Filipino 3 Review for Written Work

Filipino 3 Review for Written Work

2nd Grade

13 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

FUN BIBLICAL FACTS

FUN BIBLICAL FACTS

2nd Grade

15 Qs

MTB Pagtukoy sa Tayutay na Metapora

MTB Pagtukoy sa Tayutay na Metapora

1st - 3rd Grade

10 Qs

palaro ng lahi

palaro ng lahi

1st - 12th Grade

10 Qs

AP REVIEW ACTIVITY

AP REVIEW ACTIVITY

2nd Grade

15 Qs

HEALTH

HEALTH

1st - 3rd Grade

10 Qs

Q3-W3: Summary Quiz

Q3-W3: Summary Quiz

2nd Grade

10 Qs

MAY 11, 2023 LAPU LAPU ASYNCHRONOUS

MAY 11, 2023 LAPU LAPU ASYNCHRONOUS

1st - 5th Grade

15 Qs

Q3-W5: Summary Quiz

Q3-W5: Summary Quiz

2nd Grade

10 Qs

Filipino 3 Review for Written Work

Filipino 3 Review for Written Work

Assessment

Quiz

Fun

2nd Grade

Hard

Created by

Karen Canedo

Used 2+ times

FREE Resource

13 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Basahin ang sumusunod na teksto at magmungkahi ng solusyon tungkol dito.   Nais ng iyong nanay na magsaliksik tungkol sa mga sabon na pampaputi ngunit hindi siya marunong gumamit ng kompyuter.

Tulungan ang iyong nanay sa pagsasaliksik.

Utusang magluto ang iyong nanay.

Hayaan na lamang ang nanay hanggang sa magsawa siya kakatingin sa kompyuter.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Basahin ang sumusunod na teksto at magmungkahi ng solusyon tungkol dito. 

Dumarami ang mga kabataang naninigarilyo kung saan-saan kaya marami ang nababahala rito.

Isumbong sa mga nakatatanda ang kanilang ginagawa upang dalhin sila sa malayong lugar.

Hayaan na lamang silang manigarilyo kung saan-saan.

Hikayatin ang mga bata na itigil ang paninigarilyo at maglaro na lamang dahil mas nakabubuti ito sa kanilang kalusugan.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Basahin ang sumusunod na teksto at tukuyin ang buod nito.  

Ang Pamilya

Ang bawat isa sa atin ay may pamilya, o may itinuturing na pamilya. Ito rin ang pundasyon ng ating komunidad dahil sa ating pamilya natin unang natututuhan ang kabutihang-asal, pagpapahalaga sa isa’t isa at pagkakaroon ng mabuting katangian. Sila rin ang ating unang nilalapitan sa tuwing tayo ay may problema at sa kanila natin unang nararamdaman ang pagmamahal. Kaya dapat nating pahalagahan at mahalin ang isa’t isa.

Ang ating pamilya lamang ang nagpapahalaga sa atin kaya dapat natin silang pasalamatan sa araw-araw.

Ang bawat isa sa atin ay may pamilya na tumutulong sa atin sa araw-araw na gawain sa bahay.

Ang ating pamilya ang unang nagbibigay sa atin ng pagmamahal kaya dapat natin silang pahalagahan.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Basahin ang sumusunod na teksto at tukuyin ang buod nito.  

Ang Kendi

Maraming mga bata ang gustong-gusto ng kendi dahil ito ay matamis, masarap, at makulay. Ngunit alam niyo ba na ang labis na pagkain ng kendi ay nakasisira ng inyong ngipin? Maaaring mabulok ang inyong ngipin o magkaroon ng maraming sira. Kaya naman ang pagkain ng kendi ay hindi dapat nilulubos. Mas mainam pa ang pagkain ng prutas dahil mas nakabubuti ito sa ating kalusugan at mga ngipin.

Iwasan ang pagkain ng kendi dahil marami ang maiinggit sa atin na mga bata.

Ang labis na pagkain ng kendi ay nakakasira ng ngipin kaya mas mainam ang kumain ng prutas.

Ang kendi ay masarap kaya dapat tayong kumain nito palagi upang maging masaya ang ating buhay.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Basahin ang sumusunod na teksto at tukuyin ang buod nito.  

Ang Pista

Taon-taon ay ginaganap ang pista sa aming bayan. Ang bawat isa ay nagtutulungan sa paghahanda ng mga pagkain, pagdedekorasyon ng entablado, at paglalagay ng palamuti sa kalsada. May mga musikero din na nagpapatugtog ng masasaya. May mga palaro din para sa mga bata at matatanda. Marami ang mga bisitang dumadalo sa amin at nakikisaya tuwing araw ng pista.

Maraming mga palamuting makikita sa kalsada tuwing pista kaya madami ang bumibisita sa aming bayan.

Maraming pagkain ang inihahain tuwing pista kaya madami ang nabubusog.

Ginaganap ang pista taon-taon sa aming bayan at ang bawat isa ay nagtutulungan at nagkakasiyahan.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Ang Pangarap Ko

Bawat isa sa atin ay may pangarap na nais maabot. Ang ilan sa mga pangarap ay ang kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral at matulungan ang mga magulang. Ang iba naman ay pangarap na maging isang magaling na propesyonal kagaya ng doktor, abogado, guro, pulis, at iba pa. Ngunit bago natin makamit ang lahat ng mga ito ay dapat tayong maging pursigido sa pag-abot ng mga ito. Kinakailangan nating maging masipag at matiyaga upang ito ay ating mapagtagumpayan. Gaano man kaliit o kalaki ang iyong pangarap ay maaari nating makamtam kapag ito ay pinagsumikapan at ito ang nagsisilbi nating inspirasyon sa buhay.  

 Alin sa mga pangungusap sa nabasang salaysay ang tumutukoy sa wakas na bahagi?

Gaano man kaliit o kalaki ang iyong pangarap ay maaari nating makamtam kapag ito ay pinagsumikapan at ito ang nagsisilbi nating inspirasyon sa buhay.

Ang bawat isa sa atin ay may pangarap na nais maabot.

Ngunit bago natin makamit ang lahat ng mga ito ay dapat tayong maging pursigido sa pag-abot ng mga ito.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Ano ang makikita sa gitnang bahagi ng isang sanaysay?

Dito nakatala ang paksa.

Dito nakalagay ang pinakabuod ng sanaysay.

Dito tinatalakay ang mahahalagang detalye at ideya.

Create a free account and access millions of resources

Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports
or continue with
Microsoft
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?