Search Header Logo
Filipino: Maikling Kuwento

Filipino: Maikling Kuwento

Assessment

Presentation

Other

2nd Grade

Practice Problem

Medium

Created by

ROSALIE REYMUNDO

Used 4+ times

FREE Resource

3 Slides • 5 Questions

1

Isang maikling kwento.

Matukoy Mo Kaya

media

2

Matukoy Mo Kaya

Naglilinis noon si Marina ng silid ng nanay nang bigla siyang nakakita ng buklet sa sahig. Hindi niya alam na iyon ay talaarawan ng kanyang ina. Binuklat niya at binasa ang nilalaman.

Hulyo 18- Mapula at namamaga ang mga mata ko. Kusang tumutulo

ang luha sa pisngi ko. Napaliligiran ako ng mga anak ko. Mahina lang

silang umiyak. Nasa tabi kami ng kama ni Noli.

3

​Hulyo 19- Maraming tao ang nasa bahay namin, mga kaibigan, kapitbahay at kamag-anak. May gumagawa ng korona at ang iba naman ay naghahanda ng meryenda. Nagkukwentuhan kami noon ng kumareng Toning nang dumating ang Malaki at maiitim na sasakyan. Hindi ko mapigil ang kalungkutan at ako’y nawalan ng malay-tao.

Hulyo 20 – Pumunta ang maraming kapitbahay sa amin upang kami

ay aliwin. Magdamag silang naglaro ng kards at nang sa gayon ay

maipakita at maipadama sa amin ang taos-pusong pakikiramay.

Talagang di ko makalilimutan ang mabuting gawain na ipinakita sa

amin ng aming mga kaibigan at kapitbahay.

4

Multiple Choice

Ano ang ginawa ni Marina sa silid?

1

natutulog

2

naglilinis

3

nag-aaral

5

Multiple Choice

Ano ang nakita ni Marina sa sahig?

1

buklet

2

laruan

3

lapis

6

Multiple Choice

Anong petsa nabasa ni Marina sa buklet na tumutulo ang luha ng kaniyang ina?

1

Hulyo 20

2

Hulyo 19

3

Hulyo 18

7

Multiple Choice

Ano ang nangyari kay Mang Noli?

1

namatay

2

nawawala

3

nagtrabaho sa ibang bansa

4

8

Multiple Choice

Bakit malungkot ang mag-anak sa kuwento?

1

Nagkasakit ang kanilang ina.

2

Namatay ang ama ng tahanan.

3
Nagkasakit ang kanilang lola.

Isang maikling kwento.

Matukoy Mo Kaya

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 8

SLIDE