Search Header Logo
Florante at Laura Saknong 1-68

Florante at Laura Saknong 1-68

Assessment

Presentation

World Languages

6th - 8th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Mary-Anne Umali

Used 6+ times

FREE Resource

8 Slides • 8 Questions

1

media

2

media

3

media

4

Match

Question image

​ ​ Basahing mabuti ang mga malalalim na salita at piliin sa kabilang hanay ang kasingkahulugan nito.

pagkagulaylay

kaliluhan

nalulugami

taksil

kawalan ng pag-asa

kaguluhan o kataksilan

nalulubog

mapanlinlang o traydor

5

media

6

Multiple Choice

(Saknong 1)

Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,

dawag na matinik ay walang pagitan,

halos naghihirap ang kay Febong silang

dumalaw sa loob ng lubhang masukal

Ano ang ipinapakita ng simbolismo ng buong Saknong 1?

1

Ang araw (Febong Silang) ay dumaraan sa gubat na mapanglaw, na sumasagisag sa mabilis na paglipas ng oras at kalakasan ng kabataan.

2

Ang gubat at mga hadlang ay nagpapakita ng katahimikan at kaayusan, habang ang Febong Silang ay simbolo ng kaligayahan at kapanatagan sa buhay.

3

Ang mapanglaw na kapaligiran at ang Febong Silang ay nagpapahiwatig ng mga pansamantalang problema na madaling nalalampasan ng tao sa tulong ng kapaligiran.

4

Ang liwanag (Febong Silang) ay nagsusumikap na dumaan sa madilim at mapanglaw na kapaligiran, na sumasagisag sa pakikibaka ng tao sa mga suliranin at pagsubok.

7

media

8

Match

Question image

​ ​ Basahing mabuti ang mga malalalim na salita at piliin sa kabilang hanay ang kasingkahulugan nito.

Mapanglaw

Masukal

Febong silang

nagsisisila

baguntaonh basal

Kalagayang malungkot

Magubat

sumisikat na araw / umaga

sunod-sunod o sabay-sabay na pagkawala

kabataan

9

Multiple Choice

(Saknong 14)

Sa loob at labas ng bayan kong sawi,

kaliluha’y siyang nangyayaring hari,

kagalinga’t bait ay nalulugami,

ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

Ano ang ipinapakita ng Saknong 14 sa kalagayan ng lipunan ng may-akda?

1

Ang lipunan ay nagdurusa at naghihirap dahil ang mga mabubuting tao ay napababayaan ng namumuno.

2

Ang lipunan ay puno ng hindi pagkakaunawaan at kaguluhan, ngunit may mga pagkakataong nangingibabaw ang kabutihan.

3

Ang lipunan ay puno ng kasamaan at panlilinlang, kaya ang kabutihan at katarungan ay hindi nakikita’t nararamdaman

4

Ang lipunan ay mahirap at puno ng kalungkutan, kaya ang mga taong mabuti ay nawawalan ng pag-asa at pumapanig na rin sa kasamaan.

10

media

11

Match

Question image

​ ​ Basahing mabuti ang mga malalalim na salita at piliin sa kabilang hanay ang kasingkahulugan nito.

madlang hilahil

naghihimutok

pakikihamok

nag-aa

uhap

napayukayok

kaguluhan

nagagalit, nagrereklamo, o tumututol

pakikipaglaban o pakikibaka

tunog na tumatalbog o bumabalik (echo)

nakaluhod o nakayuko

12

Multiple Choice

(Saknong 31)

Ngunit sa aba ko, sawing kapalaran!

Ano pa’ng halaga ng gayong suyuan,

kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan

ay humihilig na sa ibang kandungan?

Ano ang ipinahihiwatig ng Saknong 31?

1

Si Florante ay nakaramdam ng labis na kalungkutan dahil si Laura ay may iba nang minamahal.

2

Si Florante ay nag-aalala sa kaniyang kapalaran at nagtataka kung may saysay pa ang kaniyang paghihirap.

3

Ang pagkasawi ng kaniyang damdamin ay nagpapakita ng matinding pangungulila sa kaniyang mahal na magulang.

4

Ang kaniyang puso ay lubos na nagdurusa dahil sa biglaang pagkamatay ng kaniyang minamahal.

13

media

14

Match

Question image

​ ​ Basahing mabuti ang mga malalalim na salita at piliin sa kabilang hanay ang kasingkahulugan nito.

mababata

humihilig

kandungan

alingawngaw

pinaggugulan

kabataan

paglapit o pagkiling

puso o damdamin ng tao (matalinghaga)

tunog na tumatalbog o bumabalik (echo)

pinag-alayan o pinaglaanan

15

Multiple Choice

(Saknong 42)

Di ko akalaing iyong sasayangin

maraming luha mong ginugol sa akin;

taguring madalas na ako ang giliw,

mukha ko ang lunas sa madlang hilahil.

1

Panghihinayang at sama ng loob ni Florante sa hindi pagsasakripisyo ni Laura upang siyang maligtas sa kahirapang nararanasan.

2

Kaligayahan at kasiyahan ni Florante sa natatanggap na pagmamahal at tiwala nito na mawawala rin ang sakit kung masisilayan si Laura.

3

Pagkabigla at panghihinayang ni Florante sa pag-aaksaya ni Laura sa inilaan nitong pagmamahal at emosyon sa kaniya.

4

Galit at pagdududa dahil sa hindi nito paghahanap sa kaniya habang siyang nakatali sa gitna ng kagubatan.

16

media
media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 16

SLIDE