
PARTISIPASYON NG MGA KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA NG BAYAN
Presentation
•
History
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Diana Niño
Used 17+ times
FREE Resource
12 Slides • 7 Questions
1
PARTISIPASYON NG MGA KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA NG BAYAN
By Diana Niño
2
Ang pagiging kasapi sa himagsikan ay para sa mga lalaki lamang.
Samantala ang kababaihan ay nagkaroon ng pagtataka sa naging kakaibang kilos ng kanilang mga asawa, gaya ng madalas na pag-alis sa gabi, pag-uwi ng kulang ang sweldo nito, at pagkakaroon ng mahabang oras sa trabaho. Upang mabigyang kasagutan ang kanilang pagtataka, minabuti ng Katipunan na bigyan ng bahagi ang mga kababaihan sa Katipunan.
3
GREGORIA DE JESUS
ang asawa Andres Bonifacio, tingurian bilang "Lakambini ng Katipunan".
Kilala sa tawag na Oriang.
“Lakambini ng Katipunan”
siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.
4
Gliceria Marella de Villavicencio
Siya ay nagmula sa Taal, Batangas
Miyembro ng mga mayamang angkan, matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon.
Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na si Gliceria at ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong, nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00. Nang bumalik, may dala na itong mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay.
5
Gliceria Marella de Villavicencio
Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang barko kay Aguinaldo.
6
Gliceria Marella de Villavicencio
Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng Amerikano.
Siya ay inilagay sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol ng mga Amerikano ang rebolusyon.
7
Patrocinio Gamboa
Tubong Ilo-Ilo
nagmula rin siya sa isang mayamang angkan ng mga illustrado
Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal, sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan.
Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.
8
Patrocinio Gamboa
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.
9
Multiple Choice
Sino ang asawa ni Andres Bonifacio?
Gliceria Villavicencio
Patrocinio Gamboa
Gregoria de Jesus
10
Multiple Choice
Hindi siya tumigil sa mga rebolusyon kahit sa panahon ng Amerikano.
Gliceria Villavicencio
Patrocinio Gamboa
Gregoria de Jesus
11
Poll
Siya ang babaeng nakapagdala ng watawat sa Jaro, iloilo
Gliceria Villavicencio
Patrocinio Gamboa
Gabriela Silang
12
Melchora Aquino
Ina ng Katipunan
Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan.
13
Melchora Aquino
Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sa kanila kaysa tumanggap ng libreng tulong.
Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na.
Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.
14
Teresa Magbanua
Nagmula siya sa mayamang angkan. Tubong Pototan, Iloilo at pinag-aral sa mahusay na paaralan.
Nagtapos siya ng pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang siya ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanilang asyenda. Nahasa pa niya ng lalo ang kanyang galing sa pangangabayo.
Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawang may mataas na katungkulan sa Katipunan.
15
Teresa Magbanua
Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na “Nay Isa”.
Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik siya sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian sapagkat patay na ang kaniyang asawa at wala naman silang naging anak. Nakitira na lamang siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong 1947.
16
Multiple Choice
INA NG KATIPUNAN
Gabriela Silang
Melchora Aquino
Teresa MAgbanua
17
Multiple Choice
Ilang taon si Melchora Aquino noong siya ay mamatay?
107
100
177
18
Multiple Choice
Nakapagtapos siya ng kurso sa pagiging guro at kilala sa tawag na Nay Isa.
Agueda Kahabagan
Teresa Magbanua
Melchora Aquino
19
Open Ended
Magbigay ng limang babaeng sumali sa rebolusyon.
PARTISIPASYON NG MGA KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA NG BAYAN
By Diana Niño
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 19
SLIDE
Similar Resources on Wayground
16 questions
Pandiwa at Aspekto Nito
Presentation
•
5th - 6th Grade
14 questions
Araling Pan 4 Quarter 3, Week 1
Presentation
•
4th Grade
10 questions
Panahon ng Eksplorasyon at Kolonisasyon
Presentation
•
5th Grade
14 questions
Health 1q W6 Pagsasagwa ng mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-Ugnayan sa Kapw
Presentation
•
5th Grade
13 questions
Q1 SUMMATIVE TEST 4 FILIPINO
Presentation
•
5th Grade
19 questions
AP 5 Q3
Presentation
•
5th Grade
12 questions
Wastong Paraan ng Pag-aalis ng Mantsa
Presentation
•
5th Grade
16 questions
Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas
Presentation
•
5th - 6th Grade
Popular Resources on Wayground
6 questions
Secondary Safety Quiz
Presentation
•
9th - 12th Grade
10 questions
Afterschool Activities & Sports
Quiz
•
6th - 8th Grade
19 questions
ROAR Week 2026
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Lab Safety Quiz
Quiz
•
6th Grade
15 questions
Cool Tool:Chromebook
Quiz
•
6th - 8th Grade
22 questions
would you rather
Quiz
•
3rd - 11th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade