Search Header Logo
FILIPINO 5 2nd Quarter Reviewer 1

FILIPINO 5 2nd Quarter Reviewer 1

Assessment

Presentation

Other

1st - 5th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Apple Senillo

Used 4+ times

FREE Resource

4 Slides • 15 Questions

1

​FILIPINO 5

By Apple Senillo

2

BASAHIN NATIN

Noon ay may dalawang gamugamo --- isang munting gamugamo at isang malaking gamugamo. Kagaya ng lahat ng gamugamo, naaakit sila sa liwanag, kaya madalas silang lumalapit sa pinakamaliwanag na ilaw na kanilang makita. “Kay ganda ng apoy ng kandila,” sabi ni Munting Gamugamo. “Mag-ingat ka, Munting Gamugamo,” paalala ni Malaking Gamugamo. “Maganda ang apoy ng kandila, subalit ito rin ay mapanlinlang. Kung mapadikit ka sa apoy, baka matupok ang pakpak mo at hindi ka na makalipad.”

3

BASAHIN NATIN

“Hindi po ako natatakot,” sagot ng gamugamo. Hindi niya alintana ang babala ng malaking gamugamo. Lalo pa siyang lumapit sa apoy ng kandila upang doon maglaro. “Kay sarap ng pakiramdam kapag naglalaro ako malapit sa apoy ng kandila! Kay liwanag at kay init!” Ngunit, bigla siyang napadikit sa ningas ng kandila, at nalaglag siya sa mesa. “Sinabi ko na sa iyo, Munting Gamugamo,” malungkot na sabi ni Malaking Gamugamo. “Ngayon ay hindi ka na makalilipad muli.”

4

SAGUTIN NATIN.

5

Multiple Choice

DENOTASYON AT KONOTASYON.
Nang sabihan ni Malaking Gamugamo si Maliit na Gamugamo na mapanlinlang ang apoy ng kandila, Ano ang nais ipinahihiwatig nito?

1

Lumalamig ito habang tumatagal

2

Kaakit-akit ngunit nakakapahamak

3

naglalaho pag nilalapitan

4

nakakasilaw kaya hindi masyadong nakikita

6

Multiple Choice

DENOTASYON AT KONOTASYON.
Alin sa sumusunod ang gumagamit sa salitang katarungan sa pormal na depinisyon?

1

Si Lola ay humihingi ng katarungan para sa kanyang anak.

2

Ang katarungan ay ang pagbibigay ng nararapat sa isang tao ayon sa batas.

3

Nakamit niya ang katarungan matapos ang mahabang kaso sa korte.

4

Ang katarungan ay isang bagay na mahirap makamit minsan.

7

Multiple Choice

DENOTASYON AT KONOTASYON.
Si Nazir ay nagsilbig sinag ng pag-asa sa kanilang pamilya sa panahon sa gitna ng dilim. Ano ang konotasyon kahulugan ng salitang sinag sa pangungusap?

1

Liwanag sa paligid

2

Liwanag na nagmumula sa araw

3

Literal na sinag mula sa araw.

4

Palatandaan ng pag-asa sa panahon ng problema o pagsubok

8

Multiple Choice

DENOTASYON AT KONOTASYON.
Kay husay kumanta ni Andrianne, ang kanyang tinig ay tila musika sa aking tenga. Ano ang konotasyong kahulugan ng salitang musika sa pangungusap?

1

Kaaya-ayang pakinggan sa pandinig

2

tunog sa sayawan

3

tunog na may himig at ritmo

4

malakas at matinis na boses

9

Multiple Choice

DENOTASYON AT KONOTASYON.
PANGARAP - isang mithiin o layunin na ninanais makait sa hinaharap.
Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang gumagamit ng denotasyong kahulugan ng pangarap?

1

Tinupad ni Lola ang kanyang pangarap na bumili ng kendi kahapon.

2

Pangarap kong maging doktor upang maalagaan ang aking pamilya sa pagtanda.

3

Maganda ang kanyang pangarap kaya tinamad siyang pumasok sa paaralan.

4

Ang pangarap ng aking kapatid ay magpalipad ng saranggola tuwing bakasyon.

10

Multiple Choice

PANGATNIG.
Nakinig ng mabuti sa guro si Lucas, kaya nakakuha siya ng malaking marka sa pagsusulit.
Ang pangungusap ay nagsasaad ng sanhi at bunga, gumamit ito ng pangatnig, anong pangatnig ang ginagamit bilang panandang nag-uugnay sa sanhi at bunga?

