Search Header Logo

Paggamit ng Iba't-Ibang Pangungusap sa Pagkilatis ng Produkto

Authored by Jasmin Espinosa

Life Skills, Fun

5th Grade

Used 8+ times

Paggamit ng Iba't-Ibang Pangungusap sa Pagkilatis ng Produkto
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

5 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Napanood mo sa telebisyon na bababa ang presyo ng mga de-lata. Sumama ka sa iyong ina na mamili sa grocery. Napansin mo na tila mataas pa rin ang mga presyo ng mga de-lata. Ano ang maaari mong ipahayag sa tindera?

A. Saan galing ang mga paninda ninyo?

B. Pakitingin kung ang mga paninda ninyo ay expired na.

C. Aba! Doble ang presyo ng mga paninda ninyong de-lata.

D. Bakit po mataas pa rin ang presyo ng mga de-lata na paninda ninyo?

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Si Janela ay nagpagawa ng baro’t saya. Maganda ang pagkakaburda nito ngunit maluwag pa ito sa kaniya. Paano niya ito sasabihin sa mananahi nang maayos?

A. Wow! Napakaganda ng pagkakaburda ng baro at saya.

B. Pakiayos pong muli ang baro at saya sapagkat maluwag ito sa akin.

C. Ano pong materyales ang ginamit ninyo sa paggawa ng tela?

D. Ang telang ginamit sa baro at saya ay gawa sa hibla ng pinya.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Mula sa naipong pera, naisip ni JD na bumili ng laruang ireregalo sa kaarawan ng kapatid na babae. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita upang malaman kung ligtas ang mga laruang pambata?

 

A. Wow! Ang ganda naman ng manikang ito.

B. Maaari po bang ikuha ninyo ako ng manikang sumasayaw.

C. Bakit po mababa ang presyo ninyo sa mga laruang pambata?

D. Ang laruang ito ang pipiliin ko, dahil wala itong maliliit na bahagi na maaaring malunok ng aking kapatid.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

May napadaan na nagtitinda ng sorbets sa inyong lugar. Tuwang-tuwa ka dahil matagal ka na ring hindi nakakatikim nito. Paano mo kikilatisin ang mga panindang sorbetes ng tindero?

A. Ano-ano pong sangkap ang ginagamit ninyo sa paggawa ng sorbetes?

B. Mayroon po ba kayong cheese flavor?

C. Wow! Iba’t ibang lasa ng sorbetes ang paninda ninyo.

D. Manong, magkano po ang paninda ninyong sorbetes?

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Si Heinz ay naghahanap ng bag na magagamit niya sa darating na pasukan. Alin kaya sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang pagkilatis ng isang produkto?

A. Maaari bang limang daang piso na lamang ang bag na ito?

B. Alin po sa mga klase ng bag na iyan ang may pinakamagandang disenyo?

C. Maraming gamit po ba ang puwedeng mailagay dito?

D. Itong bag na ito ang bibilhin ko dahil ito ang may pinakamababang presyo.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Microsoft

Continue with Microsoft

or continue with

Facebook

Facebook

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?