
Sagisag Kultura Kwiz Average Round (Dry-run)
Authored by JAY ESPARTERO
History, Social Studies, Other
6th - 12th Grade
Used 20+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ito ay isang uri ng ilahas na kalapati mula sa family na Columbidae at genus na Ducula. Mayroon itong nagsasalungatang kulay sa ulo, batok, at tiyan hábang mas maitim ang mga pakpak at likuran. Mayroong kulay putî na may itim na pakpak at buntot; mayroon ding nag-aagaw ang kulay abo at rosas o abo at bughaw na mayroong berde; mayroong bughaw o kayumanggi ang likod at pakpak. Ang ilan ay may marka sa paligid ng mga matá.
A. almugan
B. balud
C. banoy
D. kabisote
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ito ay halamang namumulaklak na tumutubò sa matubig na pook sa tabi ng kanal o batis, at inaalagaan dahil sa mahalimuyak na putîng bulaklak. Tinatawag din itong gandasuli sa mga pook Muslim, banay at katkatan sa Bisaya at ginger lily sa Ingles. Katutubo ito sa India ngunit matagal nang pumasok sa Mindanao.
A. mirasol
B. liryo
C. kamya
D. sampagita
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ito ay isang basilika ng Simbahang Romano Katoliko na matatagpuan sa Plaza del Carmen, Quiapo, Lungsod Maynila. Tanyag ito bilang nag-iisang simbahang gawa sa bakal sa buong Asia, at bilang nagiisang Neo-Gotikong simbahang bakal sa bansa at sa Asia.
A. Simbahang San Agustin
B. Simbahang Tumauini
C. Simbahang Santa Maria
D. Simbahang San Sebastian
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ito isa sa pinakamataas na tuktok sa
Filipinas. Matatagpuan ito sa bayan ng Baco sa Oriental Mindoro, sa kabundukang naghihiwalay sa dalawang lalawigan sa pulo. May taas itong 2586 m, at ang palagiang pag-ulan at biglaang pagbahâ ay nagsasanib upang ituring ito ng mga mountaineer bílang pinakamahirap akyating bundok sa buong bansa. Klasipikado ito bílang isang ultra prominent
peak.
A. Bundok Guiting-Guiting
B. Bundok Data
C. Bundok Halcon
D. Bundok Natib
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Siya ang unang boksingerong Filipino na naging kampeong pandaigdig, Francisco Guilledo ang tunay niyang pangalan na inampon ng isang Amerikanong
promoter sa boksing noong 1918.
A. Anthony Villanueva
B. Gabriel "Flash" Elorde
C. Ceferino Garcia
D. Pancho Villa
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
ang ikaanim na pinakamalaking lawà sa Filipinas
at ikatlo sa Mindanao sa lawak na 6500 ektarya. Mababaw ang lawa sa lalim na 3-6 metro. Matatagpuan ito sa bayan ng Buluan sa lalawigan ng Maguindanao at sa mga bayan ng President Quirino at Lutayan sa Sultan
Kudarat.
A. Lawang Bato
B. Lawang Buhi
C. Lawang Buluan
D. Lawang Lanao
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Siya ang babaeng bayani sa isang epikong-bayan mula sa mga Talaandig ng Gitnang Bukidnon. Kapatid siyá ni Agyu, ang bayani ng naturang epikong-bayan. Maganda, matalino, matapang, at mahusay sa sining ng pakikidigma, si Matabagka ay sagisag ng mahalagang papel ng kababaihan sa pagtatanggol sa kalayaan ng bayan.
A. Matabagka
B. Imbununga
C. Manimimbin
D. Olaging
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?