Search Header Logo

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP VI

Authored by Rosalie Abanilla

Education

6th Grade

Used 2+ times

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP VI
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

50 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon.

malikhaing pag-iisip

pagkabukas ng isipan

mapanuring pag-iisip

pagsusuring personal

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili maliban sa:

Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba

Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon

May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan

Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.

pagkabukas ng isipan

mapanuring pagsusuri

malikhaing pag-iisip

pagsusuring personal

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon?

Nakakatulog ka ng mahimbing

Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga.

Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.

Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera?

I. Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.

II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.

III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon mo na sa elementarya.

IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring magamit upang makatulong sa pamilya.

V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

I, II, at III

II, IV, at V

II, III, at V

III, IV, at V

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Kung ikaw ay may kakayahang magsuri ng mga bagay at pangyayari na may kinalaman sa iyo, nagiging malinaw ang mga bagay-bagay kaya’t ikaw ay nakakabuo ng ___________________.

pagkabukas ng isipan

tamang desisyon

mapanuring pag-iisip

pagsusuring personal

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Aksidenteng nabagsak mo ang paboritong vase ng iyong ina. Walang nakakita sa pangyayari. Ano ang gagawin mo?

Aalis ka agad sa lugar na pinangyarihan upang hindi ka mapagalitan ng nanay mo.

Hahayaan mo na lang ang nabasag na vase at itatanggi mo na lang na ikaw ang may gawa nito.

Sasabihin mo sa nanay mo ang totoo at sasabihing hindi mo sinasadya ang pagkabasag nito.

Ituturo mo ang iyong isang taong gulang na kapatid na syang may gawa nito, tutal hindi pa naman ito nakakapagsalita.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?