Search Header Logo
KPWKP_q1_mod5_Mga Konseptong Pangwika_v2

KPWKP_q1_mod5_Mga Konseptong Pangwika_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 10+ times

FREE Resource

22 Slides • 51 Questions

1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 5: Mga Konseptong Pangwika

2

Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. F11EP-Ie-31

3

Layunin:

• Natutukoy ang mga modernong teknolohiya bilang instrumento sa pag-unawa sa konseptong pangwika

• Nagagamit ang wika sa modelong teknolohiya tulad ng aplikasyon sa social media, ang facebook, Twitter, at Instagram

• Nakasusulat ng sariling post (hal. Hugot Lines o Pick-Up Lines) sa Facebook at iba pang aplikasyon sa modernong teknolohiya

4

Subukin

Panuto: Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nababasang pahayag sa social media post. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

5

Multiple Choice

Sa paanong paraan makabubuti ang madalas na pagpo-post ng produkto sa social media?

1

Ito ay nakatutulong upang tangkilikin ang isang produkto.

2

Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng kamalayan ang mambabasa tungkol sa magandang naidudulot sa tao ng produkto.

3

Ito ay nakaiimpluwensiya sa mambabasa.

4

Ito ay nakatutulong sa kumpanya ng produkto.

6

Multiple Choice

Ang sumusunod ay makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa pagpopost sa social media MALIBAN sa __________________.

1

Sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapatatatag ang wikang Filipino.

2

Mas mapapalawig pa ang sariling wika.

3

Mas maisusulong pa ang intelektuwalisasyon ng ating wika.

4

Mas pinatutunayan nito na walang pag-unlad ang ating wika.

7

Multiple Choice

Ano ang iyong maipapayo sa kabataang tulad mo na mahilig mag-post sa social media?

1

Patuloy nilang gamitin nang wasto ang wikang Filipino

2

Huwag nilang gamitin ang wikang Filipino

3

Gumamit sila ng ibang wika sa pagpo-post

4

Huwag na silang mag-post

8

Multiple Choice

Ano ang ibig sabihin ng salitang edited na madalas makita sa post sa social media?

1

Block

2

Binura ang post

3

Itinago ang post

4

May binago o inayos

9

Multiple Choice

Ano ang aplikasyon sa social media na maraming gumagamit nito?

1

Facebook

2

Instagram

3

Twitter

4

Tinder

10

Multiple Choice

Saan madalas makikita ang iba’t ibang kuwento o istorya ng buhay?

1

Instagram

2

Facebook

3

Messenger

4

Twitter

11

Multiple Choice

Ano ang pangunahing tuon ng social media lalo’t higit sa mga taong gumagamit nito?

1

Malaman ang mga nagyayari sa lipunang ginagalawan

2

Makiuso dahil laganap ang mga wika sa iba’t ibang aspekto

3

Malinang ang kaalaman sa mga sitwasyon ng mundo

4

Makita ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino

12

Multiple Choice

Paano umiinog ang wika batay sa social media na pananaw?

1

Sa paraan ng wastong paggamit nito

2

Sa paraan ng pagmamalaki

3

Sa paraan ng pagpapahalaga nito

4

Sa paraan ng paglinang nito

13

Multiple Choice

Gaano kahalaga ang social media sa pagkilala sa mensahe o kahulugan?

1

Sa hindi wastong paraan ng paggamit nito

2

Sa pagkilatis ng iba’t ibang sangay nito

3

Sa pagtuklas ng mga bagay

4

Sa kawalan ng ibang interes sa wika

14

Multiple Choice

Paano nakaaapekto ang social media sa paggamit ng wikang Filipino?

1

Sa paggamit ng mga hiram na wika

2

Sa pagtalikod sa wikang Filipino

3

Sa paglinang ng mga nakasanayang wika

4

Sa pagpapahalaga sa wikang Filipino

15

Open Ended

Question image

Bilang pagpapatunay sa ganap na pagkakaunawa sa aralin tungkol sa mga konseptong pangwika gamit ang iba’t ibang social media, ipaliwanag ang mga sangay nito sa mga sitwasyong nagaganap sa iyong buhay.

16

Balikan

Panuto: Basahin ang mga tanong. Sagutin ito sa iyong sagutang papel:

17

Open Ended

Ano ang malinaw na pagkakaiba ng wika at diyalekto?

18

Open Ended

Bakit mahalagang ituring na magkakapantay ang mga wika sa Pilipinas? Sa buong daigdig?

