
Pagsasabi ng Katotohanan Anuman ang Maging Bunga nito
Authored by Teacher J
Other
4th Grade
Used 23+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
5 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Nahuli mong nangungupit ng barya ang kapatid mo sa maliit na tindahan ng inyong ina. Alam mong pagagalitan siya ng inyong ina at parurusahan ng inyong tatay kapag nalaman niya ito. Ano ang iyong gagawin?
Ipagsawalang bahala ito saagkat barya lamang ang kinuit nito.
Kausapin ang kapatid na huwag ng gawin ito at bigyan siya ng pera.
Sabihin sa magulang ang ginawa ng kapatid. Tulungan ang tatay sa pagbigay ng parusa upang hindi lumaking magnanakaw ang kapatid.
Tanungin ang kapatid kung para saan niya ginagamit ang pera. Ipaliwanag na mali ang kanyang ginawa. Kausapin ang nanay at tatay at hayaan silang magpasya sa tamang pagdidisiplina.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Nagsasagot ang inyong klase ng markahang pagsusulit ng makita mong may mga sulat ng solution sa Matematika sa braso ang matalik mong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
Hingiin ang solution sa kaibigan para makakuha ng mataas na marka
Ipagsawalang bahala ito upang hindi magalit sa iyo ang kaibigan mo.
Hayaan ang kaibigan. Pagkatapos ng klase ay pagsabihan ito.
Hayaan muna ito. Pagkatapos ng klase ay lapitan ang guro at sabihin ang nakita.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Nakipagsuntukan ang kaibigan mo dahil sa natalo siya sa sugal. Pumutok at dumugo ang kanyang labi. Pinakiusapan ka niya na huwag magsusumbong sa magulang niya dahil natalo ang pambili ng proyekto na binigay ng kanyang ina. Nagtanong ang kanyang ina kung napaano ito at kung nabili na niya ang kailangan sa proyekto. Ano ang gagawin mo?
Sabihing nadapa ito at pinatago ng kaibigan ang nabiling proyekto sa bahay ninyo
Sabihing nakipagsuntukan ito dahil kinuha ng ibang bata ang perang pambili ng proyekto
Sabihing nakipagsuntukan ito dahil sa sugal at natalo ang perang pambili ng proyekto
Sabihing nadapa ito at tulungan ang kaibigan na dumiskarteng maghanap ng pera pambili ng proyekto
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Nilibre ka ng kapatid mo sa Jollibee. Habang kumakain kayo sinabi niyang makapulot siya ng isang daan. Inaanyayahan ka niyang maglaro ng video games sa computer shop pagkatapos ninyong kumain. Pagdating ninyo sa bahay nakita ninyong may hinahanap ang inyong Ate. Tinanong ka niya kung may Nakita kang isang daang pera. Ano ang gagawin mo?
Humingi ng tulong sa nanay dahil baka magalit ang Ate.
Sabihin sa Ate na wala at tulungan siya sa paghahanap
Sabihin sa Ate na ninakaw ng iyong kapatid ang pera at hindi mo alam na iyun pala ang pinambayad niya sa kinain at nilaro ninyo
Samahan ang kapatid sa paghingi ng paumanhin sa Ate. Sabihin ang inyong ginawa at pagipunan na maibalik ang pera nito.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Matalik na magkaibigan sina Maria at Angelica. Parati silang magkasama at parehas ang mga kinahihiligan nila. Isang araw narinig mo si Angelica na nagsasabi ng masasamang bagay patungkol kay Maria sa iba ninyong kaklase. Ngunit ng magkasama sila ng araw na iyun nakita mong puro pagpupuri lamang ang sinasabi ni Angelica sa kaibigan. Ano ang gagawin mo?
Sabihan si Angelica na plastik ito sa kaibigan
Ipagkalat sa buong klase ang ginagawa ni Angelica para walang maniwala sa kanya
Kaibiganin si Maria para malaman kung totoo nga ang mga sinasabi ni Angelica
Kausapin si Angelica na mali ang ginagawa nito. Sabihin din kay Maria ang nakita at narinig. Hayaan siyang magpasya tungkol sa kanilang pagkakaibigan.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?