1

kaya

2

gayunpaman

3

samantala

4

subalit

11

Multiple Choice

PANGATNIG.
Nag-aral siya ng mabuti, ________ mataas ang nakuha niyang marka.
Anong pangatnig ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?

1

kaya

2

gayunpaman

3

samantala

4

subalit

12

Multiple Choice

KATOTOHANAN O OPINYON
KATOTOHAN - mga pahayag na napatunayan na at may ebidensya.
OPINYON - pansariling pananaw, palagay, o paniniwala ng isang tao tungkol sa isang paksa o isyu. Hindi ito batay sa tiyak na katotohanan o ebidensya, kaya maaaring magkaiba-iba ang opinyon ng bawat tao.
Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nasasaad ng KATOTOHANAN?

1

Ang mangga ang pinakamasarap na prutas.

2

Ang tag-ulan ang pinakapaboritong panahon.

3

Si Jose Rizal ay pambansang bayani ng Pilipinas.

4

Ang Pilipinas ang pinakamagandang bansa sa mundo.

13

Multiple Choice

KATOTOHANAN O OPINYON
"Mas masaya ang batang marunong magbasa."
Anong uri ng payahag ang nasa itaas?

1

opinyon

2

katotohanan

3

tesktong naratibo

4

balita

14

Multiple Choice

LIHAM.
LIHAM PANGKAIBIGAN-isang uri ng liham na isinusulat upang magpahayag ng damdamin, balita, o karanasan sa isang kaibigan o kakilala. Layunin nito ang mapanatili ang mabuting ugnayan at magbahagi ng personal na saloobin sa paraang magaan at taos-puso.
LIHAM PAANYAYA-ay isang uri ng pormal o di-pormal na liham na ginagamit upang anyayahan ang isang tao o grupo na dumalo sa isang okasyon, pulong, selebrasyon, o mahahalagang pagtitipon.

LIHAM PANGANGALAKAL - ay isang pormal na liham na ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga negosyo, tanggapan, o opisina. Layunin nitong magpadala ng impormasyon, magtanong, mag-order, mag-aplay, o magbigay ng reklamo o mungkahi na may kinalaman sa kalakalan o trabaho.


Alin ang halimbawa ng isang liham-pangkaibigan?

1

Liham para sa punongguro

2

Liham ng paanyaya sa guro

3

Liham ng aplikasyon sa trabaho

4

Liham para sa kaklaseng lumipat ng paaralan

15

Multiple Choice

LIHAM.
“Mahal na G. Cruz, Kumusta po kayo? Sana ay lagi kayong nasa mabuting kalagayan.”

Anong uri ng liham ang ipinahahayag sa itaas?

1

Liham paanyaya

2

Liham pangangalakal

3

Liham pangkaibigan

4

Liham reklamo

16

Multiple Choice

TEKSTONG NARATIBO.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong nagsasalaysay?

1

Patalastas

2

liham-pasasalamat

3

kwentong katatakutan

4

anunsyo

17

Multiple Choice

TAYUTAY.
Alin ang halimbawa ng pangungusap na may ginamit na personipikasyon?

1

Sumayaw sa tuwa ang mga bituin.

2

Lumipad ang saranggola ni Jun.

3

Tumakbo ang aso sa kalsada.

4

Maganda ang ngiti ni Liza.

18

Multiple Choice

ANTAS NG PANG-URI.
"Lubos ang kagalakan ng kanyang guro at mga magulang"?

Nasa anong antas ng pang-uri ang pangungusap?

1

lantay

2

pahalaga

3

pahambing

4

pasukdol

19

Multiple Choice

LANGKAPANG PANGUNGUSAP.
Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa o isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa na pinag-uugnay ng pangatnig (tulad ng at, sapagkat, upang, dahil, kung, at iba pa).

Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang langkapang pangungusap?

1

Tinulungan ni Liza ang matanda sapagkat ito ay hirap tumawid.

2

Naglakad si Liza nang walang ginagawa.

3

Si Liza ay pauwi na mula sa paaralan.

4

May matandang babae sa kalsada.

pattern-tertiary

​FILIPINO 5

By Apple Senillo

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 19

SLIDE