

🌟GRADE-3-ARAL-PAN-LESSON-3
Presentation
•
Social Studies
•
1st - 5th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Jayson F.
Used 1+ times
FREE Resource
34 Slides • 33 Questions
1
Ang Rehiyon ng Ilocos at ang mga lalawigan nito
LESSON 3
2
Region 1-Ilocos Region
1. Ilocos Norte,
2. Ilocos Sur,
3. La Union
4. Pangasinan
3
Ang rehiyon na ito ay unang pinaninirahan ng mga Negritos. Unti-unti silang nawala sa lugar na ito noong nagsimula ng dumating ang mga Austranisyano. Ang rehiyon na ito ay binubuo ng apat (4) na lalawigan: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
4
Kilala sa tawag na “Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag”. Itinayo ito noong 1600 ng mga paring Augustinians.
Manaoag Church
Kilala sa tawag na “Saint Augustine Church” na itinayo noong 1710. Bantog ang simbahang ito dahil sa husay ng pagkagawa nito. Idineklara itong “National Cultural Treasure” ng pamahalaan noong 1973.
Paoay Church
Ang mga Makasaysayang Lugar sa Ilocos
5
Kilala din ito sa tawag na “Burgos Lighthouse”. Dinisenyo ito ni Magin Pers y Perswho, isang arkitektong Espanyol. Ginamit ang parola na ito upang magbigay liwanag sa mga galeon na dumadaan sa lugar.
Cape Bojeador Lighthous
isa ito sa mga kalye na matatagpuan sa Vigan City, isang lungsod na nasailalim ng pangangalaga ng UNESCO. Isa ito sa mga natitirang kumunidad ng mga Espanyol sa Pilipinas na nanatiling matatag hanggang sa kasalukuyan.
Calle Crisólog
Ang mga Makasaysayang Lugar sa Ilocos
6
Ito ay isang protektadong lugar dahil sa papel na ginampanan nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa lugar na ito tinalo ng mga sundalong Pilipino ang mga sundalong Hapon noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Bessang Pass Natural Monument
Ito ay museo ng dating pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos. Ito ang naging tirahan ng pamilyang Marcos noong nanunungkulan pa ang dating presidente.
Malacañang of the North
Ang mga Makasaysayang Lugar sa Ilocos
7
Multiple Choice
Saan matatagpuan ang Calle Crisólogo, isang lugar na pinangangalagaan ng UNESCO?
Paoay
Vigan City
Manaoag
8
Multiple Choice
Anong simbahan ang itinayo noong 1600 ng mga paring Augustinians?
Paoay Church
Manaoag Church
Cape Bojeador Lighthouse
9
Multiple Choice
Anong simbahan ang itinayo noong 1600 ng mga paring Augustinians?
Tirahan ng pamilyang Marcos
Protektadong lugar sa kasaysayan
Pagbibigay liwanag sa mga galeon
10
Multiple Choice
Saan itinayo ang Malacañang of the North, ang tirahan ng pamilyang Marcos noong nanunungkulan pa si Ferdinand Marcos?
Ilocos Sur
Ilocos Norte
La Union
11
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang isang protektadong lugar dahil sa papel nito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Calle Crisólogo
Bessang Pass Natural Monument
Paoay Church
12
Open Ended
Bakit mahalaga ang mga makasaysayang lugar sa Ilocos Region tulad ng Paoay Church at Calle Crisólogo sa ating kultura at kasaysayan?
13
Noong dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi sa kapuluan ng Visayas ay hindi naging madali ang kanilang pakikipagsundo sa mga Pilipino. Hindi kalaunan ay naging matiwasay ang kanilang pagsasama hanggang sa napag-alaman nila ang tungkol sa mayamang lungsod ng Maynila. Nagpadala si Miguel Lopez de Legazpi ng mga tauhan dito. Isa sa mga ipinadala ni Miguel Lopez de Legaspi ay si Juan de Salcedo. Tinahak ni Salcedo ang hilagang bahagi ng Luzon at narating niya ang Ilocos. Isa ang Ilocos sa mga pinakaunang rehiyon na nabuo noong panahon ng mga Espanyol. Itinayo ni Salcedo ang Ciudad Fernandia o mas kilala sa tawag na Vigan.
