Search Header Logo
Pang-ugnay

Pang-ugnay

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Easy

Created by

Sheila Sunio

Used 2+ times

FREE Resource

45 Slides • 16 Questions

1

Sinkronikong

Klase

​Bb. Jeanette/Gng. Sheila

​FILIPINO 6

media

2

Lasalyanong Panalangin..​

media

Ipagpapatuloy ko po O Diyos ang lahat ng aking mga gawain

upang ikaw ay lalong pakaibigin.

San Juan Bautista De La Salle

Ipanalangin mo po kami​

Mabuhay ka Hesus sa aming mga puso,

magpakailanman....​

3

Ngayong araw kayo ay inaasahang...​

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon​

Nasasabi ang paksa/mahahalagang pangyayari ​sa binasang / napakinggang sanaysay/teksto.

Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig. ​

4

Ngayong araw kayo ay inaasahang...​

Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol.​

Napapahalagahan ang mga uri ng pang-ugnay ​bilang bahagi ng pananalita.

5

Open Ended

Question image

Ano ang tawag natin dito?

6

Open Ended

Question image

Ano ang gamit ng bridge o tulay? At ano ang kahalagahan nito sa ating buhay

7

Poll

Question image

Kailangan din ba natin ng bridge o tulay sa pagbuo ng salita, parirala, sugnay at pangungusap?

Oo

Hindi

8

BASAHIN NATIN!​

Mapalad ang bansa Pilipinas pinagkalooban ito Manlilikha mayama’t masagana lupain. Isa bansa agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugan walumpu bahagdan Pilipino ay nabubuhay umaasa pagsasaka. Bigas ang pangunahing  pagkain tao mayroon din mais  ipinanghahalili bilang kanila  pangunahing pagkain.​

​Ano ang mapapansin ninyo sa talatang ito pagkatapos basahin?

media

9

BASAHIN NATIN!​

Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t masaganang lupain. Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t mayroon ding mais na ipinanghahalili bilang kanilang pangunahing pagkain. 

​Ano naman ang masasabi ninyo sa talatang ito pagkatapos basahin?

media

10

BASAHIN NATIN!​

Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t masaganang lupain. Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t mayroon ding mais na ipinanghahalili bilang kanilang pangunahing pagkain. 

​Ano kaya ang tawag natin sa mga kataga/salitang naitiman na ginamit sa talata?

media

11

PANG-UGNAY​

​Ano kaya ang kahalagahan nito sa pag-aaral natin ng wika?

media

12

PANG-UGNAY​

Salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.​

media

13

URI NG

PANG-UGNAY​

​Pang-angkop

​Pangatnig

​Pang-ukol

14

  • PANG-ANGKOP​

  • mga kataga na nag-uugnay sa panuring (modifier) tulad ng pang-uri o pang-abay at salitang inilalarawan

  • Sa madaling salita, ito ay pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan.

media

15

URI NG

PANG-ANGKOP​

  • ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa KATINIG (consonants) maliban sa "n”

media

​na

  • makulit na bata

  • malalim na balon

  • matulis na lapis

media

​-ng

16

URI NG

PANG-ANGKOP​

  • ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa PATINIG (vowels)

  1. kanyang kakayahan

  2. magandang tanawin

  3. katawa-tawang karanasan

media

​-ng

​-ng

  • Kapag ang salita ay nagtatapos sa “n”. Ito ay kinakaltas at pinapalitan ng

“-ng”​

  1. iyaking bata 

  2. harding kayganda

  3. talong malalim

  4. dahan-dahang binuksan

17

Pagsapit ng gabi, nakakatuwa__ pagmasdan ang langit. Samahan mo pa ng tahimik kapaligiran.  Wala ka  iba__ maaaninag kundi mga bituin at buwan lamang. Habang ikaw ay nakatitig sa kalangitan, kaysarap balikan ang mga alaala__ minsan__ nagpasaya sa iyo ng lubusan. Kailan kaya ulit, sana matapos na ang pandemya__ ito. Gusto ko nang puntahan ang mga lugar na nagbigay ng saya kasama ang buo__ pamilya.

