
Araling Panlipunan Module 4 (Day 1)
Presentation
•
Social Studies
•
2nd Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Ma. Belgar
Used 1+ times
FREE Resource
24 Slides • 18 Questions
1
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4 Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran
March 6, 2023 (Day 1)
Inihanda ni:
Ma. Veronica B. Belgar
2
Alamin
Sa pag-aaral ng modyul na ito ay iyong malalaman ang kahalagahan ng likas na yaman at ang tungkulin ng bawat isa sa pangangalaga nito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ay inaasahang:
3
Alamin
1. naipaliliwanag ang pansariling tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran;
1.1 nauunawaan ang kahalagahan sa pagtupad ng sariling tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan.
4
Multiple Select
Alin sa mga nakasulat ang kaya mong gawin sa loob ng bahay?
Magligpit ng higaan
Maglagay ng tubig sa pitsel
Maglaba ng damit
Magluto ng menudo
Magpunas ng mesa
5
Multiple Select
Paano kaya mabubuhay ang halamang nasa paso? Ano–ano kaya ang kailangan niya? I-click ang larawang nakatutulong upang mabuhay ito.
6
Tuklasin
Nais mo bang malaman ang mga pansariling tungkulin para sa pangangalaga ng kapaligiran?
Ang isang tao na tulad mo ay nabubuhay dahil sa likas na yaman na ipinagkaloob ng Diyos. Dahil dito, nakasalalay ang tungkulin ng tao upang pangalagaan ito.
7
Tuklasin
Ang pamahalaan ang siyang nangangasiwa sa pangangalaga ng kapaligiran, kaya may mga batas na ipinatupad, gaya ng Republic Act 428, batas na nagbabawal sa pagbebenta ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.
8
Tuklasin
Presidential Decree 705 na tinatawag na Selective Logging o ang pagpili lamang ng punong puputulin at kung alin ang dapat iwanan. Mayroon ding nakasaad sa ating Saligang Batas, 1987, Artikulo II, Seksyon 16.
9
Tuklasin
Maliban pa rito ay may mga programang inilunsad ang Kagawaran ng Edukasyon, tulad ng “Ilog Ko, Irog Ko”, “Kabataan Kontra Basura”, Eco-saver Program, Clean and Green, at iba pa.
10
Tuklasin
Lahat ng programang inilunsad ay magtatagumpay lamang kung gagawin ng mga tao ang tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran. Tandaan na ang mga likas na yaman ay nauubos din kaya nararapat na tipirin at ayusin ang paggamit nito.
11
Tuklasin
Nararapat ang mga mamamayan ay makiisa sa pagpapaunlad at pagliligtas ng kalikasan, tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig. Magkaroon ng disiplina at gawin ang tama para sa ikabubuti ng mundong ginagalawan.
12
Tuklasin
Sa kasalukuyan, pagbaha ang madalas nating nararanasan, kaya nararapat na magtanim ng mga punongkahoy upang mabawasan ang pagbaha. Maraming nagagawa ng puno sa ating kapaligiran. Nagsisipsip ng tubig ulan at humahawak ng lupa ang mga ugat nito upang hindi magkaroon ng pagguho. Nagbibigay din ng pagkain at kagamitan sa bahay, gaya ng upuan, bintana, kama, at iba pa.
13
Tuklasin
Nababawasan din ang polusyon sa hangin dahil sa mga dahon nito. Laging tandaan na lahat ng mga bagay sa mundo ay nauubos at binabawi sa ating lumikha kaya huwag abusuhin, bagkus pahalagahan ito. Pasalamatan ang Diyos sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob.
14
Open Ended
Ano-anong mga batas ang ipinatupad ng pamahalaan upang pangalagaan ang ating kapaligiran?
15
Open Ended
Ano-anong programa ang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon para sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
16
Open Ended
Alin sa mga programa ang isinasabuhay mo? Bakit?
17
Open Ended
Bilang mag-aaral, paano mo mapapangalagaan ang ating kapaligiran?
18
Multiple Select
I-click ang mga gawaing nangangalaga sa kapaligiran.
sumasali sa paglilinis ng kapaligiran
nagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan
pumipitas ng mga bulaklak
19
Multiple Select
I-click ang mga gawaing nangangalaga sa kapaligiran.
pinupulot ang mga kalat sa paligid
nagtatanim ng mga puno at halaman
umiiwas sa panghuhuli ng hayop
20
Napakasayang tignan ang isang maganda at malinis na kapaligiran. Ang lahat ng ating nakikita sa ating paligid ay ibinigay sa atin na dapat ingatan. Kaya upang manatili ang kagandahan at kalinisan nito kailangan nating kumilos. Ang bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran.
21
I-click ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nangangalaga sa likas na yaman at sa kalinisan ng komunidad at Mali naman kung hindi.
22
Multiple Choice
Pagkatapos kumain ng tsokolate ni Mona itinapon nito ang balat sa daan.
Tama
Mali
23
Multiple Choice
Laging isinasara ni Rosa ang gripo pagkatapos nitong maghugas ng kamay.
Tama
Mali
24
Multiple Choice
Gumagamit ng lambat na may maliliit na butas si tatay sa pangingisda.
Tama
Mali
25
Multiple Choice
Sumasali sa paglilinis ng komunidad ang mga bata.
