
Pagsusunog ng Basura Itigil Na, Malinis na Hangin at Paligid At
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Medium
MICHELLE DE LUNA
Used 4+ times
FREE Resource
13 Slides • 20 Questions
1
Pagsusunog ng Basura Itigil Na, Malinis na Hangin at Paligid Ating Matatamasa
Ni: Michelle S. De Luna
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
KUWARTER 3
LINGGO 7
2
PAUNANG PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
3
Multiple Choice
1. Iwasan ang pagsunog ng basura upang hindi masira ang ating
kalikasan.
TAMA
MALI
4
Multiple Choice
2. Ang pagsusunog ng basura ay isang paraan ng pagpapanatili ng
kagandahan sa paligid.
TAMA
MALI
5
Multiple Choice
3. Ang pagsisiga ng mga basura ay ipinagbabawal sa ating bansa dahil
sa masamang epekto nito sa kalikasan.
TAMA
MALI
6
Multiple Choice
4. Ang pagsusunog ng goma tuwing Bagong Taon ay kawili – wili at
nakapagdudulot ng magandang epekto sa kapaligiran at sa
kalusugan.
TAMA
MALI
7
Multiple Choice
5. Ugaliin ang pagbubukod – bukod ng ating mga basura at ang hindi
pagsunog sa mga ito upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan
ng ating kapaligiran.
TAMA
MALI
8
Sagutin: Bakit kailangang paghiwa –hiwalayin o i-segregate ang mga basura na makikita sa tahanan, paaralan at maging sa buong pamayanan?
BALIKAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
9
TUKLASIN
Panuto: Basahin ang kuwento, pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
10
Basura ay Hindi Dapat Sunugin
Glenda A. Cuntapay
Sabado. Walang pasok kaya maagang nagising si Ana upang tumulong sa mga gawaing bahay. Naglinis at nagligpit ng kalat sa loob ng kanilang bahay. Ang kaniyang nanay ay nasa likod ng kanilang bahay na nagwawalis. Napansin ni Ana na pinagsama-sama ng kaniyang nanay ang mga basura. May papel, dahon, plastic at goma. Linapitan niya ang kaniyang nanay. “Nay, ano po ang iyong gagawin sa basura?”, tanong ni Ana sa kaniyang ina. “Anak susunugin ko upang hindi na liparin ng hangin at magkalat sa paligid”, sagot ng kaniyang ina. Nagulat si Ana sa sagot
ng kaniyang ina.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
11
Pumasok si Ana sa kanilang bahay at kumuha ng tatlong sako. “Anak, aanhin mo iyan?”, tanong ng ina. “Napag–aralan namin sa paaralan Inay na hindi dapat sinusunog ang mga basura”, sagot ni Ana. “Maraming epekto sa kalusugan ang pagsusunog Inay. Hindi lang sa kalusugan kundi pati ang ating kalikasan ay masisira”, paliwanag ni Ana sa kaniyang ina. Bagkus ay paghiwa – hiwalayin at ilagay sa tamang basurahan. Ang iba Inay ay puwede natin i-recycle upang magamit pa muli. Manghang-mangha na nakikinig ang kaniyang ina.
Nagpasalamat ang nanay ni Ana at nangakong hindi na siya magsusunog ng basura. Nagtulong-tulong sila na pinaghiwa–hiwalay ang mga basura.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
12
Open Ended
1. Tungkol saan ang binasang kuwento?
13
Open Ended
2. May masamang epekto ba ang pagsusunog ng mga basura? Ano ang
mga ito?
14
Open Ended
3. Tama ba ang ginawa ni Ana? Bakit?
15
Open Ended
4. Ano ang ginawa nina Ana at ang kaniyang ina sa basura?
16
Open Ended
5. Kung ikaw si Ana, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
17
Panuto:
Suriin ang mga larawan na hango sa kagamitan ng mag –aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Pag–isipan ang posibleng epekto ng mga sitwasyon sa kalusugan ng tao, hayop at gayundin sa kapaligiran.
