
Phil Iri Pangkatang Pagtatasa
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Medium
RAZEL ECHANO
Used 3+ times
FREE Resource
5 Slides • 21 Questions
1
Ang Aso sa Lungga
2
May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad, ibinubulong niya sa sarili na kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain. Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain siya hanggang mabusog. Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng pagkain sa loob ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan. Nang lalabas na lamang siya, napansin niyang hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong. Dumating ang isa pang aso at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”
3
Multiple Choice
Saan nangyari ang kuwento?
sa bukid
sa gubat
sa kalsada
sa lansangan
4
Multiple Choice
Ano ang hinahanap ng aso?
makakain
makakasama
mapapasyalan
matutulugan
5
Multiple Choice
Anong ugali ang ipinakita ng aso?
madamot
matakaw
masipag
mayabang
6
Multiple Choice
Bakit hindi makalabas ang aso sa lungga?
may harang ang labasan
may bitbit pa siyang pagkain
lubos na marami ang kinain niya
mali ang paraan ng paglabas niya
7
Multiple Choice
Bakit kaya hindi siya natulungan ng isa pang aso?
natakot sa kanya ang aso
para matuto siya sa pangyayari
nainggit sa kanya ang isa pang aso
hindi rin ito makakalabas sa lungga
8
Si Muning!
Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning. Ikot na siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May mga kasama si Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng kuting. Tuwang-tuwa si Susan!
9
Multiple Choice
Sino ang naghahanap ng pusa?
ang kuting
si Muning
si Nanay
si Susan
10
Multiple Choice
Bakit niya hinahanap ang pusa?
ipapasyal niya ito
paliliguan niya ito
pakakainin niya ito
patutulugin niya ito
11
Multiple Choice
Saan niya nakita ang pusa?
sa silid
sa silong
sa kahon
sa kusina
12
Multiple Choice
Sino ang mga kasama ni Muning sa kahon?
mga anak nito
mga kalaro nito
mga nahuli nito
mga kaibigan nito
13
Multiple Choice
Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?
Nasaan si Muning?
Nasaan ang Kahon
Ang Kahon ni Susan
Ang Pagkain ni Muning
14
S
Si Brownie
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may pumasok na malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang siya nakatali nang mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Mayamaya ay may tinahulan siya nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi niya.
15
Multiple Choice
Saan naganap ang kuwento?
sa bahay
sa paaralan
sa palengke
sa simbahan
16
Multiple Choice
Ano ang katangiang ipinakita ni Brownie?
matapang
masungit
maharot
m
17
Multiple Choice
Ano ang napatay ni Brownie?
pesteng ipis
usang bahay
dagang bahay
maliko
18
Multiple Choice
Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo?
gusto niyang gisingin ang daga
nagulat siya sa kanyang ginawa
natakot siyang mapagalitan ng amo
upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa
19
Multiple Choice
Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si Brownie”?
Hatid nito ang isang balita
Nais nitong magbigay-aral.
Gusto nitong magbigay ng aliw.usto nitong magbigay ng aliw.
Nais nitong magbigay ng bagong kaalaman.
20
Balat ng Saging
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw.
“Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang ate.
“Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang kanyang tinig.
“Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan, natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.”
“E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.
21
Multiple Choice
Sino ang nakatatandang kapatid?
Mina
Lito
Lita
Tina
22
Multiple Choice
Bakit sumisigaw si Mina?
galit siya
maingay kasi
tinatakot niya si Lito
hindi marinig ang boses niya
23
Multiple Choice
Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw?
nagalit siya
natuwa siya
natakot siya
nagtampo siya
24
Multiple Choice
Bakit nadulas si Mina?
madulas ang sahig
di niya nakita ang nilalakaran
natapakan niya ang balat ng saging
natapakan niya ang basang bahagi ng sahig
25
Multiple Choice
Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?
Ang Basurahan
Ang Saging ni Lito
Pulutin ang Saging
Ang Sigaw ni Mina
26
Poll
MARK
11 & below
12-13
14-16
17-19
20
Ang Aso sa Lungga
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 26
SLIDE
Similar Resources on Wayground
20 questions
MAPEH 3 Q3 WEEK 6
Presentation
•
3rd Grade
19 questions
FILIPINO 3 Q4 WEEK 6
Presentation
•
3rd Grade
19 questions
ESP 3 Q4 WEEK 3
Presentation
•
3rd Grade
21 questions
Révision - Classes de mots
Presentation
•
3rd - 5th Grade
21 questions
HEALTH
Presentation
•
KG - 3rd Grade
20 questions
Ôn Tập lý thuyết tin học lớp 3 HKII 2025
Presentation
•
3rd Grade
20 questions
Panghalip
Presentation
•
3rd Grade
21 questions
MAPEH (MUSIC) Q4 Week 1
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
STAAR Review Quiz #3
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Marshmallow Farm Quiz
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
Discover more resources for Other
6 questions
Marshmallow Farm Quiz
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
10 questions
Points, Lines, Line Segments, & Rays
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Homophones
Quiz
•
4th Grade
10 questions
April Fool's Day Pranks and Tips
Interactive video
•
3rd - 6th Grade
17 questions
Reading STAAR Review
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Summarizing
Quiz
•
3rd - 5th Grade