Search Header Logo
Week 8-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Week 8-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

33 Slides • 55 Questions

1

Filipino sa Piling Larang

Teknikal Bokasyunal

Ikalawang Markahan Ik a walong Linggo: Mga Etikang Kinakailangan sa Pagsulat ng Teknikal Bokasyunal

2

Alamin

Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal- Mga Etikang kinakailangan sa Pagsulat ng Teknikal- Bokasyunal (CS_FTV11/12PU-0m-O-99)

3

1. Nakikilala ang kaligiran ng etika;

2. Nalalaman ang mga etika na dapat sundin sa pagsulat ng teknikal bokasyunal;

3. Nakapagsasagawa ng isang pagsusuri hinggil sa nilalaman ng mga etikang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal- bokasyunal;

4. Nabibigyan ng sariling kahulugan ang mga etika sa pagsulat ng teknikal- bokasyunal; at

5. Nakakapagbigay ng sariling opinyon o pagninilay tungkol sa mga etikang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal bokasyunal

4

Subukin

Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

5

Multiple Choice

Anong wika ang pinagmulan ng salitang etika?

1

Italyano

2

Romano

3

Latin

4

Griyego

6

Multiple Choice

Anong konsepto ang tumutukoy sa etika?

1

tama o mali

2

paghusga

3

moralidad

4

sulatin

7

Multiple Choice

Sa anong bagay dapat nakatuon ang isang sulating teknikal bokasyunal?

1

pag-aliw sa mambabasa

2

malikhain

3

perspektibo

4

pag-uugali

8

Multiple Choice

Alin sa mga pahayag ang hindi kabilang sa mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin?

1

Magiging maganda ba agad ang resulta nito sa mambabasa.

2

Kung ito ba ay hindi makakapagbigay ng pisikal na pananakit.

3

Kung ito ba ay hindi makakapagbigay ng suliraning mental sa tao.

4

Ito ba ay makakapagbigay ng hindi magandang dahilan sa mga mambabasa.

9

Multiple Choice

Ano ang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin ayon kay Raymond Greenlaw?

1

tiyak na kaalaman

2

aliwin ang mambabasa

3

pag-uugali

4

pagkopya sa gawa ng iba

10

Multiple Choice

Mali ang nabanggit na datos ni Juan ng kaniyang ipinakita ang ulat sa harap ng mga kasamahan sa trabaho. Anong etika ang hindi dapat ginawa ni Juan?

1

pagpapakita ng maling impormasyon

2

pagmamanipula sa datos

3

pagiging stereotype

4

pagiging bias

11

Multiple Choice

Saan sumasailalim ang legalidad sa maayos na etika sa pagsulat ng teknikal bokasyunal ayon kay De Veaux?

1

hindi paglabas ng mahalagang impormasyon

2

pagsunod sa batas at propesyon

3

magandang integridad

4

pagiging Patas

12

Multiple Choice

Sa anong uri ng sulatin maihahalintulad ang teknikal bokasyunal?

1

akademik

2

thesis at disertasyon

3

ebalwasyon

4

malikhaing pagsulat

13

Multiple Choice

Ano ang maaaring kahantungan ng hindi paggamit ng etika sa sulatin?

1

aksidente

2

tiyak na kaalaman

3

alanganin na sitwasyon

4

magandang konklusyon

14

Multiple Choice

Anong anyo ng plagiyarismo ang nagreresulta sa pagpapalit ng pangalan sa gawa ng iba?

1

tahasang pag-angkin sa gawa ng iba

2

pagkopya sa ilang bahagi ng iba

3

paggaya ng pamagat ng iba

4

pagbago sa pangungusap

15

Multiple Choice

Anong etika sa pananaliksik ang pagkuha ng mga maling impormasyon na hindi tugma sa iyong ideya?

