Search Header Logo

Regional Mid-Year Assessment

Authored by Rubyneil Andres

Life Skills

6th Grade

Used 7+ times

Regional Mid-Year Assessment
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

50 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

1.    Nagkaayaan ang magkaibigang Nick at Jay na pumunta sa bukid upang manguha ng gagamba. May pasok sila sa araw na iyon at mahigpit silang pinagbawalan ng kanilang mga magulang na pumunta sa bukid. Ano ang nararapat nilang gawin?

A.    Pupunta sila upang makarami nang huli.

B.    Susuwayin ang mga magulang at ipagpapatuloy ang balak.

C.    Susundin ang pagbabawal ng mga magulang at papasok sa klase.

D.   Magsisinungaling sa mga magulang at sasabihing may gagawing proyekto sa bahay ng kaklase.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

2. Aling pasya ng nakararami ang dapat mong sang-ayunan?

A.  pasya ng matatalino 

B.   pasya ng matatanda 

C. pasya ng mayayaman

D. pasyang makabubuti sa lahat

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

3. Nawalan ng trabaho ang mga magulang ni Gina dahil sa pandemya. Kailangan niyang huminto sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera. Ano ang kaniyang dapat gawin?

 

A.    Magtatampo siya sa kaniyang magulang dahil pinahihinto siya sa pag-aaral.

B.    Ikatutuwa niya ito dahil pagod na rin siyang mag-aral at nais niyang maglaro naman.

C.    Hihinto na lamang at sasama sa kaniyang mga barkadang magliliwaliw.

D.   Hahanap siya ng mabuti at angkop na mga paraan upang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng wastong impormasyon?

A.    Naglalaro si Lino ng online games.

B.    Nanonood si Lino ng mga pelikula online.

C.    Nagsasaliksik si Lino ng kaniyang mga aralin gamit ang internet.

D.   Nagtatanong si Lino sa kaniyang kapitbahay gamit ang chat tungkol sa mga sagot ng kaniyang takdang-aralin.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

5.  Ano ang nararapat gawin ni Lino kung nahaharap siya sa suliranin ng pagkakaroon ng sirang cellphone gayong malapit na ang pasukan at kailangan niya ito sa paggawa ng performance task?

A.    Pilitin niya ang magulang na bilhan siya ng bagong cellphone lalo na at huling taon na niya sa elementarya.

B.   Kausapin  ang       kaniyang  mga guro at ikuwento niya ang pinagdaraanang suliranin ukol sa kawalan ng gadget.

C.    Suriin niyang mabuti ang kaniyang sitwasyon at hahanap ng ibang alternatibo upang makabahagi pa rin sa pag-aaral online.

D.    Humanap ng mapapasukang trabaho upang makapag-ipon ng sapat na perang pambibili ng bagong cellphone.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

6.  Bilang isang mahalagang kasapi ng pamilya, ang pakikinig, pagsusuri, at pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang kaaya-ayang katangian. Paano mo ito maipakikita?

A.    Ipipilit ang sariling pananaw at hindi susunod sa pasya ng iba.

B.    Hahayaan silang magdesisyon dahil wala ka ring maitutulong.

C. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.

D.   Tutulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

7. Bakit mahalaga na ang batang tulad mo ay nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari?

A.   Nakatutulong ito na makilala mo nang higit ang iyong tunay na pagpapahalaga.

B.     Nabibigyan mo nang linaw ang mga bagay at pangyayari nang may tamang katuwiran.

C.     Naiiwasan mong makaranas ng anomang uri ng mabibigat na isyu o suliranin araw-araw.

D.    Nakatutulog ka nang mahimbing sa gabi ng walang inaalalang anomang problema

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?