Search Header Logo

Q2-ESP-MODULE 2-TAYAHIN

Authored by HERMICHELLE DIAZ

Religious Studies

2nd Grade

Used 1+ times

Q2-ESP-MODULE 2-TAYAHIN
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

5 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng hindi pagtulong sa kapwa?

A. Tinutulungan ni Domeng sa pagtawid ang kaniyang kamag-aral na may kapansanan, at sinasamahan pauwi mula sa kanilang paaralan.

B. Magiliw na sinusunod ni Janette ang utos ng kaniyang mga magulang.

C. Laging sinisigawan ni John Mico ang kamag-aral niyang mahina ang pandinig.

D. Masayang kinakalaro ni Maria ang kaniyang bunsong kapatid habang may ginagawa ang kanilang Nanay.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

2. Si Evangeline ay mabait at maasahang bata. Kapag wala ang kaniyang mga magulang dahil namimili ng kanilang paninda, siya ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa kaniyang mga nakababatang kapatid. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng kaniyang mga magulang?

A. Hindi natutuwa ang kaniyang ama’t ina

B. Magagalit si Nanay kasy Evangeline.

C. Ikinakahiya si Evangeline ng kaniyang mga magulang.

D. Pinagmamalaki at nasisiyahan ang mga magulang ni Evangeline sapagkat ang kanilang anak ay matulungin at maaasahang bata

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

3. Umalis ang iyong Nanay. Naglilinis ng bahay ang inyong kasambahay habang ikaw ay nanonood. Hindi sinasadyang nahugot ang saksakan ng telebisyon ng inyong kasambahay. Ano ang iyong gagawin?

A. Magdadabog na tatayo para muli itong isaksak.

B. Magagalit sa inyong kasambahay.

C. Sisigawan ang inyong kasambahay.

D. Tatayo ka at muling isasaksak ang inyong telebisyon at sasabihin sa kaniya na okay lang po ate.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

4. Nakita mong nahulog ang pitaka ng iyong kamag-aral. Pinulot ito ng isa ninyong kamag-aral ngunit hindi niya binalik sa may-ari. Ano ang iyong gagawin?

A. Magsasawalang-kibo na kunwari wala kang nalaman.

B. Sasabihan mo ang nakapulot na ibalik ang pitaka sa may-ari.

C. Kakausapin ang nakapulot na paghatian ninyo ang laman ng pitaka

D. Kukunin mo sa nakapulot ang pitaka at di mo rin ito ibabalik sa may-ar

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

5. Mahina na ang pandinig ng iyong Lolo at Lola. Isang araw sila ay may tinatanong sa iyo habang ikaw ay gumagawa ng iyong takdang aralin. Ano ang nararapat mong gawin?

A. Sisigawan ang iyong lolo at lola.

B. Magkukunwaring di mo sila naririnig.

C. Magagalit at sasabihan silang naiistorbo ka,

D. Hihinto ka sa iyong ginagawa at magiliw mong sasagutin ang kanilang mga katanungan.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?