1

pagpapakita ng impormasyon

2

pagpapakita ng biswal na impormasyon

3

limitadong mga pinagkunan ng impormasyon

4

huwag magsaliksik na hindi makakapagbigay ng suporta sa mga ideya

16

Multiple Choice

Kinopya ni Pedro ang tagline na isinulat ni Juan para sa kaniyang produkto upang ito ay makilala ng mga tao. Anong anyo ng plagiarism ang ginawa ni Pedro?

1

tahasang pag-angking sa gawa ng iba

2

pagkopya sa ilang bahagi ng iba

3

paggaya ng pamagat ng iba

4

pagbago sa pangungusap

17

Multiple Choice

Anong etika ang nilalabag kapag inilabas ang mga mahahalagang impormasyon sa isang teknikal bokasyunal na sulatin na walang pahintulot mula sa may-ari?

1

kumpidensyal

2

pagiging propesyonal

3

katapatan

4

pagiging totoo

18

Multiple Choice

Sa pagsusulat ng teknikal bokasyunal na sulatin, ano ang tawag sa mga bagay na iminumungkahing tanggalin sa sulatin?

1

pisikal na pananakit

2

suliranin sa mental sa tao

3

inaasahan ng mambabasa

4

hindi magandang komento/kongklusyon

19

Multiple Choice

Ano ang tawag sa mga maling gabay na makikita sa manwal ng kagamitan sa bahay ayon sa etika sa pagsulat ng teknikal bokasyunal?

1

stereotype

2

pagiging bias

3

pagmamanipula sa datos

4

pagbibigay ng maling impormasyon

20

Balikan

Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

21

Fill in the Blanks

22

Fill in the Blanks

23

Fill in the Blanks

24

Fill in the Blanks

25

Fill in the Blanks

26

Open Ended

Question image

Tuklasin

1. Mula sa salitang nakalimbag sa kahon, ano-anong mga etika ang ating makikita rito? Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

2. Alin sa mga etikang nakita mo ang iyong nagawa na at bakit?

27

Suriin

Kaligiran ng Sulating Teknikal-Bokasyunal: Mga Etikang Kinakailangan sa Pagsulat ng Teknikal- Bokasyonal

ni David Michael M. Danganan

28

Ang etika o ethos ay mula sa wikang Griyego ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad, konsepto ng tama o mali, at mabuti at masama. Ito rin ang isa sa pamantayan kung paano ka huhusgahan ng mga tao. Napakahalagang bagay ito na dapat isaalang-alang ng isang kumpanya sa pagkuha ng mga taong nangangaailangan ng trabaho. Sa isang banda, dapat nakikita rin ang etika maging sa mga empleyado kung paano ito nakikitungo sa mga kostumer o gumaganap sa kanyang tungkulin. Sa anyong pagsulat, paano nga ba mai-aaplay ang mga etikang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin?

29

Ayon kay Raymond Greenlaw mula sa aklat niyang Technical Writing, Presentational Skills, and Online Communication (2012) isinasaad niya na ang teknikal at bokasyunal na pagsulat ay higit na nakatuon sa perspektibo at hindi sa pagiging malikhain sa pagsulat. Hindi usapin dito kung paano aaliwin ang mambabasa bagkus ito ay usapin kung paano tayo makakapagbigay ng mga impormasyon sa mga mambabasa sa malinis at malinaw na paraan.

30

Ang etika sa pagsulat ng teknikal- bokasyunal na sulatin ay nangangailangan din ng sariling ideya kung paano mo mahihimok ang mga tao na walang maling paggamit ng mga salita at pagkopya ng gawa ng iba. Ito ay ginagamit dahil marami sa mga tao sa ngayon ang nagiging mapanuri kung ano ang kanilang binabasa. Ito rin ay bumubuo ng isang sosyal na interaksyon kung saan ang bawat salitang nakalimbag ay nagreresulta ng tiyak na mensaheng inihahatid sa mambabasa. Ang mga mambabasa nito ay nagkakaroon ng sarili nilang partisipasyon na tinatawag na teknikal na komunikasyon ng iba.