Tama
Mali
26
Multiple Choice
Si Lino ay nagtanim ng bagong halaman.
Tama
Mali
27
Sa aralin na ito, tatalakayin natin ang mga paraan na maaari mong gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran
Pagmasdan mo ang nasa larawan. Hindi ba’t mas magandang tumira sa isang komunidad na may malinis at maaliwalas na kapaligiran? Ang pag-aalaga sa kapaligiran ay tungkulin ng lahat ng tao.
28
Basahin ang dayalogo.
29
Tonyo: O Dino, pauwi ka na ba?
Dino: Oo, Tonyo. Halika, sabay na tayo.
Tonyo: Alam mo ba, sabi ng guro namin hindi muna kami papasok sa paaralan?
Dino: Bakit daw?
30
Tonyo: Ayon sa aming guro ay iniutos daw ito ng ating presidente dahil sa kumakalat na sakit na kung tawagin ay COVID-19.
31
Dino: COVID-19? Ah, ‘yun siguro ang sinasabi ng aming guro na isang virus na nakakahawa at nakamamatay kaya dapat ay manatili tayo sa loob ng bahay, laging maghugas ng kamay, kumain ng mga masustansiyang pagkain at panatilihin ang kalinisan sa ating kapaligiran upang makaiwas sa sakit.
32
Tonyo: Ganun ba? Kailangan pala nating gawin ang mga iyan. Paguwi ko ay maghuhugas agad ako ng kamay at kakain ng masustansiyang pagkain. Sisimulan ko na ring tumulong sa paglilinis ng aming paligid at mananatili na muna sa bahay.
33
Dino: Alam mo rin ba Tonyo na makakatulong din tayo sa pangangalaga ng kapaligiran sa ating gagawing paglilinis?
Tonyo: Tama ka diyan, Dino. O, sige. Malapit na ako sa bahay namin. Ingat!
34
Dino: Ingat din, Tonyo!
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawang bata pauwi sa kanikanilang bahay.
35
Open Ended
Sino ang dalawang bata na nagkita sa daan?
36
Open Ended
Ano ang tinanong ni Tonyo sa bata?
37
Open Ended
Anong sakit ang naging dahilan upang mahinto ang pag-aaral ng mga bata?
38
Open Ended
Ano-ano ang mga maaaring gawin ng mga bata upang makaiwas sa sakit na kumakalat sa paligid?
39
Open Ended
Makakatulong ba sa pangangalaga ng kapaligiran ang dalawang bata?
40
Ang ilan sa mga paraan na maaari mong gawin upang mapangalagaan ang ating kapaligiran ay ang sumusunod:
Sa inyong bahay at paaralan, huwag magkalat kung saan-saan;
Itapon ang basura sa tamang basurahan;
Tumulong sa paglilinis ng iyong kapaligiran, sa inyong tahanan man o paaralan;
41
Huwag kalimutan isagawa ang reuse, reduce, at recycle. Ito ay isang paraan upang ang basura ay mabawasan;
Hindi dapat magsunog ng basura upang ang hangin natin ay hindi maging marumi;
Hindi rin dapat magtapon ng basura sa ilog upang ang tubig ay hindi dumumi;
Magtipid sa tubig at pagkain; Ang tv, computer, o ilaw ay patayin kung hindi naman ito ginagamit;
42
Kung malapit lang din naman ang iyong pupuntahan, sa halip na sumakay ay maglakad na lamang. Nakatutulong ito hindi lamang sa kalikasan kundi pati sa iyong kalusugan; at
Magtanim ng puno at halaman sa ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito mas lalong mapagaganda ang ating kapaligiran.
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4 Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran
March 6, 2023 (Day 1)
Inihanda ni:
Ma. Veronica B. Belgar
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 42
SLIDE
Similar Resources on Wayground
38 questions
Podrodzina - jabłkowe - drzewa i krzewy ozdobne
Presentation
•
2nd Grade
35 questions
Entrevista de emprego
Presentation
•
2nd Grade
39 questions
Quarter 3: Araling Panlipunan: Week 3
Presentation
•
2nd Grade
35 questions
Quarter 1: ESP: Week 3
Presentation
•
2nd Grade
34 questions
Czechy i Słowacja
Presentation
•
2nd Grade
40 questions
Quarter 4: Math: Week 2
Presentation
•
2nd Grade
38 questions
Araling Panlipunan- Review Session
Presentation
•
3rd Grade
38 questions
Quarter 3: Araling Panlipunan: Week 6
Presentation
•
2nd Grade
Popular Resources on Wayground
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Social Studies
10 questions
Our Economy - 2
Quiz
•
2nd Grade
17 questions
Map-Based Location Identification Quiz
Quiz
•
2nd Grade
14 questions
CKLA Domain 11 Immigration
Quiz
•
2nd Grade
22 questions
Exploring U.S. History and Geography
Quiz
•
2nd Grade
10 questions
Cinco de Mayo
Quiz
•
2nd - 3rd Grade
10 questions
Types of Resources
Quiz
•
2nd - 3rd Grade
13 questions
4 NW Major 2
Quiz
•
2nd Grade
13 questions
Needs and Wants
Quiz
•
2nd - 4th Grade