14
Naging maunlad din ang produksyon ng mga pangunahing produkto ng Ilocos kagaya ng tabako na nagbigay ng malaking kita sa pamahalaang kolonyal. Katulad ng maraming lugar ng Pilipinas na napasa-ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol, nakaranas din ito ng maraming pagmamalabis. Ito ang naging dahilan ng maraming madugong labanan. Ilan sa mga kilalang pag-aaklas na naganap sa Ilocos:
15
Pag-aalsang Basi
Ang mga Ilocano ay mayroong hilig sa pag-inum ng mga inuming nakakalasing at isa na dito ang Basi. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay pinagbabawalan silang uminum nito at ito ay ikinagalit ng mga Ilocano. Kaya sila nag-alsa laban sa pamahalaang Espanyol.
16
Pag-aalsa ni Andres Malong
Si Andres Malong ay taga- Pangasinan, isa sa mga lalawigan ng Ilocos Region. Noong nalaman ni Malong ang pag-aalsa na naganap sa Pampanga ay nabuhayan sila ng loob upang labanan ang mga Espanyol. Hindi naging matagumpay pag-aalsa na ito dahil sa nahuli si Malong at siya ay nahatulan ng kamatayan.
17
Pag-aalsa ni Juan dela Cruz
Mas kilala sa tawag na “Palaris”. Nagsimula ito noong natalo ng mga Briton ang mga Espanyol sa Manila. Dahil dito maraming mga Pilipino ang nagkaroon ng lakas ng loob upang harapin ang mga Espanyol.
18
Ang Ilocos ay pinagmulan ng maraming magigiting na mga personalidad na nagpakita ng kanilang kagitingan noong panahon na sinusubok ang katatagan ng mga Pilipino.
19
José Burgos
Isa sa mga paring martir na nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa kanilang kilusang sekularisasyon.
20
Ferdinand Marcos
Ika-sampung presidente ng Pilipinas. Siya rin ang tanging pangulo ng Pilipinas na naninilbihan sa loob ng 20 taon. Sapilitan siyang pinaalis sa pwesto ng Edsa Rebolusyon.
21
Elpidio Quirino
Siya ay ang pang-anim na pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ng kanyang pamamahala ay ipinagwalang bisa niya ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na lubos na nagpapahirap sa mga Pilipino.
22
Diego Silang
nag-alsa si Silang noong panahong nagbigay ng suporta ang mga Briton. Hindi din naging matagumpay ang pag-aalsang ito dahil na din sa hindi itinuloy ng mga Briton ang kanilang tulong na ipinangako.
23
Juan Luna
Tanyag na pintor si Juan Luna. Isa din siya sa mga kasapi ng Kilusang Propaganda. Ipinakita niya ang kanyang pagtutol sa sistema na ginamit ng mga Kastila sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga pinta.
24
Antonio Luna
Isang batikang Heneral noong panahon ng Digmaang Pilipino- Espanyol at Pilipino-Amerikano. Siya ay namatay dahil sa makasariling desisyon ng kanyang mga kasamahang Pilipino.
25
Fill in the Blanks
26
Fill in the Blanks
27
Fill in the Blanks
28
Fill in the Blanks
29
Fill in the Blanks
30
Fill in the Blanks
31
Fill in the Blanks
32
Fill in the Blanks
33
Open Ended
Bakit mahalaga na malaman at pag-aralan ang kasaysayan ng mga kilalang personalidad at mga pag-aalsa sa Ilocos Region?
34
Ang Mga Pangunahing Gawain at Hanapbuhay ng Ilocos
Masagana ang lupain ng Ilocos. Iba’t ibang uri ng gawain kagaya ng pagsasaka, pangingisda at iba’t ibang uri ng industriya ay makikita sa Ilocos.
35
Bangui Wind Farm
Isa ito sa pinagkukunan ng enerhiya ng mga mamamayan ng Ilocos Norte. Ligtas at hindi ito nakakasama sa paligid sapagkat natural ang pinagkukunan ng enerhiya na ito.
