Araling Panlipunan 5 Q3 Reviewer

Araling Panlipunan 5 Q3 Reviewer

5th Grade

37 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

Grade 5: Kolonyalismo

Grade 5: Kolonyalismo

5th Grade

35 Qs

Quiz 1 in AP 5 Review

Quiz 1 in AP 5 Review

5th Grade

40 Qs

LABAN TAYO

LABAN TAYO

5th Grade

40 Qs

LHS ALS QUIZ - A.P

LHS ALS QUIZ - A.P

KG - University

40 Qs

AP 3rd Quarter Online Quiz

AP 3rd Quarter Online Quiz

5th Grade

40 Qs

4th Grading Drills

4th Grading Drills

5th Grade

40 Qs

AP5_3Q_Assessment

AP5_3Q_Assessment

5th Grade

32 Qs

AP5_4Q_Assessment

AP5_4Q_Assessment

5th Grade

32 Qs

Araling Panlipunan 5 Q3 Reviewer

Araling Panlipunan 5 Q3 Reviewer

Assessment

Quiz

History

5th Grade

Medium

Created by

Napoleon Leones

Used 1+ times

FREE Resource

37 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Isinulong ni Apolinario dela Cruz ang kalayaan sa paraan ng pananampalataya sa kabila ng pagtutol ng pamahalaan at simbahan. Pinagbintangan siyang erehe at hinatulan ng parusang kamatayan. Ano ang aral na maari nating matutuhan sa kaniyang naging karanasan?
Ang ating buhay ay dapat ialay sa pagsunod sa mga patakaran at tradisyon.
Ang anumang adhika ay nalulusaw at nagtatapos sa kamatayan ng nagsimula nito.
Ang paggamit ng dahas ay hindi maiiwasan sa pagsulong ng prinsipiyong ipinaglalaban.
Sa kamatayan ng katawan, nabubuhay sa puso ng mga naiwan ang adhikang ipinaglalaban.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang naging ambag ni Magalat sa Cagayan sa pagkabuo ng nasyonalismong Pilipino?
Nakapatay siya ng mga Espanyol at naging kilabot na pinuno ng pag-aalsa.
Nahimok niya ang mga katutubo na magtipon-tipon at ipaglaban din ang karapatan sa kalayaan.
Wala siyang naiambag sa pagkabuo ng nasyonalismong Pilipino dahil pinairal niya ang karahasan imbes na pagkakaisa.
Wala siyang naiambag sa pagkabuo ng nasyonalismong Pilipino dahil pansariling interes lamang niya ang kaniyang ipinaglaban.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Alin sa mga sumusunod na hakbang ang makapagbibigay ng inaasam na kalayaan mula sa mga mananakop?
Pakikipaglaban
Pagtanggap sa dayuhan
Pagtakas patungong kabundukan
Pagkitil sa sariling buhay

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa “nasyonalismo” ang HINDI totoo?
Ang nasyonalismo ay dati nang taglay ng mga katutubo bago pa man dumating ang mga mananakop.
Ang nasyonalismo ay unti-unting nalinang sa mga katutubo dahil sa hamon ng kolonyalismong Espanyol.
Ang nasyonalismo ay nabuo mula sa mga sakripisyo ng mga katutubong piniling manindigan para sa kalayaan.
Ang mga katutubong nasawi sa labanan para sa pagkamit ng kalayaan ay may malaking ambag sa pagkabuo ng nasyonalismong Pilipino.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Alin sa mga sumsusunod na pahayag ang tumutukoy sa kabutihang naidulot ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Nakalimutan ng mga Pilipino ang kanilang mga sinaunang pananampalataya o relihiyon.
Higit na tinangkilik ng mga Pilipino ang kulturang banyaga kaysa sa sariling kultura.
Sapilitang pinagtrabaho ang mga kalalakihan sa mga mabibibigat na gawain nang walang bayad.
Namulat ang mga katutubo at nahimok sa pakikibaka para sa kanilang karapatan sa kalayaan at pagsasarili bilang isang nasyon.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang karamihan sa mga Pilipinong piniling ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan laban sa mga mananakop na Espanyol ay nabigo at namatay. Ang ilan sa kanila ay sina Juan dela Cruz Palaris, Hermano Pule, at Diego Silang. Nararapat bang kilalanin natin ang kanilang mga nagawa para sa pagkamit ng kalayaan?
Hindi, dahil nabigo naman sila sa kanilang pag-aalsa
Hindi, dahil wala namang napala ang mga naiwan nang sila ay namatay
Oo, dahil ang nangyari sa kanila ay nagmulat sa damdaming makabansa ng mga katutubo
Oo, dahil marami rin naman silang napatay na sundalong Espanyol bago sila masupil

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bakit nabigo ang karamihan sa mga naunang pag-aalsang isinagawa ng mga katutubo laban sa Kolonyalismong Espanyol?
dahil sa kawalan ng damdaming nasyonalismo na makikita sa pagkawatak-watak o hiwa-hiwalay na mga pag-aalsa
dahil higit na mas marami ang mga sundalong Espanyol kaysa sa lahat ng mga katutubong maaring lumaban
dahil inuna ng mga nag-alsa ang kanilang pansariling kapakanan kaysa sa kapakanan ng kapwa
dahil walang kakayahan ang mga katutubong maglunsad ng digmaan laban sa mga mananakop

Create a free account and access millions of resources

Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports
or continue with
Microsoft
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?