PAGSUSURI NG PELIKULA

Quiz
•
Fun, Education, World Languages
•
6th Grade
•
Hard
HAZEL TRAIN
Used 13+ times
FREE Resource
5 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 2 pts
Si Paulo Avelino ang gumanap bilang Gregorio na isang batang heneral sa pelikulang ‘Goyo’. Naging matagumpay ang kaniyang karakter na binigyang buhay sa pelikula dahil mahusay niyang nagampanan ang karakterisasyon ni Gregorio Del Pilar sa pamamagitan ng kaniyang aksyon, pananalita, at tapang na ipinakita sa pelikula. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?
Buod ng Kuwento
Pamagat
Tauhan
Paksa
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 2 pts
Ang mahalagang pahayag na tumatak sa aking isip ay, “Mga kapatid mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa sa mga Amerikano… Ang ating sarili”, mula sa pelikulang Heneral Luna. Naiuugnay ko ito sa totoong buhay dahil kung minsan tayo ay nawawalan ng disiplina at nagkakasala. Makatotohanan ang pagbuo ng pahayag dahil naiuugnay ko ito sa realidad ng buhay bilang tao. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?
Tauhan
Kaisipang Iniwan
Paksa o Tema
Buod ng Kuwento
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 2 pts
Sa ganang akin, makatotohanan ang pelikulang ‘Dekada ‘70’ dahil naglalaman ito ng madidilim na kasaysayan ng Pilipinas. Tinalakay ng kuwento ang suliraning pampamilya at pampolitika, tulad na lamang ng korapsyon, kawalang katarungan, paglabag sa karapatang pantao, at laganap na krimen. Binigyang-solusyon ito sa pamamagitan ng rebolusyon ng mga tao. Naging makatotohanan ang manunulat ng akda sa kaniyang inilahad dahil hanggang sa ngayon ay nangyayari pa rin ang mga nasabing isyung panlipunan. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?
Buod ng Kuwento
Kaisipang Iniwan
Pamagat
Pag-uugnay sa Buhay
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 2 pts
Ang pelikulang ‘Anak’ ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina at ang namayaning ideya na tumatak sa akin ay handang tanggapin ng ina ang kaniyang mga anak maging ano pa man ang kamaliang nagawa nito. Sa aking palagay, napapanahon ito dahil maraming mga kabataan ang nagrerebelde sa magulang. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?
Paksa o Tema
Kaisipang Iniwan
Buod ng Kuwento
Pamagat
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 2 pts
Naiiba ang pelikulang ‘Seven Sundays’ sa ibang mga pelikulang napanood ko dahil itinuturo nito ang halaga ng pamilyang masasandalan sa lahat ng oras. Sa pagtatapos ng pelikula ang aral na nakuha ko ay hindi matutumbasan ng kahit anong pera sa mundo ang halaga ng isang pamilya. Sa kabuoan, karapat-dapat panoorin ang pelikulang ito dahil nagbibigay ito importansya sa papel ng pamilya sa ating buhay. Ano ang pagsusuring tinutukoy mula sa pahayag?
Paksa o Tema
Kinapulutang Aral at Pananaw
Pamagat
Buod ng Kuwento
Similar Resources on Wayground
10 questions
Sigaw sa Pugad Lawin

Quiz
•
6th Grade
10 questions
Salitang Ugat at Panlapi

Quiz
•
6th Grade
8 questions
BALIK-ARAL ESP 9

Quiz
•
1st - 9th Grade
10 questions
Abdulmari Asia Imao

Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Sanhi at Bunga

Quiz
•
4th - 6th Grade
10 questions
Mga kagamitan sa Pagsusukat

Quiz
•
4th - 6th Grade
10 questions
Pangkalahatang Sanggunian

Quiz
•
5th - 6th Grade
10 questions
BALIK-ARAL: BAHAGI NG PANANALITA

Quiz
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
18 questions
Writing Launch Day 1

Lesson
•
3rd Grade
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations

Quiz
•
6th - 8th Grade
11 questions
Standard Response Protocol

Quiz
•
6th - 8th Grade
40 questions
Algebra Review Topics

Quiz
•
9th - 12th Grade
4 questions
Exit Ticket 7/29

Quiz
•
8th Grade
10 questions
Lab Safety Procedures and Guidelines

Interactive video
•
6th - 10th Grade
19 questions
Handbook Overview

Lesson
•
9th - 12th Grade
20 questions
Subject-Verb Agreement

Quiz
•
9th Grade