ANON ANG PAKSANG PANGUNGUSAP SA TALATA?

ANON ANG PAKSANG PANGUNGUSAP SA TALATA?

4th Grade

5 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

READING 1

READING 1

1st - 5th Grade

10 Qs

Pandiwa

Pandiwa

4th Grade

10 Qs

PANGANIB NG MALING PAGGAMIT AT PAG ABUSO SA PAG-INOM NG GAMOT: 3

PANGANIB NG MALING PAGGAMIT AT PAG ABUSO SA PAG-INOM NG GAMOT: 3

4th - 5th Grade

10 Qs

FILIPINO Q1 W1

FILIPINO Q1 W1

4th Grade

10 Qs

Magagalang na Pananalita

Magagalang na Pananalita

3rd - 10th Grade

10 Qs

SALITANG IISA ANG BAYBAY NGUNIT MAGKAIBA ANG KAHULUGAN

SALITANG IISA ANG BAYBAY NGUNIT MAGKAIBA ANG KAHULUGAN

4th - 6th Grade

10 Qs

ARALING PANLIPUNAN

ARALING PANLIPUNAN

4th Grade

10 Qs

Pagsasanay #1

Pagsasanay #1

1st - 10th Grade

10 Qs

ANON ANG PAKSANG PANGUNGUSAP SA TALATA?

ANON ANG PAKSANG PANGUNGUSAP SA TALATA?

Assessment

Quiz

English

4th Grade

Hard

Created by

Marilou Delacruz

Used 8+ times

FREE Resource

5 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Galing sa tindahan ang lahat ng aming kinakain. Doon din galing ang mga

damit namin. Dating pinaglagyan ng mga de-lata ang malaking kahon na ginawa

naming bahay-bahayan. Kita mula sa tindahan ang aming baon sa eskuwela.

Tunay ngang naging mahalagang bahagi ng aming buhay ang malaking tindahan

ni Nanay sa aming bayan.

Ang talata ay tungkol sa ___________________________________________

Ang malaking tindahan ni nanay sa aming bayan.

Galing sa tindahan ang aming kinakain

Dating malaking kahon ng de-lata ang aming bahay-bahayan

Kita mula sa tindahan ang aming baon sa eskwela.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Nagsisimula ang malalaking sunog sa maliliit na bagay. Maaaring

pagmulan ng apoy ang basag na bote na tinatamaan ng sinag ng araw. O dili

kaya’y ang kamalig na puno ng mga nakasalansang dayami. At tiyak na alam mo

kung ano ang madalas mangyari sa napabayaang siga.

Ang talata ay tungkol sa ___________________________________________

Nagsisimula ang malalaking sunog sa maliliit na bagay

Maaaring

pagmulan ng apoy ang basag na bote na tinatamaan ng sinag ng araw

ano ang madalas mangyari sa napabayaang siga.

O dili

kaya’y ang kamalig na puno ng mga nakasalansang dayami.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

May kanya-kanyang gawain ang mga langgam sa

kanilang pugad. Naghuhukay ang ilan upang

matirhan ang iba pang mumunting butas o guwang.

Naglilibot ang iba upang mangalap ng maiimbak na

pagkain. Naglilinis naman ng mga pugad ang mga

babaeng langgam. Sa pugad, may mga nakatalagang

tagapag-alaga sa mga bagong luwal na langgam.

Ipinagtatanggol naman ng mga sundalong langgam

ang mga pugad laban sa mga kaaway.

Ano ang paksang pangungusap sa talata? ___________________

Ipinagtatanggol naman ng mga sundalong langgam

ang mga pugad laban sa mga kaaway.

Naglilibot ang iba upang mangalap ng maiimbak na

pagkain.

Sa pugad, may mga nakatalagang

tagapag-alaga sa mga bagong luwal na langgam.

May kanya-kanyang gawain ang mga langgam sa

kanilang pugad.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Naiiba ang paglangoy ng balyena sa karaniwang isda. Habang lumalangoy,

pinagagalaw ng karaniwang isda ang magkabilang panig ng sariling buntot.

Baba-taas naman ang buntot ng balyena habang lumalangoy. Kung bumibilis

ang paglangoy ng balyena, doble rin ang bilis ng baba-taas ng buntot nito sa loob

lamang ng isang segundo. Ang palikpik nito ay nakalaan para sa pag-ikot at

paninimbang, hindi para sa mabilis na paglangoy.

Ano Ang paksang pangungusap sa talata? ___________________

Baba-taas naman ang buntot ng balyena habang lumalangoy.

Naiiba ang paglangoy ng balyena sa karaniwang isda.

Kung bumibilis

ang paglangoy ng balyena, doble rin ang bilis ng baba-taas ng buntot nito sa loob

lamang ng isang segundo.

Ang palikpik nito ay nakalaan para sa pag-ikot at

paninimbang, hindi para sa mabilis na paglangoy.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Maraming masasayang gawain ang iskawts. Natututo sila ng iba’t ibang

paraan ng pagtatali. Nagka-camping at natutulog sila sa mga tent. Nagha-hiking

sila para makatuklas ng mga kakatwang puno, dahon, at bulaklak Marami silang

natututuhang kasanayan hinggil sa kung paano makaliligtas sa mapapanganib na

sitwasyon. Sila ang nagluluto ng sarili nilang pagkain tuwing may camping at iba

pang kaugnay na gawain.

Ano ang paksang pangungusap sa talata? _______________

Maraming masasayang gawain ang iskawts.

Natututo ang iskawt ng iba’t ibang

paraan ng pagtatali. Nagka-camping at natutulog sila sa mga tent.

Ang iskawt ay natututo sa mga kasanayan hinggil sa kung paano makaliligtas sa mapapanganib na

sitwasyon.

Ang iskawt ay nagluluto ng sarili nilang pagkain tuwing may camping at iba

pang kaugnay na gawain.