36
San Fernando Airport
Isa sa mga imprastruktura na humikayat sa mga dayuhan na mamasyal sa Ilocos dahil sa mas mapapadali nito ang paglalakbay mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
37
Fariñas Transit Company
pangunahing layunin ng Transit Company na ito ay para mas mapadali at ligtas ang mga paglalakbay ng mga turista sa Ilocos.
38
Naging tanyag din ang rehiyon ng Ilocos dahil sa kanilang malakas na ekonomiya sa pag-aalaga ng mga hayop, isda kagaya ng bangus at marami pang iba. Dahil sa mayaman sila sa yamang dagat malakas din ang kanilang produksyong bagoong at patis. Malakas din ang kanilang ekonomiya sa agrikultura, lalo na sa produksyon sa tabako, tubo, mais, at palay. Patok sa Ilocos ang produksyon ng basi, isang inumin na nakakalasing na gawa sa tubo
39
Mga Pangkat-Etnolinggwistiko sa Ilocos at mga Kultura Nito
Ang rehiyon ng Ilocos ay tahanan ng mga Ilocano at mga Pangasinense. Pangunahing wika na ginagamit ng rehiyon na ito ay ang Ilocano, Pangasinense, at Tagalog. Mayaman ang kultura ng mga taga-Ilocos, maipapakita ito sa pamamagitan ng kanilang mga piyesta na naging paraan nila sa pagbibigay pasalamat sa Maylikha. Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa pagdiriwang na kanilang ginagawa.
40
Pinakbet Festival
Ito ay isang pagdiriwang na kung saan ibinibida ng mga Ilocano ang kanilang paboritong pagkain na Pinakbet. Sa pagdiriwang na ito ay mayroong sayawan at paligsahan ng pagluluto ng pinakbet.
41
Dinengdeng Festival
Kagaya ng Pinakbet Festival, ito ay isang pagdiriwang na ibinibida nila ang kanilang sikat na pagkain na Dinengdeng. Ang pagdiriwang na ito ay isinasagawa ng mga taga La Union.
42
Corn Festival
Ipinagdiriwang ng mga taga Sto. Tomas, Pangasinan. Ipinagdiriwang ito bilang pagpapasalamat sa magandang ani ng mga taga Pangasinan.
43
Fill in the Blanks
44
Multiple Choice
Ano ang pangunahing layunin ng Fariñas Transit Company?
Magbigay ng pagkain
Mag-alok ng trabaho
Mapadali at ligtas ang paglalakbay ng mga turista
45
Multiple Choice
Ano ang dahilan kung bakit tinawag na Corn Festival ang isang pagdiriwang sa Sto. Tomas, Pangasinan?
Para sa masarap na pagkain
Bilang pasasalamat sa magandang ani ng mais
Para sa masayang pagsasayaw
46
Fill in the Blanks
47
Fill in the Blanks
48
Multiple Choice
Ano ang ipinagdiriwang ng mga taga-La Union sa kanilang Dinengdeng Festival?
Pagdiriwang ng bagong taon
Pagdiriwang ng kanilang sikat na pagkain na Dinengdeng
Pagdiriwang ng kanilang mga bayani
49
Multiple Choice
Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Ilocos?
Paggawa ng sapatos
Pagmimina
Pagsasaka, pangingisda, at industriya
50
Fill in the Blanks
51
Fill in the Blanks
52
Fill in the Blanks
53
Open Ended
Paano nakakatulong ang mga pagdiriwang tulad ng Pinakbet Festival at Dinengdeng Festival sa pagpapakilala at pagpapalago ng kultura ng Ilocos? Ibigay ang iyong paliwanag.
54
Ang Magagandang Tanawin sa Ilocos
Ang Pilipinas ay sagana sa mga magagandang tanawin na dinadayo ng mga turista. Ang Ilocos ay hindi pahuhuli dito. Ang mga larawan na nasa ibaba ay iilan lamang sa lugar na dapat bisitahin kung sakaling ikaw ay mapapadpad sa magandang rehiyon ng Ilocos.
