Search Header Logo

Edukasyon sa Pagpapakatao 5 (Remediation Quiz)

Authored by Jessie Buco

Education

5th Grade

Used 35+ times

Edukasyon sa Pagpapakatao 5 (Remediation Quiz)
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

20 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga batang katulad mo ay nag-aaral naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man ng pinapasukang paaralan, iisa lamang ang ipinapahiwatig nito na kayong lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Anong karapatan ang tinutukoy dito?

A. Karapatang maglaro at maglibang

B. Karapatan sa sapat na Edukasyon

C. Karapatang sa maayos na kasuotan at tirahan

D. Karapatan sa pagkain at malusog na pangangatawan

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa kaniyang mga magulang. Nagsilbi silang pangalawang mga magulang ng bata. Anong karapatan ang tinatamasa niya ngayon sa piling ng bagong mga magulang?

A. Karapatan sa Edukasyon

B. Karapatang mabigyan ng pangalan

C. Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan

D. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang maabot ang pinakamahusay na kakayahan?

A. Palaging sinusuportahan ni Aling Mila ang kaniyang anak sa tuwing lumalahok ito sa patimpalak ng pag-awit at pagsayaw sa kanilang lugar at karatig lugar.

B. Ayaw ni Aling Vicky na sumasali sa pag-eensayo ang kaniyang anak lalo na sa paglalaro ng basketbol dahil ayaw niyang napapagod ito.

C. Paghadlang ni Aling Alona sa mga nais matutuhan ng kaniyang anak tulad ng pagpipinta at pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika dahil nanghihinayang siya sa perang gagamitin sa pagbili ng mga gamit para rito.

D. Wala sa mga nabanggit.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Alin ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo?

A. Malimit na pangangantiyaw sa batang pilay at tuwang-tuwa ka pang ipagsigawan na tawagin siyang “Pilay”.

B. Pagtawag sa tunay na pangalan ng iyong kamag-aral kaysa sa alyas nito o anumang nais mong itawag sa kaniya.

C. Si Jiro na tinatawag mong “Duling” kaysa tawagin siya sa tunay niyang pangalan.

D. Pinagtatawanan mo ang batang may kakaibang pangalan.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay isinilang at ipinarehistro sa pamahalaang lokal sa inyong bayan at lalo pa itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong karapatan ang tinamasa mo?

A. Karapatang makapaglibang

B. Karapatang igalang at mahalin

C. Karapatang mabigyan ng pangalan

D. Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ibinibigay ng mga magulang mo ang lahat ng iyong pangunahing pangangailangan at inaalagaan ka rin nila palagi maysakit ka man o wala. Anong karapatan ang mayroon ka rito?

A. Karapatang makapaglibang

B. Karapatang mapaunlad ang kakayahan

C. Karapatang isilang at mabigyan ng pangalan

D. Karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ang mga sumusunod ay mga pamamaraang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo maliban sa isa, alin ito?

A. Pakikialam sa iyong mga karapatan at paghadlang para matamo ang mga ito.

B. Pangangalaga sa iyong mga pangangailangan.

C. Pagpapahintulot na maabot mo ang pinakamahusay na kakayahan.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?