Short Reviewer in ARPAN 5
Quiz
•
History
•
5th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
JOHN PASCUA
Used 9+ times
FREE Resource
Enhance your content in a minute
15 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ano ang naging impluwensiya ng Kalakalang Galyon sa ating mga kaugalian at tradisyon?
Ang pagpunta sa mga magagandang lugar sa iba’t ibang bansa.
Ang makulay at magarbong pagdiriwang ng mga pista.
Ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan.
Ang pagkahilig sa mga materyal na bagay.
Ang pagtatrabaho sa polo y servicios.
Answer explanation
Malaki ang naging impluwensiya ng Kalakalang Galyon. Isa sa mga ito ay ang makulay at magarbong pagdiriwang ng mga pista kapag may papaalis at paparating na barko sa Maynila noon. Nagkakaroon ng mga banda, makukulay na panabit o banderitas sa mga kalsada, pagkaing hain sa bawat bahay, at ang lahat ng tao ay talagang nagkakasayhan.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Paano nakaapekto sa kalakalan ang pagbubukas ng daungan ng Maynila?
Nadagdagan ang kita ng pamahalaan na ipinantustos sa pagpapanatili ng Kristiyanismo.
Lumaki ang kita ng mga Pilipino na naging dahilan ng kanilang pagyaman.
Marami ang nawalan ng kabuhayan dahil sa pagbubukas ng daungan.
Humina ang ekonomiya ng bansa dahil sa kalakalan.
Nagkaroon ng mas malalim na pagmamahal sa sariling bansa.
Answer explanation
Positibong Epekto:
1. Nadagdagan ang kita ng pamahalaan na ipinantustos sa pagpapanatili ng Kristiyanismo (Katolisismo) sa bansa at pamamahala ng pamahalaang Espanyol.
2. Nakilala ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig.
3. Nakarating sa bansa ang mga makabagong ideya at teknolohiya.
4. Nagpakilala ito sa pagiging mahusay at malikhain ng mga Pilipino.
Negatibong Epekto:
1. Napabayaan ang pagsasaka.
2. Bumagal ang pag-unlad ng ibang kabuhayan.
3. Tanging mayayamang Espanyol lamang at ilang may pribelehiyo ang nakinabang dito.
4. Naging dahilan ng mga katiwalian at pang-aabuso sa mga Pilipino.
3.
MULTIPLE SELECT QUESTION
45 sec • 2 pts
Ano ang positibong epekto ng kalakalang galyon sa mga Pilipino?
Nagkaroon ng sariling galyon ang bawat Pilipino upang magamit sa pakikipag kalakalan.
Nakilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at mahusay sa paggawa ng galyon.
Lalong pinahirapan ang mga Pilipinong nasa ilalim ng Polo y Servicios.
Yumaman ang mga Pilipino at naghirap ang mga Espanyol.
Nakilala ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig.
Answer explanation
Positibong Epekto:
1. Nadagdagan ang kita ng pamahalaan na ipinantustos sa pagpapanatili ng Kristiyanismo (Katolisismo) sa bansa at pamamahala ng pamahalaang Espanyol.
2. Nakilala ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig.
3. Nakarating sa bansa ang mga makabagong ideya at teknolohiya.
4. Nagpakilala ito sa pagiging mahusay at malikhain ng mga Pilipino.
4.
MULTIPLE SELECT QUESTION
45 sec • 2 pts
Ano ang negatibong naidulot ng pagtatatag ng monopolyo ng tabako sa bansa?
Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain at natutong manigarilyo ang mga Pilipino.
Nakilala ang bansa sa buong mundo sa larangan ng pagtatanim ng tabako.
Nabigyan ng malaking kita ang bansa.
Naging tamad ang mga magsasaka.
Nagdulot ng kagutuman sa maraming Pilipino
Answer explanation
1. Nagdulot ng kagutuman sa maraming Pilipino dahil nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain.
2. Natuto ring manigarilyo ang maraming Pilipino.
3. Naging dahilan ito ng pagmamalabis ng mga opisyal na lalong nagpahirap sa mga Pilipino at nagpayaman sa mga Espanyol.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Bakit hindi maaaring lumahok sa kalakalang galyon ang mga alipin o indio?