19

Open Ended

Paano tinitingnan ang wika sa larangan ng lingguwistika?

20

Open Ended

Kailan masasabing may nabubuong panibagong wika mula sa dating iisang wika?

21

Tuklasin

22

Konseptong Pangwika

Ang unang wika ay ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na magamit at maunawaan ng isang indibiduwal. Sinasabi ring wikang taal ang unang wika sapagkat ito’y umusbong sa isipan ng bawat indibiduwal mula sa loob ng isang tahanan at komunidad. Ito rin ay sinasabing likas, ang wikang nakagisnan, natutunan at ginagamit ng pamilyang nabibilang sa isang lingguwistikong komunidad. Ang grupo ng mga mamamayan na naninirahan sa iisang lugar na gumagamit ng iisang wika, na hindi lamang sinasalita bagkus mayroong pagkakaunawaan, ugnayan at interaksiyon sa bawat isa.

23

Ang unang wika ay tinatawag ring mother tongue, katutubong wika o sinusong wika. Ang wika kung saan nakikilala ang isang indibiduwal kaya nagkaroon ng kakayahang maangkin ito sa tulong ng kinalakhang komunidad. Sa kasalukuyan ang mother tongue ay hindi lamang unang wika bagkus ay isa sa mga asignatura mula una hanggang ikatlong baitang na daluyan nang higit na pagkatuto at pagkaunawa sa ikalawang wika.

24

Ayon sa artikulo ni Lee na nailathala noong 2013, sa kanyang “The Native Speaker” narito ang mga gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.

25

1. Natutunang indibiduwal ang wika sa murang edad.

2. Ang indibiduwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan sa wika.

3. May kakayahan ang indibiduwal na makabuo ng mataas at importansiyang diskurso gamit ang wika.

4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibiduwal gamit ang wika.

5. Kinilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang lingguwistikong komunidad.

26

Ayon sa saliksik nina Aguilar, Jennifor L. et al. 2016 mula sa katha ni Krashen (1982), ang pangalawang wika ay naiiba sa unang wika, sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutunan ng isang indibiduwal sa kaniyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad. Ito ay wikang natutunan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao na may kakayahang gamitin ito. Natutunan ito ng isang indibiduwal, matapos siyang mahasa ang kakayahan sa paggamit ng unang wika. Kung gayon, ang pangalawang wika ay mga karagdagan sa mga wikang natutunan at pinag-aaralan sa mga paaralan. Kung mayroon mang pangunahing distinksiyon o kakanyahan ang pangalawang wika ito ay walang iba kundi ang pagtataglay ng katangiang maaaring matutunan (learnability) o natutunan (learned) sa mulat o malay na paraan ng pagsasalin ng prosesong komunikatibo.

27

Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan ng isang lugar ang wika. Ito ang nagsisilbing tatak at simbolismo ng pagkatao ng bawat indibiduwal na nakatira dito. Sa pamamagitan ng wika ay naipahahayag ng bawat tao ang kaniyang saloobin at opinyon. Nakalilikha tayo ng mga awit, tula, mga kuwento at pati ng mga kanta gamit ang ating wika. Ang wika ay sandata ng kahit sino mang tao sa ating lipunan.

28

Sa paglipas ng iba’t ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Filipino. Linggwistikong komunidad ang tawag sa mga wikang ito. Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipiko o tukoy na patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.

29

Nagkakasundo ang mga bahagi ng komunidad na ito sa kahulugan ng wika at sa interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito. Sa Pilpinas, matatagpuan ang maraming lingguwistikong komunidad. Halimbaw nito ay ang Tagalog ng mga taga-Batangas. Kasama rin sa pag-aaral ng lingguwistikong komunidad ay ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng wikang ginagamit dahil sa mass media, paaralan, at ang makabagong teknolohiya.

30

Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibiduwal na nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kaniya-kaniyang diyalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan.

31

Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain Province, Ilocano ng mga taga Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales. May mga ibang grupo naman na ang gamit ay ang makabago at naimbento lamang na mga salita. Mayroon ding gumagamit ng pinaghalong Ingles at Tagalog o mas kilala sa tawag na Konyo. May ilan ding kabataan na gumagamit ng Jjemon at Bekimon naman ang lengguwahe ng mga bakla.