31

Kahit sa alinmang gawain ay may etikang dapat sundin upang magawa ito nang maayos at mabuti.

32

Mga etikang dapat makita sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin

• Una, huwag magbigay ng maling impormasyon sa mambabasa tungkol sa paksang isinulat dahil may mga ilang mambabasa ang mabilis maniwala at sumusunod sa kung ano ang nababasa tulad ng gabay sa pagpapaandar ng isang kagamitan pambahay.

33

• Pangalawa, huwag manipulahin ang kakalabasan ng mga datos tungkol sa isinulat dahil ito ay magkakaroon ng pagiging bias.

• Pangatlo ay ang huwag maging stereotype dahil maaaring humantong sa diskriminasyon ang isang paksa na isinulat.

34

Napakahalaga din ng etika sa lahat ng bagay kasama na dito ang komunikasyon dahil ang pagsulat ng teknikal-bokasyunal ay isa ring uri ng komunikasyon na nakikipag-usap sa mambabasa. Ang isang teknikal-bokasyunal na sulatin ay dapat maipaliwanag nang maayos kung ano nga ba ang halaga nito. Ngunit ang hindi paggamit ng etika sa isang sulatin ay naglalagay sa mambabasa sa alanganin na sitwasyon kung saan sa huli ay maaaring hindi makapagbigay ng magandang kongklusyon.

35

Naririto ang mga katanungan na dapat isaalang-alang bago magsimula sa pagsulat ng isang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa www.abelard.com.au

1. Ito ba ay hindi makakapagbigay ng pisikal na pananakit?

✓ Tinatalakay sa bahaging ito ang hindi paglalagay ng maayos na panuntunan sa paggamit ng isang bagay katulad ng mga gamit na maaaring makasakit sa tao.

36

Naririto ang mga katanungan na dapat isaalang-alang bago magsimula sa pagsulat ng isang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa www.abelard.com.au

2. Ito ba ay hindi makakapagbigay ng suliraning mental na kaisipan ng tao?

✓ Tinutukoy sa bahaging ito ang epekto sa abilidad sa pang-unawa ng mambabasa sa akda kung saan nagreresulta ng pagbaba ng kaniyang kumpiyansa sa sarili.

37

Naririto ang mga katanungan na dapat isaalang-alang bago magsimula sa pagsulat ng isang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa www.abelard.com.au

3. Ano ba ang talagang inaasahan ng mambabasa sa akda?

✓ Sa bahaging ito isinasaad na dapat malinaw na maiparating ang mga nakasaad sa akda sa mga mambabasa at kung ano nga ba ang magandang maidudulot nito sa kanila.

38

Naririto ang mga katanungan na dapat isaalang-alang bago magsimula sa pagsulat ng isang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa www.abelard.com.au

4. Ito ba ay magbibigay ng hindi magandang dahilan sa mga mambabasa?

✓ Isinasaad sa bahaging ito na hindi dapat magsulat ng mga bagay sa akda na hindi ikakagusto ng mga mambabasa dahil maaari itong humantong sa pagbibigay nila ng di magandang komento o kongklusyon sa akda.

39

Ayon naman kay DeVeaux et.al 2004 narito ang mga sumusunod na etika na dapat tandaan para sa maayos na pagsulat ng teknikal-bokasyunal.

1. Legalidad – Sa pagsulat ng isang teknikal-bokasyunal ay dapat sundin ang mga batas sa regulasyon at propesyon.

2. Katapatan – Dapat totoo at tumpak ang mga nilalaman ng isang dokumento kung saan ito ay magbibigay ng mahusay na abilidad. Isinasaad din dito na dapat humingi ng permiso bago gamitin ang gawa ng ibang tao. kinakailangang gawin..