Sapagkat wala silang kakayahang magbayad ng tiket para sa pakikipagkalakalan.
Sapagkat mayroon na silang mataas na katungkulan.
Sapagkat hindi talaga nila nais lumahok.
Sapagkat hindi sila Katoliko.
Sapagkat dagdag gastos lamang ito.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ano ang iba pang tawag sa kalakalang Maynila at Mexico?
Espanya- Acapulco Trade
Mexico- Acapulco Trade
Manila-Acapulco Trade
Tsina-Acapulco Trade
Philippines-Mexico Trade
Answer explanation
Ang galyon ay malaking sasakyang-dagat ng mga Espanyol. Lulan nito ang mga kalakal mula sa Maynila patungong Acapulco, Mexico at pabalik, at naglalakbay minsan lamang sa isang taon. Nakilala rin itong Kalakalang Maynila-Acapulco (Manila-Acapulco Trade). Ang kalakalang ito ay monopolyo ng pamahalaan. Isinara sa ibang bansa ang kalakalan sa Maynila maliban sa Mexico.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?
Naniniwala si Gobernador-Heneral Basco na mas tatatag ang ekonomiya dahil mataas ang demand ng tabako sa kalakalan.
Makikilala ang produktong tabako sa buong bansa.
Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilocano.
Mahilig manigarilyo ang mga Espanyol.
Answer explanation
Itinatag rin ni Basco ang monopolyo ng tabako noong Marso 1, 1782 sa bansa. Tanging tabako lamang ang maaaring itanim sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Ecija, Marinduque, at Ilocos. Ang bawat pamilya ay binigyan ng kotang dapat anihin sa loob ng isang taon. May mga multa o kabayaran ang mga magsasakang hindi nakatutupad sa bilang o daming itinakda sa kanila. Ang pamahalaan lamang ang may karapatang bumili ng mga tabako.
Create a free account and access millions of resources
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?
Similar Resources on Wayground
15 questions
Module 2 Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas
Quiz
•
5th Grade
18 questions
3 PP Réviser le programme d'histoire du brevet
Quiz
•
5th Grade
20 questions
L'affirmation de l'Etat royal
Quiz
•
KG - Professional Dev...
15 questions
Filipino Beliefs, Folklore, Myth
Quiz
•
3rd Grade - University
10 questions
AP 5 2nd Quarter-Pagdating ni Magellan
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Ang Pinagmulan ng Pilipinas
Quiz
•
5th Grade
15 questions
AP - Q4 PT REVIEWER 2
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Renaissance et humanisme
Quiz
•
KG - University
Popular Resources on Wayground
5 questions
This is not a...winter edition (Drawing game)
Quiz
•
1st - 5th Grade
15 questions
4:3 Model Multiplication of Decimals by Whole Numbers
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
10 questions
The Best Christmas Pageant Ever Chapters 1 & 2
Quiz
•
4th Grade
12 questions
Unit 4 Review Day
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Identify Iconic Christmas Movie Scenes
Interactive video
•
6th - 10th Grade
20 questions
Christmas Trivia
Quiz
•
6th - 8th Grade
18 questions
Kids Christmas Trivia
Quiz
•
KG - 5th Grade
Discover more resources for History
8 questions
Constitutional Convention
Lesson
•
5th - 8th Grade
11 questions
Lewis and Clark Expedition and the Louisiana Purchase
Interactive video
•
5th Grade
35 questions
VS.5 Revolutionary War
Quiz
•
4th - 6th Grade
10 questions
Causes of the American Revolution
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Humans and the Environment BrainPop
Quiz
•
3rd - 8th Grade
12 questions
Liberty Kids "Intolerable Acts"
Quiz
•
5th Grade
30 questions
Studies Weekly Unit 2 Test
Quiz
•
5th Grade
50 questions
GT - World War I Unit Final
Quiz
•
5th - 6th Grade
