Search Header Logo

Ikawalong Lagumang Pagsusulit sa Filipino 8

Authored by Charisse Monares

Education

8th Grade

Used 38+ times

Ikawalong Lagumang Pagsusulit sa Filipino 8
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

26 questions

Show all answers

1.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • Ungraded

I. OBRA MAESTRA: FLORANTE AT LAURA

Panuto: Basahin nang mabuti at sagutan nang buong husay ang mga tanong na hango sa nabasang mga aralin ng Florante at Laura.


1. Maaari nga kayang maging magkaibigan ang dalawang taong may magkaibang lahi, pananampalataya, o paniniwala? Paano maisusulong ang kapayapaan sa mundo sa gitna ng mga kaibahan?

Evaluate responses using AI:

OFF

2.

OPEN ENDED QUESTION

3 mins • Ungraded

I. OBRA MAESTRA: FLORANTE AT LAURA

Panuto: Basahin nang mabuti at sagutan nang buong husay ang mga tanong na hango sa nabasang mga aralin ng Florante at Laura.


2. Mayroon bang pagkakataong nakaramdam ka rin ng inggit tulad ni Adolfo? Ano ang ginawa mo upang hindi ito pag-ugatan ng hindi magandang ugali?

Evaluate responses using AI:

OFF

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

II. MGA SAKNONG

Panuto: Suriin ang bawat saknong at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.


Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,

mahina ang puso’t lubhang maramdamin

inaakala pa lamang ang hilahil

na daratna’y di na matutuhang bathin.”


1. Alin sa sumusunod ang nais na ipahiwatig ng saknong na nasa itaas?

Hindi marunong tumanggap ng mga problema sa buhay.

Huwag palaging maging masaya dahil lulungkot ka rin.

Masarap mabuhay sa mundo sa likod ng mga problema sa buhay.

Madaling nawawalan ng pag-asa ang mga taong nasanay na sa ligaya.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

II. MGA SAKNONG

Panuto: Suriin ang bawat saknong at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.


“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

sa bait at muni’t sa hatol ay salat;

masaklap na bunga ng maling paglingap,

habag ng magulang sa irog na anak.”


2. Ano ang ibig sabihin ng saknong sa itaas?

Masaklap magkaroon ng isang anak na laki sa layaw.

Hindi nakatutulong sa magulang ang anak na laki sa layaw.

Batang laging nasusunod ang gusto ay walang magandang ugali.

Problema ng isang magulang ang anak na gustong masunod palagi ang gusto.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

II. MGA SAKNONG

Panuto: Suriin ang bawat saknong at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.


“Kung ang isalubong sa iyong pagdating

ay masayang mukha’t may pakitang-giliw

lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,

siyang isaisip ng kakabakahin.”


3. Anong mahalagang tagubillin ang gustong ipabatid ni Antenor kay Florante?

Mag-ingat kay Adolfo sapagkat siya’y kaaway na lihim.

Maging mabuting kaibigan kay Adolfo kahit masungit.

Si Adolfo ang tunay na kalaban ni Florante sa digmaan.

Ingatan ang pagiging malapit kay Adolfo sapagkat siya’y mapagbiro.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

II. MGA SAKNONG

Panuto: Suriin ang bawat saknong at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.


“Kung ang isalubong sa iyong pagdating

ay masayang mukha’t may pakitang-giliw

lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,

siyang isaisip ng kakabakahin.”


4. Bakit mahigpit ang bilin ng maestro ni Florante sa pagbabalik niya sa Albanya?

Natatakot siyang kaibiganin ni Adolfo si Florante.

Nasisiguro niyang maghihigante si Adolfo kay Florante.

Hindi alam ni Florante na sa Albanya nakatira si Adolfo.

Maisama ni Adolfo si Florante sa kasamaang kanyang gagawin.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

II. MGA SAKNONG

Panuto: Suriin ang bawat saknong at sagutin ang kasunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.


5. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pagpapakahulugan sa taludtod na “Anupa’t ang aming buhay na mag-ama, nayapos ng bangis ng sing-isang dusa”

Ang kanilang buhay daw ay puno ng pagmamahal.

Iisa ang kapighatian at kalungkutang nadarama ng mag-ama.

Wala nang pag-asa pang magkaroon sila ng magandang buhay.

Lubhang pinagkaitan sila ng kaligayahan sa buhay.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?