

Pangako ng Maynila
Presentation
•
World Languages
•
7th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Leri Mariano
FREE Resource
17 Slides • 0 Questions
1
Filipino 1
MAIKLING KWENTO
Pangako ng
Maynila
2
Tanong
Bakit kaya Pangako ng Maynila ang pamagat
ng Maikling Kwento?
3
MAYNILA
4
Filipino 1
NI GONZALO B. IGUICO JR.
Pangako ng Maynila
SABAYANG PAGBASA
5
Ang mga suliraning kinakaharap sa buhay ay dapat magsilbing hamon upang
magtagumpay
Natatandaan ko, kahit noong bata pa ako, kapag nababanggit ng mga
magulang ko ang salitang Maynila, hindi maiwasang mamutawi sa
mga labi ko ang ngiti. Para sa akin, wala nang hihigit pa sa ganda ng
lungsod na ito bagaman ni sa panaginip ay hindi man lamang ako
napadpad dito
6
Subalit dahil siguro sa paraan ng pagkukuwento ng Amang ko
tungkol sa Maynila, unti-unting nabuo sa aking imahinasyon ang
daigdig na ito na punong-puno ng ilaw, maingay ngunit walang
puwang ang kalungkutan, laging maganda at makulay.
Simula noon, tuwing may nababalitaan akong kamag-anak o kaibigan
na nanggaling sa Maynila, tiyak na hindi siya makaliligtas sa akin na
magkuwento tungkol sa lugar na ito. May mga pagkakataon pa
ngang nakukulitan na ang mga taong inuusisa ko, lalo na ang
pinakamatanda kong ate.
7
Madalas niyang sabihin sa akin, “Wag kang mag-alala. Kapag malaki
ka na, doon ka mag-aaral at magsasawa ka sa mga makikita mo.”
Pinanabikan ko ang pagkakataong ako’y “lumaki na.” Naging lubhang
kainip-inip para sa akin ang mga araw. Wala akong naging
bukambibig kundi ang Maynila. Alam kong balang araw, mararating
ko rin ang Maynila.
8
Hindi ko na maalala kung ilang tag-araw at tag-ulan pa ang
nagdaan. Hindi ko rin namalayan kung ilang palusong at gapasan sa
bukid ang lumipas. At dumating ang pinakahihintay kong sandali.
Hindi ako grumadweyt nang may karangalan ngunit sa mga
sandaling iyon ay nasisiguro kong mas matamis ang mga ngiti ko
kaysa valedictorian namin. Siya’y magpapatuloy ng pag-aaral sa
isang maliit na kolehiyo sa lugar namin samantalang ako’y tutuklas
ng talino sa siyudad na alam kong pangarap marating ng mas
nakararami sa amin.
9
Tunay na hindi ko malilimutan ang aking unang pagtuntong sa Maynila.
Nalilito man ako sa dami ng mga sasakyan, tila musika naman sa aking
pandinig ang kanilang busina’t ingay. Humahangos ang mga tao patungo sa
iba’t ibang direksyon na tiyak ang nagmamadaling mga hakbang. Nabusog
ang aking mga mata sa naglalakihang gusali. Tunay nga ang sabi nila,
napakaganda ng Maynila. Noon pa ma’y nagsimula na akong humabi ng
mga kuwentong tiyak na kaiinggitan ng mga kanayon ko sa Bataan. Sabi ko
nga sa unang sulat ko sa kababata at matalik kong kaibigang si Ariel, “Dito’y
wala kang karapatang malungkot at mainip.”
10
Unang araw ng klase. Hindi ko alam kung paano ipakikilala ang sarili ko sa mga
kaklaseng ang gagara ng bihis. Karamihan sa kanila’y inglesero’t inglesera.
Nakapanliliit ang kanilang mga titig mula ulo hanggang paa. Sa pagdaraan ng
mga araw, nagkasya na lamang ako sa pagsulit ng oras ko sa pagitan ng
eskuwelahan at dormitoryo. Isang hapon, habang ako’y abala sa pagrerebyu
para sa aming prelims, ginulantang ako ng balitang inatake ng sakit sa puso ang
aking ama at nakaratay sa ospital. Maraming pera at pagod ang inubos ng
pamilya namin upang maibalik ang dating lakas ng Amang ko. Naisanla ang
titulo ng aming bahay at lupa at unti-unting nasimot pati ang kahuli-hulihang
sentimong ipon ng aking Inang.
11
Ayaw sana namin kung maari, ngunit binawi ng Diyos ang buhay ng aking ama
sa mismong araw ng aking kapanganakan. Ang sa simula pa’y kinatatakutan
kong marinig ay namutawi sa bibig ni Inang: “Hihinto ka muna sa pag-aaral,
bunso, dahil kapos na kapos tayo ngayon. Wala na ang Amang mo at kailangan
tayong magtulong-tulong upang mabuhay.” Pero hindi ko yata kakayaning
talikdan ang Maynila. Magsasakripisyo ako kung kinakailangan huwag lamang
iwan ang lugar na unti-unti ko nang kinakikitaan ng liwanag. Mag-woworking
student ako.
