga totoong pangyayari, may mga basehan at kalakip na mga impormasyon o katibayan na nangyari nga.
- Samantalang ang opinyon ay nakabase lamang sa mga nangyayari o totoong naganap at nakabatay sa mga saloobin ng isang tao kung papaano o ano ang pagkakaintindi niya sa nangyari o naganap sa kanyang paligid.
31
32
TO ALL GRADE 6 PUPILS:
By ROSEMINDA BUEN
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 32
SLIDE
Similar Resources on Wayground
23 questions
Attribut du sujet
Presentation
•
5th - 6th Grade
28 questions
PANG-ABAY
Presentation
•
6th Grade
27 questions
G6 Kaantasan ng Pang-uri
Presentation
•
5th - 6th Grade
26 questions
Energetyka w Europie
Presentation
•
6th Grade
25 questions
ESP 6 Q4 WW1-3 Ispiritualidad
Presentation
•
6th Grade
23 questions
ESP WEEK 2 Pagsang-ayon sa Pasya ng Nakararami
Presentation
•
6th Grade
23 questions
Uso do crédito-ATIVIDADES 6ºANO-AV2
Presentation
•
6th Grade
25 questions
Pajęczaki
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
10 questions
Columbus Day and Indigenous People's Day
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Elements, compounds, and mixtures
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Area of Parallelograms and Triangles
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Add and Subtract Integers
Quiz
•
6th - 8th Grade
28 questions
SMS Staff by the Numbers
Quiz
•
6th - 8th Grade
14 questions
Explore Integers and Rational Numbers
Quiz
•
6th Grade