G4-G5 Magagalang na Pananalita na Angkop sa Sitwasyon

Quiz
•
World Languages
•
4th - 5th Grade
•
Easy
Annaliza Caldingon
Used 14+ times
FREE Resource
9 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Pumasok ka sa inyong silid-aralan sa oras na 12:30 ng hapon at nakita mo ang iyong gurong-tagapayo na naghahanda ng leksyon na kanyang ituturo. Anong pagbati ang sasabihin mo?
Magandang hapon po, Ginang Cruz!
Magandang umaga po, Ginang Cruz!
Magandang gabi po, Ginang Cruz!
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Sa pagmamadali mo ay nabangga mo ang timba na may laman na maligamgam na tubig na inihanda ng nanay mo panligo ng kapatid mo. Ano ang sasabihin mo?
Inay, dapat iniingatan at itinatabi mo ang timba na may laman na tubig!
Inay, magpainit ka ulit ng tubig, dali!
Inay, paumanhin po at sa pagmamadali ko ay nabangga ko ang inihanda mong tubig na pampaligo ng kapatid ko. Ano pong maitutulong ko sa iyo?
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Mayroong imbitasyon ng Liga ng basketball sa inyong barangay at nais mong lumahok dito. Paano ka magpapaalam sa nanay mo?
Inay, mayroong pa-liga ng basketbol ang barangay at nais kong sumali rito. Maaari ba ninyo akong payagan?
Inay, sasali ako sa pa-liga ng basketbol ng barangay kahit hindi mo ako payagan.
Huwag ka ng magpaalam at umalis na lamang.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ikaw ay nasa isang mahabang pila at nakita mo ang isang buntis na Ginang na halatang hirap sa kanyang pila. Maaari mo siyang mapauna ngunit may taong nakapila sa harap mo. Ano ang sasabihin mo sa taong nasa harapan mo?
Hayaan na lamang siya.
Paumanhin sa aking pang-aabala, pero maaari ba nating paunahin sa pila ang nahihirapang Ginang?
Hilahin siya nang malakas at paunahin sa pila.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Unang araw ng klase at isa sa mga paunang gawain ay ang ipakilala ang iyong sarili. Paano mo ipapakilala ang iyong sarili?
Benny Madrid!
Magandang araw, Ginang Liza at mga kaklase! Ako po si Benny Madrid. Ikinagagalak ko kayong makilala.
Ben ako.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
May inaasahan kayong bisita sa bahay at lumabas ang mga magulang mo upang mamalengke ng inyong ihahandang mga pagkain. Dumating na ang inyong mga bisita. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
Bakit ngayon lang kayo?
Diyan na lang po muna kayo sa labas habang hinihintay sila tatay at nanay.
Andito na po pala kayo. Tuloy po kayo at ipaghahanda ko po kayo ng meryenda. Lumabas po saglit sila tatay at nanay.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
May tumatawag sa telepono at nagkataon na ikaw lang ang pinakamalapit na maaaring sumagot nito. Ano ang iyong sasabihin?
Ano pong kailangan nila?
Sino to?
Hello! Magandang araw po! Si Sam po ito. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
8.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Nagkaroon kayo ng pag-uusap ng iyong mga kaibigan para sa susunod ninyong gagawing hakbang para sa inyong research project at may bahagi na hindi ka sumasang-ayon sa pinag-uusapan.
Ano ba yan. Kayo lang naman ang nagdi-desisyon!
Pasensya na kayo mga kaibigan/kagrupo ngunit may bahagi lamang na hindi ako masyadong sumasang-ayon. Maaari ko bang ibahagi ang naisip kong ideya?
Okay na ba? Tapos na ba. Okay na.
9.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga kabataan sa inyong barangay. Ipinaliwanag sa inyo ang mga programa/proyektong gagawin para sa mga kabataan at sumasang-ayon ka sa mga layunin na isusulong. Hiningi ang inyong mga opinyon ukol dito. Ano ang sasabihin mo?
Ako ay hindi sumasang-ayon sa mga programa/proyekto na isusulong para sa mga kabataan.
Ako ay sumasang-ayon sa programa/proyekto na isusulong para sa mga kabataan.
Paumanhin ngunit wala akong naintindihan sa mga programa/proyekto.
Similar Resources on Wayground
10 questions
Panghalip Pamatlig

Quiz
•
4th - 5th Grade
10 questions
Pang-abay na Pamanahon

Quiz
•
1st - 6th Grade
10 questions
Bahagi ng Pangungusap

Quiz
•
5th Grade
10 questions
IKALIMANG BAITANG: BALIK-ARAL: MGA BAHAGI NG PANANALITA

Quiz
•
5th Grade
13 questions
PAGTUKOY SA URI NG PANGUNGUSAP

Quiz
•
4th Grade
12 questions
Sawikain

Quiz
•
5th Grade
10 questions
Gamit ng Pangngalan: Simuno, Pantawag, at Pamuno

Quiz
•
4th - 6th Grade
10 questions
Pang-abay na Panlunan

Quiz
•
1st - 5th Grade
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations

Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
PBIS-HGMS

Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
"LAST STOP ON MARKET STREET" Vocabulary Quiz

Quiz
•
3rd Grade
19 questions
Fractions to Decimals and Decimals to Fractions

Quiz
•
6th Grade
16 questions
Logic and Venn Diagrams

Quiz
•
12th Grade
15 questions
Compare and Order Decimals

Quiz
•
4th - 5th Grade
20 questions
Simplifying Fractions

Quiz
•
6th Grade
20 questions
Multiplication facts 1-12

Quiz
•
2nd - 3rd Grade