Tungkuling kaakibat ng karapatan

Tungkuling kaakibat ng karapatan

Assessment

Quiz

Created by

RAQUEL CONTEMPLACION

Social Studies

4th Grade

3 plays

Hard

Student preview

quiz-placeholder

5 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Masayang nagkukuwentuhan sina Gio at Patrick. Sa kabilang silid ay natutulog ang maysakit nilang kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?

A. Itigil na nila ang kanilang kuwentuhan

B. Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging masaya

C. Hinaan ang knilang boses upang hindi makaabala sa maysakit

D. Ituloy ang kuwentuhan dahil karapatan nilang ihayag ang kanilang damdamin

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Karapatan ng batang ipahayag ang kaniyang saloobin kaya maaaring sabihin ng mga anak ang lahat ng nais nilang sabihin sa anumang paraan

TAMA

MALI

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Mangingisda si Mang Cedie. Ito ang ikinabubuhay ng kaniyang pamilya. Sa kagustuhan niyang kumita nang malaki, gumamit siya ng dinamita. Tama ba ang ginagawa ni Mang Cedie?

A. Oo, para madagdagan ang kaniyang kita

B. Hindi, dahil baka siya tamaan ng dinamita

C. Oo, dahil karapatan ng kaniyang pamilya na mabuhay

D. Hindi, dahil ipinagbabawal ito at nakakasira sa kalikasan

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Kilala si Laurence sa kaniyang barangay na isang batang palaaway. Nawalan siya ng mga magulang dahil sa bagyong Ondoy. Sa kabila ng kaniyang pagiging matigas ang ulo, inampon pa rin siya ng kaniyang kapitbahay. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Magpakabait at sumunod sa mga tagubilin ng nag-ampon sa kaniya

B. Magpakita ng kabaitan sa nag-ampon sa kaniya ngunit hindi sa ibang tao

C. Maglayas sa bahay ng nag-ampon sa kaniya dahil hindi niya magawa ang nais niyang gawin

D. Ipagpatuloy ang pagiging palaaway dahil kailangan nilang tanggapin kung sino siya

5.

FILL IN THE BLANK QUESTION

20 sec • 1 pt

Ang bawat karapatan ay may katumbas na______________na dapat gampanan para sa ikabubuti ng sarili at ng pamayanan