Quiz Game 2

Quiz
•
Education
•
8th Grade
•
Hard
Maann Rubio
Used 9+ times
FREE Resource
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A. kalusugan
B. edukasyon
C. buhay
D. pagkain at tahanan
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________.
A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal
B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
D. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
A. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
B. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan
C. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
D. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
A. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
B. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap.
C. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
D. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
B. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
C. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
D. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
A. Pagtanggap
B. Pagmamahal
C. Katarungan
D. Pagtitimpi
Create a free account and access millions of resources
Similar Resources on Wayground
15 questions
Aspekto ng Pandiwa

Quiz
•
7th - 8th Grade
10 questions
Education in the New Normal

Quiz
•
7th Grade - University
15 questions
Baliktanaw Huwebes

Quiz
•
8th Grade
15 questions
Kaantasan ng Wika

Quiz
•
8th Grade
15 questions
EsP 8 Modyul 10_Quiz (3td Qtr)

Quiz
•
8th Grade
10 questions
PAGSASANAY (PART 2): Tulalang (Epiko)

Quiz
•
7th - 12th Grade
10 questions
Modyul 3 - Pagtataya

Quiz
•
7th - 10th Grade
10 questions
Dula at Pokus ng Pandiwa

Quiz
•
8th - 10th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Lab Safety Procedures and Guidelines

Interactive video
•
6th - 10th Grade
10 questions
Nouns, nouns, nouns

Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Appointment Passes Review

Quiz
•
6th - 8th Grade
25 questions
Multiplication Facts

Quiz
•
5th Grade
11 questions
All about me

Quiz
•
Professional Development
22 questions
Adding Integers

Quiz
•
6th Grade
15 questions
Subtracting Integers

Quiz
•
7th Grade
20 questions
Grammar Review

Quiz
•
6th - 9th Grade