
Paksa at Datos sa Binasang Sanaysay o Teksto
Authored by Juliano C. Brosas ES
Other
6th Grade
Used 81+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje) ang patron ng Antipolo sa Rizal. Dito, ang pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng Mayo. Ipinagdiriwang din ito sa ika-8 ng Disyembre.Ito’y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa patron ng bayan.
Ang pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Ang hindi pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Ang pagsalungat sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
Ang kaguluhan sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ipinagdiriwang taon-taon ang kapistahan ng Patrong San Martin, pati na rin ang higit na masiglang kapistahan ng Mahal na Krus sa bayan ng Bocaue sa Bulacan. Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon sa ilog. Iniikutan ng maraming taong lulan ng maliliit na bangka ang Mahal na Krus na nasa napakagarang pagoda. Ito’y ipinuprusisyon sa kahabaan ng Ilog Bocaue hanggang sa Wawa, kung saan sinasabing nakuha ng mga mangingisda ang Mahal na Krus.
Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kalsada ng Bocaue hanggang sa Wawa
Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kabundukan ng Bocaue hanggang sa Wawa
Ang pagparada ng Mahal na Krus sa ilog ng Bocaue hanggang sa Wawa
Ang pagparada ng Mahal na Krus sa dagat ng Bocaue hanggang sa Wawa
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ang Moriones ay hindi sa entablado ginaganap kundi sa mga lansangan sa buong bayan. Ito’y idinaraos taon-taon, ilang araw pagkaraan ng Biyernes Santo o Mahal na Araw.
Ang pagdiriwang ng Moriones Festival
Ang pagdiriwang ng Pahiyas Festival
Ang pagdiriwang ng Higantes Festival
Ang pagdiriwang ng Sinulog Festival
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Noong panahon ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay hindi masasabing malaya. Nasa ilalim tayo ng mahigpit at malupit na pamamahala ng mga Espanyol. Salamat na lamang sa ating dakila, matatapat, at matatapang na bayani. Nakipaglaban sila upang matamo ang ating kalayaan.
Ang mga Pilipino sa panahon ng mga bagong bayani
Ang mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol
Ang mga Pilipino sa panahon ng kalayaan
Ang mga Pilipino sa panahon ng Hapon
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang Girl Scouts of the Philippines ay ang pambansang samahan ng mga kababaihan na may misyong matulungan ang iba pang kababaihan na matutuhan ang kahalagahan ng pagiging babae upang maihanda ang sarili sa mga tungkulin sa pamilya, pamayanan at sa buong mundo.
Ang layunin ng Girl Scouts of the Philippines
Ang pamilya ng Girl Scouts of the Philippines
Ang samahan ng Girl Scouts of the Philippines
Ang paligid ng Girl Scouts of the Philippines
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang Pilipinas ay bansang sagana sa likas na yaman, kabilang dito ang mga puno, halamang gaya ng gulay, prutas at halamang gamot. Bilang tradisyon, naniniwala ang ating mga ninuno sa mga halamang gamot bilang lunas sa sakit at iba pang karamdaman. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang dumarami ang natutuklasang halamang gamot, isa na rito ang okra na kilala ring lady fingers sa wikang Ingles.
Ang gamot ng Pilipinas sa halamang gamot
Ang puno ng Pilipinas sa halamang gamot
Ang salat ng Pilipinas sa halamang gamot
Ang yaman ng Pilipinas sa halamang gamot
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Maganda ang okra sa digestive system natin. Nakatutulong ito sa pagpapadali ng sistema ng pagdumi natin. Gayundin, kabilang ang ilang seryosong karamdaman gaya ng colitis-pamamaga ng lining ng colon, diverticulitis – maliit na umbok na parang bulsa sa ating digestive system at iba pang nabibigyang lunas ng gulay na ito.
Ang benepisyo ng pagkain ng okra
Ang kasamaan ng pagkain ng okra
Ang kulay ng pagkain ng okra
Ang epekto ng pagkain ng okra
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?