40

Ayon naman kay DeVeaux et.al 2004 narito ang mga sumusunod na etika na dapat tandaan para sa maayos na pagsulat ng teknikal-bokasyunal.

4. Pagiging Patas – Ipinaaalam na dapat maging patas ang isang dokumento sa interes ng mga tao dahil ang konsyumer ang mahalaga sa teknikal-bokasyunal na sulatin.

5. Pagiging Propesyonal – Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat o dokumento ay lalong napabubuti sa pamamagitan ng magandang integridad at kahusayan sa bawat gawain na nakaatang sa tao at mayroong mga kurso o pagsasanay upang mas lalo pa itong mapaunlad.

41

Ang pagsasagawa ng isang sulating teknikal-bokasyunal ay sumasailalim sa malalim na pananaliksik katulad ng paggawa ng isang tesis o disertasyon. Sakop nito ng etika sa pananaliksik kaya isinasaalang-alang din dito ang isyu ng plagiarism. Ang pangongopya at pandaraya ay di-katanggap-tanggap sa pananaliksik gayundin sa sulating teknikal-bokasyunal. Maaari din itong humantong sa mga problemang legal kaya dapat itong iwasan para huwag mapasok sa gulo at gusot.

42

Naririto ang iba’t ibang anyo ng plagiyarismo ayon sa aklat na Filipino sa Piling Larang – Akademik Kagamitan ng Mag-aaral Unang Limbag 2016 ng Kagawaran ng Edukasyon na isinulat nina Corazon L. Santos Santos PhD at Gerard P. Concepcion PhD at ito ay kinakailangan din sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal.

43

✓ Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba

Ang halimbawa nito ay ang pagpapalit ng mga mag-aaral ng ilang salita ng ibang katumbas na salita mula sa artikulong kinopya sa magasin pagkatapos ito ay ipinasa sa propesor bilang isang artikulo. At ang isa pang halimbawa nito ay ang paggawa ng sariling kopya ng mag-aaral ng hiniram niyang iskrip at pinalitan niya ng kaniyang pangalan ang pangalan ng awtor.

44

Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, may mga paraan sa pagtatala. Pwede itong gawing buod, halaw, atbp. Pero kahit binago ang ayos ng pangungusap, halimbawa o kaya’y binuod nararapat pa ring kilalanin ang pinagkunan ng impormasyon.

45

✓ Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba

Ang pamagat ng anumang akda ay itinuturing na isang patent o copyright na maaaring angkinin ng nakaisip o nakagawa nito. Responsibilidad ng mananaliksik na alamin kung may gayon ng pamagat upang malayo sa plagiarism. Sa sulating teknikal-bokasyunal, ang paggaya sa tag-line ng ibang kumpanya para sa pagpapakilala ng produkto ay isa ring halimbawa nito.

46

Narito pa ang ibang mga etikang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal ayon kay Michelle De Silva et.al aklat niya na Technical Writing noong 2015

47

1. Pagpapakita ng impormasyon – Tinakalatakay dito kung paano makakaapekto ang mga ipinakitang impormasyon sa isang dokumentong isinulat ng may akda sa pang-unawa ng mga mambabasa.

Halimbawa, ang pagtatago ng mga kumpidensyal na impormasyon sa isang mahabang talata kung saan hindi lalong mauunawaan ng mga mambabasa ang akda dahil dito. Ang hindi pagpapakita ng mga tamang impormasyon sa akda ay maaaring magbigay ng malaking suliranin sa mambabasa kaya dapat ilahad ang lahat ng mga impormasyon upang malaman ng mga mambabasa kung ito ba ay makakasama sa kanila o hindi.

48

2. Huwag magsaliksik ng mga bagay na hindi makakapagbigay ng suporta sa mga ideya. Sa teknikal-bokasyunal na sulatin ay nakapakahalaga ng pananaliksik dahil ito ay makakatulong sa iyong mga ideya na naisip. Ngunit paano kung hindi ito tugma sa iyong mga hangarin?

