Search Header Logo

Grade 7 - Tagisan ng Natutuhan sa Filipino

Authored by Katrina Asuncion

Other

7th Grade

Used 3+ times

Grade 7 - Tagisan ng Natutuhan sa Filipino
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 2 pts

“Sapagka’t may angking kabaitan, lagi at laging tumutulong si Maria sa mga tao sa paligid ng kabundukan.”

Batay sa binasang talata galing sa kuwentong “Mariang Sinukuan,” anong akdang pampanitikan ito pumapaloob?

Maikling Kuwento

Kuwentong-bayan

Alamat

Mitolohiya

Answer explanation

Media Image

Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan na likhang isip pero nakabatay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig.

Kabilang na rito ang kaugalian na likas sa isang tao.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 2 pts

Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na Mito?

Indarapatra at Sulayman

Si Pagong at Matsing

Mariang Sinukuan

Si Maria Makiling

Answer explanation

Media Image

Ang mitolohiya ay isang akdang pampanitikan na pumapaksa sa mga diyos, diyosa, at kakaibang nilalang o mythical creatures.

Indarapatra at Sulayman - diwatang pinakasalan ni Indarapatra, at ang apat na halimaw

Mariang Sinukuan - diwata

Maria Makiling - diwata

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 3 pts

Ano ang pangunahing kaisipan ng talata?

“Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang hanggang sa paglaki. Pinag-aaral niya tayo para sa ating kinabukasan. Bilang sukli, dapat natin siyang mahalin at maging mabuting anak. Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan.”

Bilang sukli, dapat natin siyang mahalin at maging mabuting anak.

Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan.

Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang hanggang sa paglaki.

Pinag-aaral niya tayo para sa ating kinabukasan.

Answer explanation

Media Image

Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Karaniwang matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng talata.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 3 pts

Ano ang pantulong na kaisipan ng talata?

“Ang katatagan ng loob ay importante para sa isang indibidwal. Kapag matatag ang loob ng isang indibidwal, mahaharap niya ang lahat ng pagsubok. Ano man ang mga problema na dumating ay hindi niya ito kinatatakutan. Kaya, mahalagang ang isang tayo ay may matatag na kalooban.”

Ang katatagan ng loob ay importante para sa isang indibidwal.

Ano man ang mga problema na dumating ay hindi niya ito kinatatakutan.

Kaya, mahalagang ang isang tayo ay may matatag na kalooban.

Kapag matatag ang loob ng isang indibidwal, mahaharap niya ang lahat ng pagsubok.

Answer explanation

Media Image

Ang pantulong na kaisipan ay tumutukoy sa mga mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya.

Ang sagot na "Kapag matatag ang loob ng isang indibidwal, mahaharap niya ang lahat ng pagsubok" ay isang halimbawa ng pantulong na kaisipan na ginamitan ng makatotohanang pangyayari.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 4 pts

Tukuyin kung anapora o katapora ang pangungusap. Pagkatapos, tukuyin naman ang pangngalan at panghalip sa pangungusap.

“Si Chloed Gray ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Boracay Resort. Ayon sa kaniya, paborito niya itong pasyalan.”

Anapora

Chloed Gray; kaniya

Anapora

Boracay Resort; niya

Katapora

ito; Boracay Resort

Katapora

kaniya; Chloed Gray

Answer explanation

Ang isang pahayag ay nasa anyong anaporik kung ang panghalip ay lumalabas sa hulihan bilang pananda sa pangngalan sa unahan.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 4 pts

Tukuyin kung anapora o katapora ang pangungusap. Pagkatapos, tukuyin naman ang pangngalan at panghalip sa pangungusap.

“Sila ay laging nag-aagawan sa pila tuwing kainan. Makikita sa mukha ng mga kalahok na kontento sila at nasisiyahan sa seminar.”

Anapora

kalahok; sila

Anapora

seminar; sila

Katapora

sila; kalahok

Katapora

sila; kainan

Answer explanation

Ang isang pahayag ay nasa anyong kataporik kung ang panghalip ay lumalabas sa unahan bilang pananda sa pangngalang binanggit sa hulihan.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 2 pts

Ang sosyo-historikal na konteksto ay tumutukoy sa mga gawi at pangyayari sa nakaraan na mayroong kinalaman sa kalagayang panlipunan na maaaring makaapekto sa kasalukuyan. Halimbawa na lamang nito ang mga kahulugan ng bawat pagpaypay ng abaniko sa palabas na Maria Clara at Ibarra.

Ang parehong pangungusap ay TAMA.

Ang parehong pangungusap ay MALI.

Ang unang pangungusap ay TAMA at ikalawa naman ay MALI.

Ang unang pangungusap ay MALI at ikalawa naman ay TAMA.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?