Sipi sa “Durungawan” ni Manuel Principe Bautista:
Ang mata ay durungawan ng kaluluwa. Ang durungawan ay siyang kaluluwa ng mga nilikhang bahagi niya. Sa nakabukas na dahon nito ay sumusungaw ang tunay na damdaming kimkim ng mga nilalang na humihinga at tumitibok sa kanyang kaisahan. Sa ganyan ay nakalantad ang tunay na kaanyuan ng buhay na hindi mapagkunwari: ang buti at sama.