32

Sa larangan din ng mga propesyunal, sila ay mayroon din sariling linggwistikong komunidad. Ang mga doktor, abogado, inhinyeryo at iba pa ay gumagamit ng partikular na salita ayon sa grupo ng propesyon na kanilang kinabibilangan. Bawat indibiduwal ay may natatanging uri ng wika na kung saan ay sila-sila rin lang ang nagkakaintindihan. Naiiba rin ang uri ng lingguwistikong komunidad ang gamit ng mga tao na nasa mataas na antas ng ating sosyodad.

33

Suriin

Panuto: Gumawa ng sariling post sa social media ayon sa mga hinihinging katanungan at mga sitwasyon.

34

Open Ended

Question image

Bakit mahalaga ang paggamit ng unang wika?

35

Open Ended

Question image

Bakit mahalagang matutunan ang ikalawang wika?

36

Open Ended

Question image

Lumikha ng tula na naghahambing sa una at ikalawang bilang ng konseptong pangwika.

37

Open Ended

Question image

Lumikha ng awit na naghahambing sa una at ikalawang wika sa konseptong pangwika.

38

Video Response

Question image

Lumikha ng sayaw na naghahambing sa una at ikalawang wika sa konseptong pangwika.

video
Open Video Recorder

39

Pagyamanin

Pag-unawa sa Konseptong Pangwika

Panuto: Gawin ang sumusunod ayon sa pahayag ng social media. Pumili lamang ng tatlo.

40

Open Ended

Question image

Mag-tweet upang ibigay ang inyong perspektibo, opinyon, at saloobin ukol sa ginawang pagpapasara ng pamahalaan sa mga establisyimento na nakasisira sa Manila Bay.

41

Open Ended

Question image

Mag-post sa inyong wall ng istatus ukol sa nalalapit na pambansang halalan.

42

Open Ended

Question image

Mag-post ng larawan sa Instagram ng kalagayan ng Manila Bay noon at ngayon. Lagyan ng kapsiyon ang larawan.

43

Open Ended

Question image

Magsagawa ng isang BLOG ukol sa paksang “Kultura at Mga Tradisyon sa Pilipinas”.

44

Open Ended

Question image

Lumikha ng isang larawan ng iyong pinapangarap gamit ang simbolismo ng iyong buhay.

45

Open Ended

Panuto: Gamit ang unang wika sa konseptong pangwika, sumulat ng sariling post sa Facebook at Instagram ukol sa mga sumusunod na paksa: Pumili lamang ng tatlo.6. Lumikha ng sariling “Hugot Lines” ukol sa paksang “Kabataan sa Makabagong Panahon”.

7. Lumikha ng sariling “Spoken Poetry” ukol sa paksang “Pag-ibig”.

8. Sumulat ng sariling “Pick Up Lines” kaugnay sa paksang “Edukasyon”.

9. Sumulat ng “Hugot Lines” kaugnay sa paksang “Pamilya”.

10. Sumulat ng sariling “Spoken Poetry “ukol sa paksang “Kabataan para sa Bayan”.

46

Isaisip

Pumili ng tatlo sa sumusunod na kaban ng kaalaman at ipaliwanag ang isinasaad nitong kabuluhan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

47

Open Ended

Ang wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.

48

Open Ended

Wikang pambansa naman ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayan.

49

Open Ended

Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.

50

Open Ended

Tinatawag naman na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya.

51

Open Ended

Ang lingguwistikong komunidad ay may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika. Isinasaalang-alang din ang tungkol sa idyolek, sosyolek, at dayalek ng pangkat ng tao sa isang komunidad.

52

Open Ended

Ang unang wika ay natututunan ng isang tao mula noong kaniyang kapanganakan. Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolingguwistika ang unang wika ng isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika.

53

Open Ended

Ang pangalawang wika ay iba pang pinag-aaralan o natutunan maliban pa sa unang wika.

54

Open Ended

Wika ang daluyan ng kaisipan, ideya, mensahe, at higit sa lahat ng damdamin o emosyon.

55

Open Ended

Ang wika rin ang nagsisilbing salamin upang malaman ang pagkakakilanlan ng isang tao o lahi.

56

Open Ended

Isang wika ang namamagitan sa kanila, anumang edad o lugar ang pinagmulan at wikang pambansa.

57

Draw

Isagawa

Panuto: Lagyan ng tsek ang loob ng talahanayan kung ang pahayag ay tumutugon sa mga konseptong pangwika na gamit sa lipunan.