Halimbawa nito ang mga isinasagawang feasibility study ng mga mag-aaral na kung saan ay hindi tugma ang kanilang paksa sa kanilang ideya dahil mali-mali ang mga nakuhang impormasyon. At ito ang maaaring makapagbigay ng mga salungat na datos at malaking suliranin sa huli.

49

3. Pagbibigay ng kongklusyon sa mga kaugnay na impormasyon. Inilalahad sa bahaging ito ang pagbibigay ng may akda ng kongklusyon tungkol sa mga nakuha niyang mga impormasyon na may kaugnayan sa kaniyang isinulat at dapat ay pag-isipan nang mabuti at handa sa anumang maaaring maging resulta nito.

50

4. Pagpapakita ng biswal na impormasyon. Ang pagpapakita ng biswal na impormasyon tulad ng pie chart ay kapaki-pakinabang dahil ito ay nakakapagbigay ng mga datos sa mga mambabasa. Sa pagpapakita ng biswal na impormasyon, ang manunulat ay dapat maging maingat sa pagtalakay ng buong biswal upang walang maibigay na maling impormasyon.

Halimbawa nito ang hindi paglalagay ng mga datos o estadistika sa ipinakitang biswal na ang tanging ginamit lang sa pagpapakita nito ay mga letra.

51

5. Limitadong mga pinagkunan ng impormasyon. Malinaw na nakasaad na ang pananaliksik sa pagsusulat ng isang teknikal-bokasyunal ang pinagmumulan ng mga impormasyon na ginamit sa larangang kinabibilangan. Hindi lang ito dapat nagmula sa iisang sanggunian sa halip dapat ay marami ang pinagkunan nito. Ang paggamit ng maraming sanggunian ay maaaring makatulong sa isang manunulat na maiwasan ang pagiging bias dahil siya ay umasa lang sa isang sanggunian o eksperto. Ang pagkuha ng mga impormasyon sa maraming sanggunian ay nagpapakita nang malinaw at maaayos na sulatin.

52

Open Ended

Question image

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga salita na nasa loob ng semantic web map.

53

Gawain 2: Pagsagot sa mga Tanong

Gamit ang dayagram at ang iyong malawak na kaalaman sa etika at pananaliksik, sagutin ang mga tanong na makikita sa bawat bilang.

54

Open Ended

Question image

Alin sa mga ibinigay ni De Veauz na dapat tandaan sa maayos na pagsulat ng teknikal-bokasyunal ang pinakamahalaga?

55

Open Ended

Question image

Kung ikaw ang susulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin halimbawa ay isang manwal ng kagamitan, ano ang pangunahing etika ang iyong isasaalang-alang? Ipaliwanag.

56

Open Ended

Question image

Ano ang ibig sabihin ng etika sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin?

57

Open Ended

Question image

Bakit mahalagang isaalang-alang ang etika sa pagsulat ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin?

58

Open Ended

Question image

Paano nagkakatulad ang pananaliksik sa etika ng pagsulat?

59

Open Ended

Question image

Gawain 3. Pagsusuri ng mga Halimbawa

Basahin at unawaing mabuti ang dalawang halimbawa ng menu sa pagluluto ng adobo at pagkatapos ay suriing mabuti kung alin sa dalawa ang nagpakita ng etika na kinakailangan. Sundin ang rubrik sa ibaba sa pagsusuri na isasagawa at isulat ang sagot sa isang buong papel. Maaaring balikan ang kaligiran ng paksa para maging batayan sa pagsusuri.

Hakbang sa Pagluluto ng Adobo

I.

1. Paghaluin ang mga sangkap na karne manok, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo at oyster sauce at suka sa kaldero at ibabad ito ng isang oras.

2. Sa kawali, igisa ang bawang, sibuyas at patatas

3. Kapag mapula-pula na ang sibuyas at bawang ay ilagay ang karne ng manok at igisa ito at lagyan ng oyster sauce sa loob ng 10 minuto hanggang sa ito ay maging brown.

