Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.
May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.