Halos 90,000 trabaho puwedeng aplayan ngayong Oktubre ABS-CBN News (1) MAYNILA
(1) Halos 90,000 trabaho ang maaaring subukang pasukin ng mga
aplikante ngayong Oktubre.
(2) Pinakamaraming bakanteng trabaho ay inaalok sa industriya ng business process
outsourcing gaya ng customer service agent at technical service representative.
(3) Malaki rin ang pangangailangan para sa mga financial advisor, human resource
staff, at cashier.
(4) Sa 90,000 trabaho, 20,000 ay mga trabaho sa gobyerno habang 15,000 ay mga
trabaho sa ibang bansa.
(5) Kabilang sa mga overseas job na may mga bakante ay pagiging chef, therapist,
dental technician, staff nurse, software engineer, welder, at fabricator.
(6) Ayon kay Jobstreet country manager Philip Gioca, dadami pa ang mga trabaho sa
merchandising, retail, at sales ngayong “ber” months.
(7) Sa darating na Oktubre 8 at 9, magkakaroon ng job fair ang Jobstreet katuwang
ang ilang ahensiya ng gobyerno.
Tanong:
Anong bilang ng pangungusap sa binasang balita matatagpuan ang hindi tuwirang
pahayag?