12
Napasok ako sa isang pizza parlor. Aral sa umaga at kayod pa rin sa gabi ang ginawa ko.
Konting tiyaga lang, sa loob-loob ko, at makakatapos din ako. Sa paglipas ng mga araw,
ang dating maaya kong pagtingin sa lungsod ay nagsisimula nang magbagong-anyo. Unti-
unti, nahuhubdan sa aking paningin ang kanyang tunay na kulay. Parang mga multong
dumadalaw sa akin ang maruming katanungan: Bakit maraming pulubi sa Maynila? Bakit
halos araw-araw ay laman ng mga pahayagan ang iba’t ibang klase ng patayan at
nakawan; sanggol na ipinagbili ng mga magulang; anak na ginahasa ng sariling ama; at iba
pang mga kasamaan. Bakit napakaraming basura sa paligid? Marami pang katanungan ang
naging sanhi ng pagdadalawang-isip ko kung ang Maynila na kasukdulan ng aking mga
pangarap noong bata pa ako ay lugar ng mga pangako.
13
Sa pagkakataong ito, sumagi sa aking isipan ang pinagdaanan kong buhay sa Bataan.
Doon, kapag nakaramdam ng gutom ay laging may nakalaang biyaya ang iba’t ibang puno
ng prutas sa paligid. Sa siyudad, kapag nakadama ng gutom at wala kang pera,
magkakasya ka na lang sa pagsinghot sa amoy ng masasarap na pagkain sa mga
restawrang iyong madaraanan. Hinahanap-hanap ko na rin ang masasayang araw naming
magkakabarkada sa paliligo sa malinis na ilog. Tumitindi ang aking pananabik, lalo na
kapag nasisilayan ko ang marumi at mabahong tubig ng Manila Bay. Nasaan na nga kaya
ang mga kapitbahay naming laging handang tumulong kapag may isang kaluluwang
nangangailangan ng kalinga?
14
Sa lungsod, manigas ka kung hindi mo kayang pangalagaan ang iyong sarili. Ito ang totoo,
sa loob-loob ko. Ang Maynila ay hindi lupain ng mga pangako bagkus ay siyudad ng
pagsasamantala. Magmataas ka at maraming kakalaban sa iyo, magpaapi ka at tatapakan
ka nang husto.
Gayunman, masasabi kong hindi ako nagkamali sa aking desisyon. Pangangatawanan ko
ang pangako sa aking sarili na sisikaping makapagtapos kahit sa pinakamahirap na paraan.
Gagawin ko ang lahat ng ito dahil nakikinitakinita ko na sa araw ng aking tagumpay,
kapananabikan ko ang pagbabalik sa lalawigang aking pinagmulan
15
Pagnilayan...
Mula pagkabata,
ano ang impresyon/
pananaw ng
tauhan sa Maynila?
Bakit nagbago
ang pananaw ng
tauhan sa lugar?
16
Pagnilayan
Ilarawan ang nagsasalita
sa sanaysay. Ano ang
kaniyang
suliranin? Tukuyin ang
talata kung saan ito
makikita.
Ano ang naging
resolusyon sa suliranin
ng nagsasalaysay?
Anong pangyayari ang
nagtulak sa kaniya
upang gawin ito?
Paghambingin ang
kalagayan ng lungsod
at probinsiya ngayong
may pandemya.
17
Salamat
Filipino 1
MAIKLING KWENTO
Pangako ng
Maynila
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 17
SLIDE
Similar Resources on Wayground
15 questions
Volume and Surface Area of a Rectangular Prism
Presentation
•
7th Grade
15 questions
Area and Surface Area
Presentation
•
6th - 8th Grade
13 questions
Iso Velikanović
Presentation
•
6th - 8th Grade
12 questions
Trijstūru nevienādība
Presentation
•
7th Grade
11 questions
DESCRIPTIVE TEXT
Presentation
•
7th Grade
11 questions
ELA Test
Presentation
•
7th Grade
16 questions
Masa Pengasuhan & Menginjak Remaja Nabi Muhammad SAW
Presentation
•
8th Grade
12 questions
Panitikan
Presentation
•
7th Grade
Popular Resources on Wayground
5 questions
A Home on the Shore
Quiz
•
3rd Grade
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
6 questions
A Horse Tale
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Juneteenth History and Significance
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Dividing Fractions
Quiz
•
5th Grade
55 questions
A Long Walk to Water Final Review
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Equation Word Problems
Quiz
•
7th Grade
Discover more resources for World Languages
10 questions
Juneteenth History and Significance
Interactive video
•
5th - 8th Grade
55 questions
A Long Walk to Water Final Review
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Equation Word Problems
Quiz
•
7th Grade
15 questions
Soccer World Cup Quiz Questions
Quiz
•
7th Grade
10 questions
Juneteenth: History and Significance
Interactive video
•
7th - 12th Grade
28 questions
A Rover's Story, part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
40 questions
Flags of the World
Quiz
•
KG - Professional Dev...
20 questions
Summer Break Quiz
Quiz
•
7th Grade