
Filipino 1 week 1Pagsusulit
Authored by Francis Mayor
Other
1st Grade
Used 20+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
25 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Si Togak at ang Gintong Uwak
Noong unang panahon ay may isang ibon na nakatira sa kagubatan na ubod ng itim at may mapupulang mga mata. Ang pangalan ay Togak. Dahil sa kaniyang anyo ay nahihiya itong lumapit at makipaglaro sa iba dahil baka pagtawanan lamang siya ng mga ito. Kaya palagi siyang nag-iisa at nagdarasal na sana ay maging maganda ang kaniyang anyo tulad ng iba.
Isang araw, habang naghahanap ng pagkain si Togak ay may narinig siyang tumawag sa kanya. Agad na lumapit si Togak at nakita niya ang isang magandang diwata. “Ako si Inang diwata. Ang diwata ng mga ibon. At narito ako para tuparin ang iyong kahilingan ngunit sa isang kondisyon,” wika ng diwata Kailangan mong magpakita ng magandang asal at huwag ipagmalaki kung ano man ang iyong kaanyuan. Kung hindi, ikaw ay babalik sa dati mong anyo,” malinaw na sabi ng diwata. At isang kumpas lang ng kamay ng diwata naging kulay ginto ang kaniyang mga balahibo at naging maamo ang kaniyang mga mata. “Maraming salamat!” Masayang sabi ni Togak sa diwata.
Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanag at kulay ginto ang mga balahibo ni Togak. Inggit na inggit sa kaniya ang mga ito.“Togak, puwede bang makipag-kaibigan?” Sabi nila. “Ayokong makipag-kaibigan sa mga mabababang uri,” pahambog na sabi ni Togak. “Umalis kayo sa harapan ko, ayokong makipag-kaibigan sa mga katulad niyo!” Pagyayabang na sabi ni Togak sa mga ito. “Talagang nagbago na nga si Togak mula ng maging ginto ang kaniyang mga balahibo.” Wika ni Kuwago. “Oo nga, talagang wala na siyang kinikilalang kaibigan.” Sabi naman ni Maya.
Kaya isang araw habang naglalakad si Togak ay nagpakita muli sa kaniya ang diwata. “Togak, dahil sa ipinakita mong masamang pag-uugali at pagiging hambog, ikaw ay babalik sa dati mong anyo.” Wika ng diwata. At sa isang iglap lang ay bumalik nga ang dating anyo ni Togak na sobrang itim at mapupula ang mga mata. Kaya umuwi si Togak na luhaan at hiyang-hiya sa sarili. At ng papauwi siya ay nasalubong niya sina Kalapati, Kuwago at Maya. “Puwede bang makipagkaibigan sa iyo?” Sabi ni Kuwago. “Kahit na ganito ang anyo ko,”malumanay na sabi ni Togak.
“Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan, ang importante ay tanggap ninyo ang isa’t isa.” wika ni Kalapati. Kaya mula noon ay masayang masaya na si Togak sa mga bago nitong kaibigan. Kahit na ubod ng itim at mapupula ang mga mata ay wala na siyang ikinahihiya. Dahil tanggap siya ng mga ito ano man ang kaniyang anyo.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Mula sa isang pabula na nasa itaas, sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.
____ 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. diwata
b. kalapati
c. Togak
d. Maya
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
2. Bakit umiiwas si Togak sa ibang ibon?
a. ayaw niyang makipaglaro sa ibang ibon at baka masaktan lamang siya
b. nahihiya siyang lumapit sa iba dahil sa kaniyang anyong ubod ng itim at may mapupulang mata
c. ayaw niyang pagtawanan ang kaniyang anyong ubod ng itim at may malalaking paa
d.baka pagtawanan ang kaniyang maputing balahibo at malaking mata
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
3. Paano binago si Togak sa kaniyang bagong anyo?
a. naging palakaibigan
b. palaaway
c. sumikat siya
d.hambog at mayabang
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
4. Kung ikaw si Togak, paano mo dadalhin ang iyong sarili bilang isang batang may ubod itim na balat?
a. hindi ako lalapit sa iba
b. hindi ko ikakahiya at ipagmamalaki ko ang biyayang bigay ng Diyos
c. magtago at iiwas sa ibang bata baka ako ay kutyain
d. sisihin ko ang Diyos dahil ginawa niya akong iba sa lahat
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
5. Aling talata sa kuwento ang magbibigay inspirasyonsa iba at nagpapakita ng pagkapantay pantay?
a.5
b.3
c.4
d. 2
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
6. Si Togak ay isang ibong ubod ng itim at may mapupulang mga mata. Anong uri ng
pangngalan ang nakasalungguhit?
a. pantangi
b. basal
c. pambalana
d. lansakan
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
7.Naging kulay ginto ang balahibo ni Togak ngunit ito ay nagpabago sa kaniyang ugali. Tukuyin ang pambalanang basal sa pangungusap.
a. balahibo
b. Togak
c. kulay
d. ugali
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?