SUBUKAN NATIN!​

18

Pagsapit ng gabi, nakakatuwang pagmasdan ang langit. Samahan mo pa ng tahimik kapaligiran.  Wala kang  ibang maaaninag kundi mga bituin at buwan lamang. Habang ikaw ay nakatitig sa kalangitan, kaysarap balikan ang mga alaalang minsang nagpasaya sa iyo ng lubusan. Kailan kaya ulit, sana matapos na ang pandemyang ito. Gusto ko nang puntahan ang mga lugar na nagbigay ng saya kasama ang buong pamilya.

SUBUKAN NATIN!​

19

Poll

Naunawaan po ba ang talakayan ukol sa PANG-ANGKOP?

OO

HINDI

20

  • PANGATNIG​

  • Nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, o pangungusap.

  • ​Maaari itong nagpapakita ng pagbubuod, pagsasalungat, o paglilinaw.

media

21

URI NG

PANGATNIG

Pamukod​

​Pandagdag

​Panubali

​Pananhi

​Panlinaw

​Paninsay

22

  • PANDAGDAG

    (at, saka, pati)

  • ginagamit natin ang at, saka, at pati kung nagdurugtong ng dalawang salita o kaisipang magkaugnay.

media
  1. Kinakailangan kong maipasa ang aking proyekto sa Filipino saka masagutan ang lagumang pagsusulit.

  2. Parehas na magaling sina Dennis at Alecs pagdating sa pagsasayaw.

  3. ​Hindi ko lubos na naunawaan ang talakayan kanina pati na rin ang ilang paalala na gagawin sa PT2.

23

  • PAMUKOD 

    (o, ni, man, at maging)

  • Ang “o” ay nag-uugnay sa dalawang salita o kaisipang pinagpipilian.

  • Ang iba naman ay ​ginagamit sa pagtatangi o pagbukod/

media

  1. Ano ang mas mainam na ipakain sa aso, dog food o tira-tirang pagkain?

  2. ​Marami nang nakabalik sa trabaho maging ang mga nasa ibang bansa.

  3. ​Ipinasa muna ang proyekto natin, ni hindi ko pa nga nakita iyon.

24

  • PANINSAY

    (ngunit, subalit, pero, samantala, kahit, habang, datapwat, bagaman)

  • ginagamit ang samantala at habang kung pinag-uugnay ang 2 kilos o pangyayari sa magkasabay na panahon.

  • Ang iba naman ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito.

media
  1. Makapagtatapos siya ng pag-aaral kahit gaano pa kahirap ang buhay.

  2. Pumunta kami sa Japan subalit hindi namin napasyalan ang isa sa pinakasikat na tindahan ng Milktea. 

  3. Naglilinis na si Abby sa kanilang bahay habang naglalaba pa ang kaniyang nanay. 

25

  • PANUBALI 

(kung, di, kundi, kapag, sana, sakali)

  • nag-uugnay ng dalawang kaisipang may hinihinging kundisyon, pagbabakasakali o pag-aalinlangan

media
  1. Kapag hindi siguro nagkaroon ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, hindi sana tataas ang presyo ng gasolina.

  2. Sakali man na manalo ako sa lotto, tutulungan ko ang kapwa kong naghihirap.

  3. Kundi lang sila sabik na makita ka, hindi sana kita isinama.

26

  • PANANHI

    (sapagkat, kasi, pero, pagkat, palibhasa, dahil)

  • nag-uugnay ng sanhi o dahilan ng pangyayari o ikinikilos. 

media
  1. Hindi muna ako maglalaro ngayon dahil marami akong kailangang pag-aralan para sa pagsusulit bukas.

