Pretest-ESP 7 Module 1

Pretest-ESP 7 Module 1

7th Grade

10 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

Retorikal na pang-ugnay

Retorikal na pang-ugnay

7th Grade

10 Qs

Quiz Q2W2 ESP7

Quiz Q2W2 ESP7

7th Grade

15 Qs

Q1-3rd Review Quiz

Q1-3rd Review Quiz

7th Grade

15 Qs

esp 7 module 2 Isip at kilos loob (sukatin)

esp 7 module 2 Isip at kilos loob (sukatin)

7th Grade

10 Qs

Edukasyon sa Pagpapakatao

Edukasyon sa Pagpapakatao

7th Grade

15 Qs

ANG DIGNIDAD NG TAO

ANG DIGNIDAD NG TAO

7th Grade

10 Qs

Anaporik o Kataporik

Anaporik o Kataporik

7th Grade

10 Qs

Q3 WEEK 2 Activity

Q3 WEEK 2 Activity

7th Grade

10 Qs

Pretest-ESP 7 Module 1

Pretest-ESP 7 Module 1

Assessment

Quiz

Other

7th Grade

Hard

Created by

Victor Samaniego

Used 7+ times

FREE Resource

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:

Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay

Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon

Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad

Nagsisilbing dahilan para masabi ng isang nagdadalaga/nagbibinata na sya ay mas magaling kumpara sa iba

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.

Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad

Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki

Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa

Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae.

Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na

pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.

Hango sa: http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0

Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?

Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.

Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan

Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at nagbibinata

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at nagbibinata?

Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituha

Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba pang laruan.

Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos

Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?

· Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.

· Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.

· Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.

· Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

tapang

talento

tiwala sa sarili

positibong pagtingin sa sarili

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad

Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan

Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad

Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad

Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:

Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.

Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.

Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.

Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer

Create a free account and access millions of resources

Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports
or continue with
Microsoft
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?