4. Kapag brown na ang manok ay ilagay naman ang pinagbabaran nito at pakuluin ito sa katamtamang apoy sa loob ng 30 minuto hanggang sa mawala ang amoy ng suka.

5. Kapag di na amoy ang suka habang ito ay kumukulo ay pwede na itong hanguin

6. Lagyan ito ng asin at asukal upang mas lalo itong lumasa.

7. At kapag ito ay luto ay ilagay ito sa malaking lalagyan at saka ihain.

II.

1k manok na hiniwa ng ayon sa gusto mo na laki

Patatas (nasa iyo kung ilang piraso ang gusto mo at anong hiwa ang gagawin mo)

3 piraso dahon laurel

Kalahating tasa ng toyo

Kalahating tasa ng suka

5 piraso bawang na dinidktik

2 buo na sibuyas na hiniwa (itabi ang isa para sa paggisa)

¼ na tasa ng mantika.

Asin

Paminta buo at durog

1 kutsarang asukal

vetsin

1 baso tubig

1 kutsara na cornstarch (pampalapot)

Paraan ng pagluluto:

Pagsama-samahin sa isang kawali ang mga sangkap manok, toyo, suka, laurel, paminta buo, limang piraso bawang dinikdik pagkatapos ay pakuluan ito ng 30 minuto sa katamtamang apoy. Pagkatapos ay maglagay ng mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at hayaan itong maging medyo mapula at pagkatapos ay ilagay ang manok at isama na rin ang patatas para lumambot, gawin ito sa loob ng 10 minuto at pagkatapos ay ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong tubig at pakuluin ito ng 10 minuto at sa huli ay lagyan ng asukal (kung gusto mo ng manamis-namis na lasa) at cornstarch upang lumapot ang sarsa. At maaari na itong ihanda sa hapag kainan.

60

Isaisip

Piliin mula sa loob ng kahon ang mga salitang pupuno sa patlang.

61

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

62

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

63

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

64

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

65

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

66

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

67

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

68

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

69

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

70

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

71

Open Ended

Question image

Isagawa

Pumili ng isang larawan na nakalinya sa iyong larangan at sumulat ng isang user’s manual sa pagbuo o paggamit nito ngunit dapat kinakailangan isaalang-alang ang etika sa pagsulat.

72

Tayahin

Basahing mabuti ang sumusunod na tanong at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

73

Multiple Choice

Ano ang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal ayon kay Greenlaw?

1

pagiging malikhain

2

paggaya sa gawa ng iba

3

tiyak na kaalaman sa larangang napili

4

magdudulot ng suliranin mental sa tao

74

Multiple Choice

Ano ang epekto sa pang-unawa ng mambabasa na kung saan nagreresulta ng pagbaba ng kaniyang kumpiyansa sa sarili?

1

suliraning mental sa tao

2

makakapagbigay ng pisikal na pananakit

3

inaasahan ng mambabasa sa isinulat na akda

4

makakapagbigay ng hindi magandang dahilan

75

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang tumutugon sa paglalagay ng totoo at tumpak na nilalaman ng isang dokumento?

1

legalidad

2

katapatan

3

patas

4

kumpidensyal

76

Multiple Choice

Ano ang bagay na maiiwasan sa paggamit ng maraming sanggunian sa teknikal-bokasyonal na sulatin?

1

paggamit ng mga letra sa biswal na impormasyon

2

hindi makakapagbigay ng suporta sa mga ideya

3

naiiwasan ang pagiging bias

4

legalidad

77

Multiple Choice

Bakit itinuturing ang teknikal -bokasyunal na sulatin na isa ring uri ng komunikasyon? Dahil ito ay

1

malikhain

2

perspektibo

3

legal na dokumento

4

nakikipag-usap sa tao

78

Multiple Choice

Anong hakbang ang dapat gawin ng isang manunulat kapag nakakuha ng mga pinagmulang impormasyon na gagamitin sa pagsasagawa ng isang teknikal bokasyunal na sulatin?