Pamantayan sa pagmamarka:

4- Lubos na sumasang-ayon

3- Sumasang-ayon

2- Hindi gaanong sumasang-ayon

1- Hindi sumasang-ayon

58

Tayahin

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

59

Multiple Choice

Ang unang wika ay wikang katutubong natamo sa __________________.

1

Pag-aaral sa paaralan

2

Pakikisalamuha sa kapuwa

3

Pakikipag-ugnayan sa social media

4

Pagkasilang hanggang sa maunawaan ito

60

Multiple Choice

Ang pangalawang wika ay natatamo sa sumusunod na dahilan maliban sa ______________________.

1

Natutunan sa paaralan

2

Kakayahang gamit nito

3

Natutuhan sa magulang

4

Natutuhan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa

61

Multiple Choice

Ang mother tongue o sinusong wika ay isang asignatura sa ________________.

1

Baitang 1-3

2

Baitang 1-4

3

Baitang 1-2

4

Baitang 4-5

62

Multiple Choice

Masasabing mahalaga ang pagkatuto sa unang wika _________________.

1

Upang maging daluyan ng higit na pagkatuto at pagkaunawa sa ikalawang wika

2

Upang may maipagmalaki sa kaniyang kapuwa

3

Upang mabuo ang kanyang kumpiyansa sa sarili

4

Upang maging instrumento sa mahusay na pakikipag-ugnayan

63

Multiple Choice

Lumaganap ang paggamit ng unang wika sa social media dahil ____________.

1

Maraming Pilipino ang mahilig mag-post

2

Maraming Pilipino ang gumagamit ng sariling wika sa social media

3

Maraming Pilipino ang hindi gumagamit ng ikalawang wika

4

Naipapahayag ang damdamin dito.

64

Multiple Choice

Ang wikang Filipino ay katutubong wika na pinayaman ng mga sangkap lingguwistiko mula sa mga ____________________.

1

Wikang katutubo

2

Banyagang wika

3

Unang wika

4

Pangalawang wika

65

Multiple Choice

Ang wika ay kasangkapan ng _______________________.

1

mekanikal

2

pakikipagtalastasan

3

ugali ng tao

4

isip at damdamin

66

Multiple Choice

Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang dako ng daigdig, napatunayan na nating hindi sapat ang kahusayan sa _______________________.

1

Wikang katutubo

2

Wikang dayuhan

3

Wikang nakasanayan

4

Wikang nilimitahan

67

Multiple Choice

Tunay na masaklaw at malalim ang tungkulin ng wikang Filipino sa _____________.

1

pakikipagtalastasan

2

pakikipagbuklod

3

pagbuo ng bansa

4

pagkalas sa alipin

68

Multiple Choice

Ang agham at teknolohiya ng isang bayan ay bahagi ng ______________________.

1

tungkulin ng wika

2

gamit ng wika

3

kultura ng bayan

4

kultura ng dayuhan

69

Open Ended

Question image

Ipaliwanag ang kahulugan ng mga konseptong pangwika: wika, wikang pambansa, unang wika, pangalawang wika, at social media sa tulong ng mga sitwasyong naranasan o maaaring maranasan. Isulat sa sagutang papel.

70

Karagdagang Gawain

Panuto: Ilahad nang komprehensibo ang kahulugan ng mga konseptong pangwika na: lingguwistikong komunidad, unang wika, at pangalawang wika. Buuin sa pangungusap ang magkakaugnay na mga salitang ibinigay na kahulugan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

71

Open Ended

Question image

Panuto: Ilahad nang komprehensibo ang kahulugan ng mga konseptong pangwika na: lingguwistikong komunidad, unang wika, at pangalawang wika. Buuin sa pangungusap ang magkakaugnay na mga salitang ibinigay na kahulugan.

72

Open Ended

Question image

Panuto: Ilahad nang komprehensibo ang kahulugan ng mga konseptong pangwika na: lingguwistikong komunidad, unang wika, at pangalawang wika. Buuin sa pangungusap ang magkakaugnay na mga salitang ibinigay na kahulugan.

73

Open Ended

Question image

Panuto: Ilahad nang komprehensibo ang kahulugan ng mga konseptong pangwika na: lingguwistikong komunidad, unang wika, at pangalawang wika. Buuin sa pangungusap ang magkakaugnay na mga salitang ibinigay na kahulugan.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 5: Mga Konseptong Pangwika

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 73

SLIDE