
Module 4: Subukin
Authored by Portia Magbanua
Other
4th Grade
Used 5+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
5 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Nakita mo ang iyong kapitbahay na may itatapong isang timba na puno ng basura
sa tabing-ilog. Alam mong may karatulang inilagay ang inyong street leader kung
kaya’ t dali-dali mo itong sinundan. Ano ang iyong gagawin upang pigilan siya sa
kaniyang gagawin?
a. Lalapit ako upang sabihin sa kaniya na galit ako sa gagawin niya.
b. Sasabihin ko sa kaniya na bawal na magtapon ng basura sa ilog.
c. Sisikapin kong ipaunawa sa kaniya ang kabutihang idudulot sa kapaligiran
ng hindi pagtatapon ng basura sa ilog.
d. Sasamahan ko siya sa pupuntahang ilog para makita ko ang ilog na marumi
at may masangsang na amoy.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa hall way ng paaralan makikita ang isang karatula na may nakasulat na,
“Munting basura, pakibulsa na.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Anomang basura ang makita, kaunti man o marami ikalat na.
b. Magtapon ng basura kahit saan niya gusto at ikalat sa hallway.
c. Iwasang magtapon ng basura sa hallway.
d. Panatilihing malinis ang hallway, pulutin at ilagay na muna sa bulsa ang
makitang munting basura..
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
May responsibilidad tayo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kaayusan at
kalinisan ng ating kapaligiran. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang iyong
pangangalaga sa ating kapaligiran kahit walang nakakakita?
a. Itatapon ko ang balat ng kendi kung saan-saan.
b. Pinupulot ko ang nakakalat na papel sa hallway at inilalagay ito sa tamang
lagayan.
c. Isinisiksik ko ang papel sa ilalim ng aking upuan tuwing nasa silid-aralan
dahil wala namang nakakakita sa akin.
d. Itinatapon ko ang aking basura sa palaruan kapag kami’y naglalaro.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa pangangalaga sa
kalikasan kahit walang nakakakita?
a. Sikretong itinatapon sa daanan ang gamit na facemask.
b. Hindi nagsusunog ng basura sa paligid at laging malinis.
c. Inilalagay sa kanal ang mga basurang galing sa palengke.
d. Itinatapon ang basurang naipon sa palaruan.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Anong batas sa pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang
dapat pairalin at sundin sa ilog na malinis?
a. Bawal Manigarilyo Dito.
b. Tumawid sa Tamang Tawiran.
c. Huwag Magtapon ng Basura.
d. Iwasan ang Pagtapak sa Damuhan.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?