Search Header Logo

TAYAHIN (DULA)

Authored by Crystel Ajel

World Languages

9th Grade

Used 15+ times

TAYAHIN (DULA)
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

1. Aling bahagi ng skrip ang nagbabadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari?

a. Eksena

b. Simula

c. Tagpo

d. Yugto

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang makikita sa Gitnang bahagi ng dulang “Munting Pagsinta”?

a. Maglalakbay ang mag-amang sina Yesügei at Temüjin upang

ipagkasundo ang anak sa babaeng mula sa Tribong Merit.

b. Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte.

c. Inalok ni Temüjin ng kasal si Borte sa kabila ng planong

pakikipagkasundo ng kanyang ama sa Tribong Merit.

d. Magkahawak kamay na naglakad sina Temüjin at Borte sa

paghahanap sa ama.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

3. Bakit itinuturing na kaluluwa ng dula ang skrip?


a. Binibigyang-diin nito ang kagustuhan ng director.

b. Ito ang nagsasalaysay ng kuwento ng dula kabilang ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

c. Nagpapakilala ito ng mga pangunahing tauhan.

d. Wala

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

4. Ang sumusunod ay bahagi ng dula na naglalarawan ng tunay na buhay maliban sa______.

a. Humihingi ng basbas ang ikakasal sa kanilang mga magulang.

b. Ipinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang mga anak upang makapag-asawa.

c. Hindi nakikialam ang anak sa kagustuhan ng kanilang mga magulang.

d. May sariling desisyon ang isang tao upang makapamili ng makasasama sa habambuhay.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

5. Saang bahagi ng dula naipapakilala ang tauhan, tagpuan at pasilip sa sulirain ng dula?

a. Eksena

b. Simula

c. Tagpo

d. Yugto

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

6. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong pahayag tungkol sa pagsusuri ng dula?

a. Ang diyalogo ang pinakamahalagang elemento ng dula.

b. Magiging epektibo ang pagsusuri ng dula kung ito ay nangyari sa tunay na buhay.

c. Mahalagang may sapat na kaalaman tungkol sa pagkakabuo at elemento ng dula upang masuri ito.

d. Unahing bigyang-pansin ang paraan ng direktor sa pagbuo ng dula.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

7. Batay sa diyalogo, anong pangyayari sa dula ang sumasalamin sa karaniwang pamumuhay o gawi ng tao sa isang lugar?

a. Ipinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang mga anak kahit sa murang edad pa lamang nito.

b. Malaya ang mga anak na mamili ng kanilang gustong

mapangasawa.

c. Sumusunod ang mga anak sa kagustuhan ng magulang.

d. Malupit ang pakikitungo ng mga magulang sa anak.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?