  2. Kailangan nating mabakunahan pagkat magkakaroon tayo ng proteksyon laban sa sakit.

  3. Siya ang naging lider ng grupo sapagkat may kakayahan siyang pangunahan ito. 

27

  • PANLINAW

    (anupa, kaya, upang, para, nang, samakatuwid, sa madaling salita, kung gayon)

  • ginagamit ito upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag.

  • ​Nag-uugnay ng bunga o kalalabasan ng isang kilos o gawain

media
  1. Nawalan ng kuryente ang buong probinsya kaya nasuspende ang lahat ng klase.

  2. Umuwi siyang labis ang tuwa,  sa madaling salita siya ay nanalo.

  3. Diligan mo ang mga halaman araw-araw upang maging malago ang mga ito.

28

Poll

Naunawaan po ba ang iba't ibang uri ng PANGATNIG?

OO

HINDI

29

Piliin ang wastong pangatnig upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 

samantala/samantalang​

Halimbawa:

Sinisikap kong matapos at maipasa ang aking aralin, ____________________________ikaw ay naglalaro lang.

SUBUKAN NATIN!​

a. habang

b. samantala

c. subalit​

30

Multiple Choice

Kumain ako ng pinya _______ mangga bago naghapunan. 

1

o

2

at

3

maging

31

Multiple Choice

Bata pa lang ako ay nasilayan ko na ang aking magulang _________ labis ko silang pinapahalagahan. 

1

anupa

2

kaya

3

sa madaling salita

32

Multiple Choice

Umiiyak nang malakas ang bunsong kapatid ni Nena _______ masakit ang ngipin nito. 

1

kapag

2

kung gayon

3

dahil

33

  • anupa,

  • kaya,

  • upang,

  • para,

  • nang,

  • samakatuwid,

  • sa madaling salita,

  • kung gayon

  • sapagkat,

  • kasi,

  • pero,

  • pagkat,

  • palibhasa,

  • dahil

  • kung,

  • di,

  • kundi,

  • kapag,

  • sana,

  • sakali

  • ngunit,

  • subalit,

  • pero,

  • ​samantala,

  • kahit,

  • habang,

  • datapwat,

  • bagaman

  • o,

  • ni,

  • man,

  • at,

  • saka,

  • pati

  • at

  • maging​

Ano ang kahalagahan ng mga pangatnig sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan o pakikipag-usap.?

34

  • PANG-UKOL

  • tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.

  • Ginagamit ito upang ipakilala ang pook, bagay, pangyayari, tao sa isa o higit pang pangngalan.

media

35

  • kay (isahan)

  • kina (in general) (sa isang tahanan o lugar)

    • kasunod ng pantanging ngalan ng tao

Halimbawa:

  1. Kinuha ko ito kay Alma.

  2. Kakain siya kina Tito Bert.

  3. Iiwan ko ito kina Almira.​

media

36

  • ng (isahan)

  • ng mga (maramihan)

    • kasunod ng pangngalang pambalana

    • bilang ng pangngalang tinutukoy sa pahayag.

  • Halimbawa:

    1. Nakahanda na ang pagkain ng mga bata.

    2. Ang mga kawani ng bansa ay nababahala dahil sa lumalaganap na sakit.

media

37

  • sa (isahan) (kasunod ng pambalana/pantangi/panghalip

  • sa mga (maramihan) (kasunod ng pambalana/pantangi)

    • kasunod ng pangngalang pambalana

    • Kung saan papunta o kung kanino mapapunta.