55
Batac Riverside Empanadahan
Matatagpuan ito sa Batac, Ilocos Norte. Patok ito sa mga turista na namamasyal sa lugar na nagugutom. Nagtitinda sila ng maraming pagkain. Dalawa sa mga hindi dapat palagpasin na mga resipe ay ang kanilang empanada at miki.
56
Suba Sand Dunes
Matatagpuan ito sa Brgy. Suba, Paoay, Ilocos Norte. Tanyag ang lugar na ito dahil sa naging lugar ito ng maraming shooting sa mga pelikula. Isa na dito ang pelikula ni Fernando Poe Jr. na ang “Panday”, ang pelikula ni Nora Aunor na “Himala”, ang at bagong pelikula na Bagani na pinagbibidahan ni Enrique Gil at
Liza Soberano.
57
Baluarte Resort and Mini Zoo
Ito ay matatagpuan sa Vigan. Tinagurian itong “Home of the Big Cats in Vigan” dahil dito makakakita ka ng malalaking uri ng pusa na tulad ng tigre, leon, at mga leopard.
58
La Union sunset
Isa sa mga magagandang pasyalan lalo na sa mga may hilig magtampisaw sa tubig dagat.
59
Hundred Islands
Ito ay matatagpuan sa Lingayen Gulf Pangasinan. Ang “Hundred Islands” ay binubuo ng daan-daang maliliit na mga isla. Ilan sa mga maliliit na isla na madalas binibisita ng mga turista ay ang Quezon Island at Marcos Island.
60
Patar Beach
Ito ay kinikilalang “The Boracay of Pangasinan” dahil sa magandang white sand beach at ang nakapakalinaw tubig dagat nito.
61
Fill in the Blanks
62
Fill in the Blanks
63
Fill in the Blanks
64
Fill in the Blanks
65
Multiple Choice
Ano ang isa sa mga pangunahing atraksiyon ng Baluarte Resort and Mini Zoo sa Vigan?
Mga magagandang tanawin ng dagat
Mga isla na pwedeng libutin
Malalaking uri ng pusa tulad ng tigre, leon, at leopard
66
Multiple Choice
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit dinadayo ng mga turista ang Patar Beach sa Pangasinan?
Dahil sa masarap na empanada
Dahil sa magagandang isla
Dahil sa white sand at malinaw na tubig-dagat
67
Open Ended
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na magpunta sa isang lugar sa Ilocos, alin sa mga magagandang tanawin ang pipiliin mong bisitahin at bakit?
Ang Rehiyon ng Ilocos at ang mga lalawigan nito
LESSON 3
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 67
SLIDE
Similar Resources on Wayground
52 questions
AP5Q4-W2-D1
Presentation
•
1st - 5th Grade
74 questions
SESSION 2 : PAMBIHIRANG SOMBRERO
Presentation
•
1st - 5th Grade
68 questions
Paano Kumain ng Kulay?
Presentation
•
1st - 5th Grade
62 questions
Pagbabalik- Aral sa AP- (1st)
Presentation
•
3rd Grade
67 questions
INTERVENTION IN FILIPINO
Presentation
•
4th Grade
55 questions
TNT PNK EDITION
Presentation
•
1st - 6th Grade
65 questions
AP3 Q2 WEEK 5
Presentation
•
3rd Grade
56 questions
EsP Week 1 & Week 2
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Identify Fractions, Mixed Numbers & Improper Fractions
Quiz
•
3rd - 4th Grade
Discover more resources for Social Studies
10 questions
Memorial Day
Quiz
•
2nd - 5th Grade
25 questions
4th Grade Social Studies MP4 - World War II and Aftermath
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Virginia: The Mother of Presidents
Quiz
•
4th Grade
11 questions
Memorial Day
Quiz
•
4th Grade
17 questions
SS review mp4
Quiz
•
4th Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
20 questions
VA Studies SOL Review: Who Am I?
Quiz
•
4th Grade
10 questions
VS. 10a-b Review
Quiz
•
5th Grade