
Kontemporaryong Isyu (Week 5)
Authored by Lindhel Paguio
Social Studies
10th Grade
Used 6+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
15 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Binayo ng malakas na bagyo ang iyong lugar. Maraming nasira at nawalan ng hanapbuhay. Bilang isang miyembro ng pamilya paano mo maipapakita ang iyong kooperasyon upang makatugon sa epekto ng kalamidad?
Tutulong sa mga magulang sa pagkukumpuni ng bahay at maging sa iba pang mga nasira sa pamayanan
Tutulong sa pagbabahagi ng sapat na impormasyon at pag-unawa sa mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng sakuna
Tutulong para alamin ang mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.
Tutulong upang tayahin ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa anumang sakuna
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ang mga sumusunod ay paraan upang ang mga ordinaryong mamamayan ay makatugon sa mga sakuna maliban sa isa. Alin dito?
Ang pagiging edukado, disiplinado at handa sa maaaring mangyari sa tuwing mayroong mga sakuna
Pagtulong sa mga ordinaryong mamamayan sa pagtuturo sa ibang taong kulang sa kaalaman upang sila rin ay matuto
Ligtas ang may alam
Sa panahon ng sakuna mag-atubiling tumulong kahit kaya naman
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Sa panahon ng kalamidad, kailan natin masasabi na resilient ang isang komunidad?
Walang paghahanda bago tumama ang inaasahang kalamidad
Limitado ang kaalaman tungkol sa hazard
Isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay.
Walang kakayahan ang pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anumang sakuna kung may lindol?
Athletic meet
Earthquake Drill
Fire Drill
Fun Run
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mag-aaral ang konsepto ng DRRM at maging handa sa sakuna?
Sa pamamagitan ng pagpapahayag sa mga pahayagan
Sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa mga paaralan
Sa pamamagitan ng telebisyon at radio
Sa pamamagitan ng pagpupulong sa barangay
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ang mga mag-aaral sa Lungsod ng Baguio ay nagsagawa ng City Simultaneous Earthquake Drill bilang paghahanda kung makaranas ng lindol. Bilang mag-aaral, paano mo naipapakita ang iyong disiplina at kooperasyon?
Magtulakan sa daan habang palabas ng silid-aralan
Tumakbo ng mabilis para maunang makarating sa evacuation area
Sumunod sa panuto at isagawa nang maayos ang drill
Dahan-dahan at magkwentuhan habang papunta sa evacuation area
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita na mahalaga ang kahandaan, kooperasyon at disiplina tuwing may kalamidad maliban sa isa. Alin dito?
Nais mapababa ang bilang ng mga maapektuhan ng sakuna
Ang mga mamamayan ay isasagawa ang kani-kaniyang naisip na paraan upang makatugon sa epekto ng sakuna
Layuning mapigilan ang malubhang epekto ng sakuna
Nais maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?