  • Halimbawa:

    1. Pumunta siya sa simbahan nang mag-isa.

    2. Ibinigay niya sa mga bata ang mga lumang laruan ng kanyang anak.

media

38

  • mula sa (lugar/pambalana/pantangi/panghalip

  • mula kay/kina (tao/pantangi)

    • saan/kanino galing ang pangngalan na tinutukoy sa pahayag.

media

Halimbawa:

  1. Ang mga bulaklak na ito ay mula kay Bb. Hazel.

  2. Mula sa mga may mabubuting puso ang ilan sa mga ayudang natanggap ng ilang Pilipino.

  3. Mula sa Baguio ang mga bulaklak na ito.

39

  • para sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

  • para kay/kina (kasunod ng pangnglang pantangi)

    • Kung para kanino ang tinutukoy sa pahayag.

media

Halimbawa:

  1. Ang mga bagong tsinelas at bag ay para sa mga batang paslit.

  2. Ang munting regalo na handog ko ay para kay Pritzel.

40

  • batay sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

    • (based from)

    • may pinagbabasehan ang pahayag.

Halimbawa:

  1.  Batay sa saligang batas, tayong mga Pilipino ay may karapatang mabuhay ng marangal at karapatang ipagtanggol ang sarili. 

  2. Batay sa aking nabasa sa isang pahayagan, nagsimula na raw ang face to face na klase sa ilang pampublikong paaralan.

media

41

  • labag sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

  • labag kay/kina (kasunod ng pantanging ngalan ng tao)

    • (against to)

    • Hindi sang-ayon o hindi nagustuhan.

Halimbawa:

  1.  Labag sa aking kalooban na ikaw ay iiwan ng basta-basta na lamang.

  2. Ang ginawa mong pagtataksil ay labag kay Deo.

media

42

  • laban sa (kasunod ng panghalip/pambalana)

  • laban kay/kina (specific name/pantangi)

    • (against to)

    • Hindi sang-ayon o kontra sa isang sitwasyon.

Halimbawa:

  1. Nagsampa na ba ng kaso ang mga biktima laban sa nahuling magnanakaw?

  2. Ang mga taong nagpoprotesta laban kay Pangulong Duterte ay hindi nagtagumpay. 

media

43

  • ayon sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

  • ayon kay (kasunod ng pantanging ngalan ng tao)

  • ayon kina (kasunod ng antanging ngalan ng tao)

    - (according to)

  • ​saan/kanino galing ang impormasyon/pahayag

Halimbawa:

1. Ayon sa kaniyang opinyon, ang mga kabataan ay pag-asa ng bayan.

2. Ayon kina Mark at Jose, hindi na raw mababago ang kanilang proyekto.

media

44

  • tungkol sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

  • tungkol kay/tungkol kina (pantangi)

  • hinggil sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

  • hinggil kay/hinggil kina (pantangi)

  • ukol sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

  • ukol kay/ukol kina​ (pantangi)

    • about, regarding/concerning to

    • Ano/sino ang pinag-uusapan sa pahayag?

Halimbawa:

  1.  Ang nilalaman ng kwento ay tungkol kay Andres Bonifacio.

  2. Ang mga mag-aaral ng Ikaanim na Baitang ay nakinig at nakibahagi sa isang seminar hinggil sa pangangalaga ng kalikasan.

media

45

  • alinsunod sa (kasunod ng pambalana/panghalip/pantanging ngalan maliban sa tao

  • alinsunod kay (pantangi)

  • alinsunod kina (pantangi)

- (according to)

ang mataas na patakaran na sinusunod  dahil sa katuwiran nito

Halimbawa:

  1.  Ang paghahanda natin ay alinsunod sa tagubilin niya.

  2. Alinsunod kay Bb. Esperanza, ang mga bagong aklat ay maibibigay sa bahay ampunan.

media

46

  • nang may (with) 

  • nang wala (without)

    • pambalana​

Halimbawa:

  1. Maglakad ka sa gitna ng maraming tao nang may paninindigan sa sarili.

  2. Naglakad ka sa madilim na iskinita nang walang takot?

media

47

  • tungo sa (kasunod ng pambalana/panghalip

  • tungo kay/kina (pantangi)

    • toward

    • Kung saan patungo/papunta?​

Halimbawa:

  1. Sinamahan niya ang mga Amerikanong turista tungo sa lumang simbahan. 

  2. Ang mga magkakaibigan ay tungo kina Aling Merta.

  3. Kailangang maihalal ang taong may magandang pananaw tungo sa pagbabago at pag-unlad ng bansa.

media

48

  • ni (isahan)

  • nina (maramihan)

    • ginagamit kasunod ng pangalan ng tao

    • nasa tinig balintiyak ang anyo ng pangungusap

Halimbawa:

  1. Ibalik na natin ang selpon ni Lino.

  2. Ang damit ay kinuha nina April at Abby sa aparador.

media

49

Poll

Naunawaan ba ang talakayan ukol sa PANG-UKOL?