1

pag-aralang mabuti ang mga nakuhang impormasyon

2

ipangalan sa sarili ang nakuhang impormasyon

3

dapat isang impormasyon lang ang gamitin

4

kopyahin ang buong impormasyon

79

Multiple Choice

Alin ang hindi dapat gawin sa mga datos na nakalap sa pagsasagawa ng teknikal-bokasyunal na sulatin upang maiwasan ang pagiging bias nito?

1

Mga letra lamang ang ipakita sa pie chart

2

Ipakita ang biswal na impormasyon

3

Magbigay ng konklusyon

4

Huwag manipulahin

80

Multiple Choice

Ano ang dapat isaalang-alang upang maiwasang magkaroon ng malaking suliranin sa mga mambabasa ang isang sulatin na teknikal-bokasyunal?

1

magpakita ng impormasyon

2

limitadong mga pinagkunan ng impormasyon

3

magbigay ng konklusyon sa mga kaugnay na impormasyon

4

huwag magsaliksik na hindi makakapagbigay ng suporta sa mga ideya

81

Multiple Choice

Bukod sa pakikipag-usap sa tao ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin alin pa sa sumusunod ang maaaring kalabasan nito?

1

pamantayan kung paano ka huhusgahan ng mga tao

2

bumubuo ng isang sosyal na interaksyon

3

paano mo mahihimok ang mga tao

4

nangangailangan ng sariling ideya

82

Multiple Choice

Alin sa mga pahayag ang nagsasabi na dapat isaalang-alang ang malinaw na mensahe sa mga mambabasa at kung ano ang magandang maidudulot nito sa kanila?

1

inaasahan ng mambabasa sa akda

2

kung ito ba ay hindi magdudulot ng pisikal na pananakit sa tao

3

kung ito ba ay hindi makakapagbigay ng suliraning mental sa tao

4

nakakapagbibigay ng hindi magandang dahilan sa mga mambabasa

83

Multiple Choice

Ano ang maaaring maging resulta ng tumpak na nilalaman ng dokumento ayon kay De Veux?

1

legalidad

2

mahusay na abilidad

3

katapatan

4

kumpedensiyal

84

Multiple Choice

Sa anong hanay ng etika ang nagsasabi na dapat maging patas ang isang dokumento sa interes ng mga tao dahil sila ang mahalaga sa teknikal-bokasyunal na sulatin?

1

legalidad

2

kumpidensyal

3

pagiging patas

4

pagiging propesyonal

85

Multiple Choice

Ano ang dapat gawin upang hindi makapagbigay ng pisikal na pananakit ang isang teknikal-bokasyunal na sulatin sa mambabasa?

1

nagbibigay ng suliraning mental sa tao

2

may maayos na panuntunan

3

may ebalwasyon

4

legal

86

Multiple Choice

Anong bagay ang kinakailangan upang makahimok ng mga mambabasa ang isang manunulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin?

1

sariling ideya

2

ebalwasyon

3

perspektibo

4

malikhain

87

Multiple Choice

Ano ang dapat gawin upang hindi humantong sa diskriminasyon ang isang paksa sa teknikal-bokasyunal na sulatin?

1

hindi makakapagbigay ng pisikal na pananakit

2

manipulahin ang datos

3

stereotype

4

ginaya

88

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

Tingnan ang mga larawan, tukuyin ang mga etikang kinakailangang taglayin ng bawat isa. Isulat sa isang buong papel ang sagot.

Filipino sa Piling Larang

Teknikal Bokasyunal

Ikalawang Markahan Ik a walong Linggo: Mga Etikang Kinakailangan sa Pagsulat ng Teknikal Bokasyunal

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 88

SLIDE