SURIIN
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
18
19
20
ISAISIP
Ang kalikasan ay isang biyaya mula sa Diyos. Ito ay dapat nating ingatan, pangalagaan, at pagyamanin. Ngunit sa kasalukyang panahon, ang kalikasang dapat nating iniingatan ay unti–unti nang nasisira dahil sa maling gawain ng mga tao. Isa na rito ang pagsusunog ng basura.
Ayon sa section 48 ng Republic Act no. 9003 o tinatawag na Solid Waste Management Act, ang pagsisiga ay ipinagbabawal sa ating bansa dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan at gayundin sa mga mamamayan. Ito ay ipinatupad ng ating gobyerno sa pangunguna ng National Solid Waste Management Commision Secretariat sa ilalim ng opisina ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
21
22
TAYAHIN
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang masayang mukha kung ang pahayag ay tama o kung nagpapahayag ng mabuting gawi at malungkot na mukha kung mali o kung hindi-nagpapahayag ng mabuting gawi.
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
23
Multiple Choice
1. Ang pagsusunog ng mga basura ay may epekto sa kapaligiran
at sa kalusugan ng tao.
24
Multiple Choice
2. Pinaghiwa-hiwalay ko ang mga basura at saka ko ito sinunog
nang hiwa-hiwalay.
25
Multiple Choice
3. Sinusunod ko ang wastong paghiwa – hiwalay ng mga basura
at hindi sinusunog ang mga ito.
26
Multiple Choice
4. Ipinaliwanag ko nang maayos sa aking kapitbahay ang hindi
magandang epekto ng pagsusunog ng mga basura, nang
makita ko siyang nagsusunog ng mga basura sa kanilang
bakuran.
27
Multiple Choice
5. Ang pagsusunog ng basura ay makabubuti sa ating
kalikasan kaya lagi ko itong isasagawa.
28
Multiple Choice
6. Sinusunog namin ang aming mga basura kung wala nang
makitang panlagyan sa mga ito dahil sagabal lang sa aming
bakuran.
29
Multiple Choice
7. Upang hindi mapansin ng iba, patagong susunugin ang mga
basura lalo na kung wala nang panahon sa pagsesegregasyon.
30
Multiple Choice
8. Ang pagsusunog ng anumang bagay ay magdudulot ng
maruming hangin sa kapaligiran kaya ito ay dapat na iwasan.
31
Multiple Choice
9. Magkaroon ng pansariling disiplina sa pagbabasura upang
maiwasan ang pagsunog ng mga basura o pagtapon ng mga
ito saanman.
32
Multiple Choice
10. Patuloy pa rin ang mga ilang mamamayan sa pagsusunog ng
mga plastik at papel kahit na may ipinatupad na batas ukol sa
pagbabawal ng pagsusunog ng mga basura.
33
MARAMING SALAMAT, GRADE 4!
HANGGANG SA MULI :)
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kuwarter 3 Linggo 7
Pagsusunog ng Basura Itigil Na, Malinis na Hangin at Paligid Ating Matatamasa
Ni: Michelle S. De Luna
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
KUWARTER 3
LINGGO 7
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 33
SLIDE
Similar Resources on Wayground
31 questions
Mga Kultura ng Iba’t ibang Pangkat Etniko, Ipagmamalaki Ko!
Presentation
•
4th Grade
24 questions
Aspektong Naganap Q4
Presentation
•
3rd Grade
29 questions
ESP 5 W1 Q3
Presentation
•
5th Grade
30 questions
Pagpapakita ng Katapatan sa Paggawa at Pakikiisa
Presentation
•
5th Grade
25 questions
Pangngalan
Presentation
•
5th Grade
25 questions
MT 3: QE REVIEW Day 2
Presentation
•
3rd Grade
26 questions
Q1 W5 ESP5
Presentation
•
5th Grade
27 questions
Q1W4 ESP
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
GPA Lesson
Presentation
•
9th - 12th Grade
7 questions
Albert Einstein
Quiz
•
3rd Grade
31 questions
Bridge A Review
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Blue Sue and Red Ruth
Quiz
•
3rd Grade
8 questions
(Day12 HW) Inverse Trig Ratios
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Summer Geometry QUIZ (Week3)
Quiz
•
9th Grade
16 questions
Theme Practice
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Taxes
Quiz
•
9th - 12th Grade