Oo

Hindi

50

Open Ended

Ano ang mensaheng nakapaloob sa kasabihang ito? Gumamit ng pang-ukol sa pagbuo ng sagot. (ng, ng mga, sa, sa mga,batay sa, ukol sa, ukol kay, mula sa, mula kay/kina, nang may, nang walang, labag sa, labag kay/kina, tungo sa, tungo kay/kina, laban, laban kay/kina, ni,nina)

" Makakamit lamang ng tao ang bunga ng magandang buhay kung siya ay masipag, may dedikasyon at disiplina."

51

Piliin ang wastong pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 

samantala/samantalang​

Halimbawa:

Sinisikap kong matapos at maipasa ang aking aralin, ____________________________ikaw ay naglalaro lang.

SIMULAN NATIN!​

a. habang

b. samantala

c. subalit​

52

Multiple Choice

Ang mga kabataan ay nagbigay ng parangal _______________ ating mga bayani.

1

sa

2

kay

3

ukol sa

53

Multiple Choice

Nagsimula nang magbukas ang ilan____ pampublikong paaralan para sa face to face na klase.

1

na

2

-ng

3

sa

54

Multiple Choice

__________ balita, maraming nag-abot ng tulong sa Ukraine gaya ng pagkain, laruan at iba pa.

1

tungkol sa

2

ayon sa

3

alinsunod sa

55

Multiple Choice

Ang pangkat _________ Alfredo at Gerald ay umaawit ng katutubong himig.

1

ni

2

nina

3

ng mga

56

Multiple Choice

Siya ay kumakain _____________ nakikinig sa klase.

1

habang

2

samantala

3

sapagkat

57

  • Hahatiin ang klase sa dalawa gamit ang breakout room.

  • Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan ukol dito.

  • Huwag kalimutang gumamit ng Pang-ugnay sa pagbuo ng sagot.

  • Ilagay ang inyong sagot sa PADLET.

PAGYAMANIN PA!​

58

Noon pa man isa sa pinapahalagahan ng mga Pilipino ay edukasyon. Sinubok ng panahon ang kahalagahan ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Dahil sa banta ng Covid-19, naapektuhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan. Ito ay dahil ipinagbabawal ang pisikal na diskusyon sa loob ng silid-aralan. Malaki ang papel ng internet dito upang ang lahat ay makapagpatuloy sa gitna ng pandemya. Nagsisilbi itong instumento sa lahat dahil sa pinapatupad na online learnig. Ito ay nagbibigay-alam at komunikasyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ngunit hindi lahat ay may access sa internet. Mabuti na lamang at nagbibigay ng konsiderasyon ang mga guro pagdating sa ganitong bagay. 

59

  1. Tungkol saan ang teksto?

  2. Bakit mahalaga ang edukasyon sa buhay ng isang tao?

  3. Ano ang naging alternatibo noong nawala ang face to face na klase? Paano ito nakatulong sa inyo bilang mag-aaral?

Q & A!​

60

Draw

Gumuhit ng PUSO o HEART kung naunawaan ang talakayan ukol sa PANG-UGNAY. Question mark o tandang pananong naman kung hindi naunawaan.

61

media

Maraming salamat sa inyong lahat!

Some text here about the topic of discussion.

Sinkronikong

Klase

​Bb. Jeanette/Gng. Sheila

​FILIPINO 6

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 61

SLIDE